Seventy-three

377 21 35
                                    

WARNING:

SOME WORDS AND SCENES NA NAKAKAEWAN (ALAM NIYO NAMAN NANGYAYARI KAPAG NALASING ANG ISANG TAO) BYEEE NAGWARNING AKO HAH!

----

Wonwoo's POV

"Oi...sa'n mo ko dadalhin, hah? Kakikilala ko p-palang sa'yo eh hehehe," muttered Mingyu. Tangina ang bigat ng damulag na 'to. Ang baho pati.

We are currently walking at the sidewalk, tinutulungan ko siyang maglakad kahit hindi naman siya talaga naglalakad dahil nagpapakaladkad siya sakin. Nakasabit ang dalawa niyang kamay sa leeg ko at hinihila ko siya, nasa likod ko siya pero hindi ko siya kinakarga kasi hindi ko siya kaya buhatin.

"OY HYUNG!" He shouted. Nakakahiya shit, buti nalang wala nang gaanong tao sa oras na ito. "Sa'n mo nga k-kasi ako dadalhin~" he tickled my ear, muntikan pang malaglag yung hearing aid.

"Manahimik ka nga. Dadalhin kita sa hotel na malapit lang dito, ayan sinagot na kita kaya pwede ba matulog ka nalang." Naiinis kong sabi.

He chuckled. Sexily. "Nag-aalala ako eh hehehe...teka hindi nga kita kilala kaya bakit ako s-sasama s-sa'yo HAH!" sinigawan niya ako ng malapit sa tenga. Paiba-iba ng mood 'to tinalo pa si Minghao.

"ANG SAKIT- MINGYU HUWAG MO AKONG SIGAWAN, PUSA NAMAN EH!"Sigaw ko naman sa kanya pabalik. "At pwede ba Gyu, kilala mo ako huwag kang ano jan." Bigla ko siyang narinig na tila ba umiiyak.

"S-Sorry hyung, m-mabigat ba ako? K-Kaya...ko namang m-mag...m-maglakad eh- tignan mo ako-" tinanggal niya ang pagkakabit ng mga kamay niya sa leeg ko saka pinilit maglakad. Gumegewang-gewang siya, parang penguin ang posture habang naglalakad, tapos biglang tumatawa at tumalon-talon na parang seal, dinaig pa nito nakadrugs. Mukha siyang baliw, pero cute. Pinigilan ko nalang matawa. Kung may battery lang phone ko, sana vinideohan ko siya kaso wala eh low batt.

"Hay, tigilan mo na nga Mingyu, kahit anong gawin mo lasing ka pa rin kaya hindi kita hahayaang maglakad jan na parang tanga. Tara na nga," hinila ko siya papalapit sa akin saka pinilit siya na maglakad ulit.

"Ihh~ hyung mabigat ako! Kaya ko ngang maglakad!" Opposite ng sinabi niya ang ginawa niyang pagpapakaladkad habang inaamoy ang batok ko, syempre nakakagulat na nakakainis. Nakakakiliti na nakakapangilabot...? Ewan. Basta tumaas balahibo ko.  I stopped walking. Bumaba ako para sa kanya. Hindi niya kayang lumakad ng matino eh. "Sakay,"

This time, piniggy back ride ko na siya, buti nga nakipag-cooperate eh. Mabigat siya, as in. Pero kaya ko naman siguro. Nakapatong ang baba niya sa balikat ko at kahit hindi ko siya makita, ramdam ko na nakatitig siya sa akin.

"Malapit na tayo," sabi ko, nanahimik lang na siya. Tumingin ako ng saglit para siguraduhin kung tulog na ba, baka kasi malaglag hindi ko pa naman hawak ang kamay niya dahil sinusuportahan ko ang mga hita niya pero nagulat ako kasi nakatitig lang siya sakin.

Bigla kaming napatigil. "Hehe~" ngumisi siya tapos kinurot ang pisngi ko. "Kala mo tulog ako 'no? Ikaw ah~ ang kyuuut kyut mo~" pang-aasar niya. Lintek na Mingyu.

"Bawal ako matulog hyung~ hindi ko pa nga n-natatanggal contacts ko eh! Eomma nasan ba kasi si hyung! Vernon? Congratulations graduates huehue~ Ciao! Ohayou! Adios!" Ang random niya jusme. Hindi ko nalang siya pinansin. "Sponge bob! Apple!" Putek.

----

"Sir, one room po?" Tanong ni ate na nasa may counter. Nginingisihan at tinititigan siya ni Mingyu kaya naman kanina pa nac-creepihan si ate sa kanya. Mukha kasing manyak tsk.

Healing [MEANIE]Where stories live. Discover now