Twenty-seven

477 29 12
                                    


Sunog's

Kanina ko pa hinihintay si Wonu dito sa may fountain sa main campus. Kanina pa ako nauumay sa mga nagsusubuan ng lunch dito at mga babaeng naghahampasan at tumitingin sa akin. Hehehe.

Hirap maging gwapo-

"Hoy Mingyu, ayusin mo nga yang suot mo! Ano ka stripper?" Sigaw nung cute na teacher na teacher ko sa History, Sir Jin.

Napansin ko naman na nakabukas pala yung polo na suot ko, bukas yung dalawang button mula sa collar. Agad naman akong nagsorry tapos binutones ko na.

After nun, balik na naman ako sa pagtambay. Kabore mga bes.

Dinaanan na ako ng lahat ng pwedeng dumaan. Nakita ko na nga mga kuya namin eh, hinahatid kasi ni Jungkook hyung si kuya everyday, pero nung tinanong ko naman kung nasan yung emo niyang kapatid, ewan niya daw kasi hindi pa daw nakakabangon nung pag-alis niya ng bahay, aba malandi tong dalawang 'to. Tama siguro hula ko na mag-ex to. O KAYA BAKA NAMAN HANGGANG NGAYON SILA PA DIN??!? KASI YUNG ALBUM....OH MY GAWD.

Nagearphones nalang is me kasi wala na talaga akong magawa, pero may tumapik sa balikat ko. "BRAD!" Nagulat ako sa pagmumukha ni Vernon aBA KASI BALOT YUNG NGIPIN NG WRAPPER NA SILVER NG HANY. Ano ka, bata? Tinanggal ko earphones ko.

"Grabe, ang gwapo ko naman para magulat ka ng ganyan, pre." Tumawa siya, kasilaw mga bes. Kasilaw yung wrapper ng hany ft. Gilagid ni Hansol.

"Aba't walaya ka pala eh. Sinong hindi magugulat sa gilagid mo at ngipin mo na may kulay silv-" nabangga ako ng...teka...di ko siya kilala bago ba to?

Nagulat kami ni Vernon kaya napakunot nalang mga noo namin. Si ate naman sinamaan ako ng tingin. Ilang segundo pa, biglang may tumawag mula sa likuran namin. "Somi!" Tawag nila. Kumakaway sila sa amin, kaya tumingin kami sa likuran pero wala namang tao. Teka siya ba si Somi?

Ang bilis nila tumakbo, pagtingin ko nasa harapan ko na agad sila DAIG SI SEOKMIN MGA BRAD. SEOKMIN KABAHAN KA NA OMO-

"Aish. Somi naman eh, sabi ko sayo huwag kang gagala ng mag-isa tuloy nabangga mo pa si Gyu-senpai!" Pagpapagalit nung mukhang third year na ate. Yung isang kasama naman niya kinaltukan lang siya. Pero wala siyang pake, sinasamaan pa rin kami ng tingin. Ako lang pala, kasi iniwan na ako nung hinayupak na Noo na yun hays.

"Tch. Tara na nga." Hinila siya nung nangkaltok sa kanya. Tapos inirapan ba naman ako nung Somi, aBA MALDITA PALA ITO. KALA MO NAMAN MAGANDA SIYA PWE MAS MAGANDA PA SI WONU SA KANYA KAPAG NAGDAMIT BABAE-

U-Uy, ano ba yang iniisip mo Mingyu, bastos ka hah. Napalunok ako, naimagine ko kasi si- AISH TAMA NA NGA.

"Ayoko, dito muna tayo." She insisted. OH TARUY INGLES.

"...huh?" Nagtaka yung dalawa.

Baka kras niya ako?

"Somi...? Ikaw ba yan?" Nanlaki yung mata ko kasi kilala ko yung nagsasalita. Si Wonu yun, hindi ako pwedeng magkamali. Dahan-dahan akong tumingin sa likod para makita pagmumukha niya.

And he was smiling.

Ewan ko pero parang kumirot yung puso ko.

"Oppa!"

...ano daw?

"Somi!" Tumakbo yung Somi sa Wonu ko tapos binangga pa ako, pucha. Tapos nagyakapan silang dalawa. Sa harap ko.

Wala akong magawa, kanina pa ata ako nakanganga dahil nakakaamaze, kaya naman tumingin nalang ako sa ibang direksyon hanggang sa matapos sila.

"Dito ka na pala nag-aaral? " nakangiting tanong ni Wonu. Parang ang saya niya talaga.

Healing [MEANIE]Where stories live. Discover now