Forty-seven

338 23 3
                                    

Mingyu's

Kanina pa ako dito. Kasama ko si Wonu, naglalakad kami dito sa dalampasigan. Opkors maraming nakabikini dahil beach to, pero syempre hindi ako nakatingin sa kanila :"). Pero ang daming nakatingin sa amin ni Wonu, BACK-OFF PITCHES! 1! TUSUKIN KO KAYA MATA NILA??! Okeh, Mingyu calm down, calm down. Phew.

Nakatingin lang ako sa kanya.

Sabi niya samahan ko daw siya buong araw at ang bait niya kanina pero simula nung sinundo ko siya sa kwarto niya aBA NAGMALDITA SI EMO BOI. HINDI AKO PINAPANSIN KANINA PA. DNSKDNKSLA-

Mukha tuloy akong sakristan nito ni Wonu, dinaig ko pa si Jisoo. Buti nalang at topless ako (Naks) gwapo ko talaga-

Lakad. Lakad. Lakad. Tingin sa malayo. Lakad ulit. AISH KAILAN BA MATATAPOS 'TO??!

Inip na inip na ako huhuhu :"(

"Wonu," naisipan kong tawagin siya dahil nakatingin na naman siya sa malayo. "Gusto mo ng cheese burger?" Tanong ko. Agad naman siyang lumingon sa direksyon ko. Hehehe ayos ang plano ko. Siguradong magogoodmood- ay...hindi gumana?

Lumingon na siya eh, kaso tumingin ulit sa malayo. Galit ba to? Sayang naman yung cheese burger :"( Makausap nga!!! Aish. Lumapit ako sa kanya.

"Hoy, emo boi. Galit ka ba sakin? Kung dahil ito jan sa kamay mo sorry-" tinakpan niya ang bibig ko gamit yung kamay niya, pero ang sakit ng pagkakatakip niya, parang gigil. Galit nga talaga ata.

"Manahimik ka, sa susunod na magsalita ka hindi na kamay ko ang lalapat jan sa bibig mo,  may kasamang buhangin na." Pananaway niya. ANO BANG GINAWA KO SA KANYA!!?! DAIG PA BABAE MAGTAMPO EH.

Nung tinalikuran niya ako, hinila ko na kamay niya. Pumunta ako doon sa lugar na walang tao. Sa may punuan. "Aray! Ano ba!" Sigaw niya pa habang hinihila ko siya. Tsk. Ang ingay. Kasalanan niya, ayaw niya kasi sabihin kung bakit siya badtrip ngayon. Gusto ko lang naman malaman para kahit papano mapagaan ko naman ang kalooban niya kasi ilang araw nalang...alam niyo na. Ilang araw nalang lalayuan ko na siya. Hindi naman siguro masamang sulitin ang every moment diba?

At hutangama lang, kasi bakit ngayon ko lang narealize na gusto ko siya.

"Wonu relax, hindi kita sasaktan. Sumunod ka nalang!" Sigaw ko sa kanya pabalik na nagpatahimik sa kanya.

Sa totoo lang hehehe....hindi ko talaga alam kung nasaan na kami. Huta. Naliligaw na ata kami pero hindi ko nalang iyon pinansin, adventure ito mga bes.

At ayun na nga, nakahanap ako ng lugar na kami lang dalawa. Sa may buhanginan kami umupo habang ang ingay na maririnig ay ang mga alon lamang at ang pagkuskos ng dahon ng mga puno sa isa't isa.

In short, tahimik :").

Binitawan ko ang kamay niya nung napansin kong hawak ko pa rin. P.S ang lambot ng kamay niya, parang pangbabae. Tinanong ko na siya. "Wonu, bakit ka ba badtrip? Ano ba ginawa ko? Meron ka ba-" at pinutol na naman niya ako.

"Sabing huwag kang magsalita diba? Naiirita ako sa boses mo." Inirapan niya ako, aBA. "Atsaka tanga ka ba, lalaki ako Gyu. Wala akong dalaw." Dagdag niya pa.

Teka ang gulo nito hah.

Sabi niya sa chat samahan ko daw siya pero ngayon naiirita daw siya? ANO BA WONU KO. SJBFIDND.

"..." tahimik siyang nakatingin sa dagat. Ako naman finifeel ko lang yung malamig na hangin. Winter na talaga. Ang lamig shehet. Wala pa naman akong dalang jacket dito :"). Nakalimutan kong meron pa pala akong apat na cheeseburger dito. Kinain ko yung isa.

