SC: Beginning of the End

318 19 82
                                    


^^
????

Yo, Im back.
---

"Hyung, baon mo!" Mingyu shouted at his hyung.

Paalis na ito para magtrabaho sa isang disenteng eskwelahan trenta minutos mula sa bahay nila kapag bisikleta ang gamit. They have been living here for seven months, sa isang third hand na bahay.

The house they got was from someone's friend. They got it for free. As in free.

"Hala, wait." Replied Taehyung, struggling with the bicycle's rusty stand, galing lang rin kasi ang bisikletang ito sa garahe, pinaglumaan ng mga dating nakatira. Kinuha niya ang baon mula sa kapatid. "Jusme, alas singko y medya na. Baka malate ako sa trabaho." Reklamo nito sa kapatid habang maayos na nilalagay ang baunan sa bag niya. "Bilisan mo nalang magpatakbo. Pero mag-ingat ka hah." Bilin niya dito bago umalis. "YUNG POLO MO BAKA MAGUSOT!" Pahabol pa ni Mingyu. Umiling iling si Gyu, aish baka pagdating niya sa unang klase ang dugyot na niya.

Tinitigan niya ang likod ng kapatid hanggang sa mawala ito, napabuntong hininga siya ng malalim, "...mag-isa na naman ako," bulong niya sa sarili. He closed the door, sealing the house from the noises outside and making it seem even more lonely because of the silence. Oo, kahit alas singko y medya palang e marami ng tao sa labas. Their house is just beside the main road of the town. Anyways, basta tahimik na kasi sinara niya nga yung pinto. No television or computer or music. Just him and the furniture all around the house.

Yung ref na pinaglumaan ng may-ari dati, yung sofa na parang tatlong dekada na sa luma, yung kusina na parang pang horror film ang dating, at yung mga kwarto na akala mo e pagmamay-ari ng mga bida sa isang teleserye kung saan may namatay na dati at may nagmumulto doon. Kahit wala naman. Sadyang luma lang ang bahay na ibinigay sa kanila, and unfortunately wala silang pera na pang bili ng mga bagong gamit.

Well, napakaswerte pa rin nila dahil libre lahat ito. Galing kasi sa isang pamilya ng mga Kristyano ang bahay, bukod doon kakilala sila ng mga Kim. Tinulungan pa sila ng mga ito na makahanap ng trabaho. His hyung got in a decent school as a Math Teacher because of them.

Ngayon, mag-isa na naman siya sa bahay. Sanay na naman siya. Seven months ng ganito. Sa kabutihang palad, mabisa ang gamot na binigay sa kanya ng doktor niya sa SoKor kaya wala pa siyang masyadong problema sa mga mata niya. The doctor said that the price is half in America, which is true, kaso mahal pa din kahit half. Effective naman eh, so nevermind the price. It really slows down the disease.

Before they left, nakapagdesisyon ang mga Kim na magubaya ng panahon para makapag-ipon nang sa ganoon e dire-diretso ang gamutan ni Mingyu. 1 year ng walang treatments, just tablets. So far, walang problema. Ganun pa rin, malabo ang corners ng mata niya at medyo madilim-dilim pa rin pero kita pa naman niya ng mabuti ang lahat tuwing umaga okaya may liwanag, sa gabi lang talaga mahirap.

As usual, naglinis si Mingyu sa bahay. Sweeping, mopping, laundry, you name it. Kahit ano, kaya niyang gawin, umaga naman din kasi kaya nagagawa niya lahat ng maayos. He has also been working secretly on the old bike in the garage. Mga three weeks na rin. Nirerepair at pinapaganda niya ito dahil malapit na ang kaarawan ng kuya niya, it is his only gift. Kasi wala naman siyang pangbili ng bagong bike, o kahit ano. "Kulang nalang ng pintura." He looked at the bicycle with a victorious smile, na para bang tapos na niya ito kahit hindi pa.

Tumayo siya mula sa pagkakaluhod sa maruming lapag. Red would look good on him. He thought which made him smile a bit. Red really looks good on Taehyung, no doubt. He hid the bike behind their house, where there's a big bush.

After he's done in the living room, kitchen, hallways, and the bike, he proceeded to the bedrooms.

There are three bedrooms. Isa sa nanay niya, sa kanya at sa kuya niya. Sa nanay niya at kanya lang ang nililinisan niya dahil ayaw ng kanyang hyung na may pumapasok sa kwarto nito. He kept it locked. He's a teacher, so Mingyu leave him be. Baka rin may mawalis siya doon na importante at siya pa ang masisi kapag nawala, diba?

Healing [MEANIE]Where stories live. Discover now