"Mmm...sarap. Ang sarap ng cheese nila...mmm." pang-iinggit ko sa kanya. Pabebe po siya. Kanina pa siya tumitingin tingin sa akin, kinakain ko ng dahan-dahan yung burger. Masarap talaga siya, sayang naman kung hindi niya matitikman dahil sa pagtatampo niya.

"Ah...ang sarap talaga. Ibibigay ko na lang itong tira kina Seungkwa-"

"AKIN NA NGA YAN," Nisnatch niya yung plastic ng burger sa kamay ko. Hayy. Ang kyot huehue, ang saya niya habang kumakain ng burger. Tama talaga siguro yung sinasabi niya na buhay niya daw ang burger. Ang takaw niya. Pero sa tingin ko, mamimiss ko itong side niya na ito.

May isa pa pala akong problema haysss. Hindi ko napapansin, paunti na ng paunti ang oras. Nang nakita ko na medyo napangiti ko na siya, nagsimula na naman akong magsalita. "Wonu, sign language ka nga."

Tiningnan niya ako ng masama. Wrong move. Umiwas nalang ako ng tingin sa kanya.

Nakatingin ako sa kawalan nang bigla niya akong kinalabit at nagkumpas ng kamay niya, kung ano-anong gesture. Nakasimangot pa rin siya.

Okay, wala akong naintindihan.

Pero ano kaya yung sinabi niya? Siguro, kailangan ko na ring matuto ng sign language para sa kanya?

Nanatili kaming nakatingin sa makulimlim na langit. Naglalaro ang kamay ko sa buhangin (tae, nosebleed bes.) Tapos naisip ko, paano kaya ako magbababay sa kanya? You know, ilang araw nalang kasi ang natitira. Wala na ngang saysay kung mag-aral pa ako ng sign language kasi, hindi ko naman magagamit.

"...Woo..." tinawag ko siya. Wala ako sa sarili ko ngayon, nakakalungkot lang kasi, nakisabay pa yung ulap sa emosyon ko.

"Hmm?" Rumisponde naman siya kaagad.

"Gusto mo, pag-aralan ko yung sign language?" Napatingin siya bigla sa akin. Para bang gulat na gulat. Nanlaki kasi mata niya tapos naubo, eh kumakain pa naman siya nung pangalawa niyang cheeseburger.

"Huh? Bakit ka naman mag-gaganon, eh naririnig kita ng maayos?"

Ummm. Sabi niya bingi siya. Pero bakit naririnig niya ako ng maayos?

"Eh? Diba sabi mo hindi ka nakakarinig-"

Napabuntong-hininga siya, ngumiti, saka tumingin sa akin. "Kaya nga nagustuhan kita eh-"

*dugeun dugeun*

Gusto niya ako...?

Namula siya bigla dahil sa sinabi kasi sino ba naman ang hindi mamumula kung mali pakinggan ang sinasabi mo?

"I mean, gusto kita bilang k-kaibigan. Kasi, sa lahat ng taong nakilala ko, ikaw lang yung...yung..." mukhang nag-iisip pa siya. Sige take your time bebe ko huehue. "...y-yung..."

"YUNG ANO BA?" Nainis na ako eh hehehe sarreh.

"Y-Yung..." Taena. "BASTA!" Hinampas niya ako ng malakas sa braso and SOBRANG SAKIT SHET. MERON ATA TALAGA ITO NGAYON EH. KAHIT ISA LANG YUNG KAMAY NIYA NA OKAY NGAYON, ABA NAKUHA NIYA PA TALAGANG MANGHAMPAS. "TARA NA NGA UMUWI NA TAYO." Yaya niya, tapos nauna na siyang maglakad.

Bakit kaya siya namumula? Siguro...

SIGURO MAY SAKIT SIYA! KAYA PALA ANG SAMA NG TIMPLA NIYA MYGOSH!!!

----

Things to do bago umalis sa buhay ni Emo Boi.

1. Have fun. ✔

2. Beach ✔

3. Date (kahit hindi niya alam na date talaga 'yon)

4. Campfire ❌

5. Regalo

6. Sabihin na sa kanya |

6. Christmas tree!

---

Sabaw 😴😣

Daming ginagawa sa school sorry for late ud's 미안해 ㅠ_ㅠ

Healing [MEANIE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon