Forty-two

423 24 9
                                    

Third Person's

Hindi ko rin naman alam kung bakit ko talaga hinawakan kamay niya sa coaster pero...ang sarap sa pakiramdam. Isip-isip ni Mingyu. Wala kasi talaga siyang magawa kanina kaya siguro napagtripan niya ang kamay ng kaibigan. Kaysa naman titigan ang dalawang kaharap nila na maglandian, edi siya nalang ang lalandi. Habang nakasandal ng kaunti kay Wonu, na natutulog, natulala si Mingyu.

"Hyung, paano po ba malaman kung in love ka na? "

Paulit-ulit na sumasagi sa isip niya yan. Para bang sirang plaka, parang nasisiraan na rin siya dahil naiirita siya na hindi sa nararamdaman niya na hindi naman niya alam kung ano ang tawag. Ano nga ba? ( ͡° ͜ʖ ͡°)

"Hyung, paano po ba malaman kung in love ka na?" Shit naman, paano ko malalaman eh wala nga akong alam sa ganung bagay!!?! Sagot niya sa sarili. Pero tangina, buti nasagot ko si Chan kundi nangungulit pa rin siya hanggang ngayon.

Flashback~~~

"Mingyu hyung may tanong ako sayo," sabi ng inosenteng bata na nagngangalang Lee Chan, bagamat kakakilala pa lang nila nung nakaraang araw sa isa't-isa, close na kaagad sila dahil magkasundo sila sa ilang bagay. Pero ang totoo niyan, gusto ni Gyu si Chan dahil nauutusan niya ito at mas matanda siya rito, isa pa feel na feel niya ang pagtawag sa kanya ng 'hyung' nito. Feeling senpai dis boi.

Nginitian ni Mingyu si Chan. Kasalukuyang magkausap ang dalawa na kumakain sa butler cafe nina Gyu dahil iniwan sila ng mga kasama. Nag-cr sandali si Chan pero pagbalik niya wala na siyang kasama. Si Mingyu naman na mabait, e simamahan ang nakababata. "Ano yun?" Sagot niya rito.

"Hyung, paano po ba malalaman kung inlove ka na?"

Natahimik si Mingyu. Kahapon niya pa tinatanong yan. Hanggang ngayon hindi ko pa rin alam ang sagot. Isip-isip niya. Deep inside he actually thinks Chan was just being curious. Kasi hello? Bata pa lang eh, wala pa siya sa edad na mag-isip ng ganun. Malamang narinig na naman niya iyon sa mga hyung niya. Pero maging si Mingyu na mas matanda e hindi alam ang sagot.

Paano nga ba?

Dahil nga siraulo si Mingyu, sinagot nalang niya si Chan para matahimik. Saan niya nakuha ang sagot? Well, nanonood naman siya ng kdrama at anime kaya dun nalang siya nagbase. Gago ata, para namang totoo yun, e hindi nga makatotohanan ang mga pangyayari na nandun, minsan lang. "Kapag gusto mo siya laging kasama." Isip pa Gyu, isip pa, pagchecheer niya sa sarili. "K-Kapag gusto mong hawakan ang kamay niya ng walang dahilan...uhmmm, tuwing titingnan mo siya ayos na kaagad ang araw mo, sa tuwing nandyan siya hindi mo alam ang mga ginagawa mo," nag-isip pa siya ng marami. Si Chan naman tango lang ng tango. Lagot ka Gyu, kapag mali ang natutunan nitong batang 'to lagot ka talaga. Pagtakot niya sa sarili. Anyways, nagpatuloy pa rin siya sa pagsasalita.

"...g-gusto mo siyang ngumingiti, tumatawa. Gusto mo siyang-"

Wait, tama bang sabihin ko yun?

Napaisip si Gyu, bakit parang...ang gago mo, Gyu. Imposible naman, clingy ka lang, clingy....oo clingy lang ako. Imposible.

Parang nagblur lahat ng bagay. Pero nabalik naman siya sa realidad.

"...ung...HYUNG!! HUY GISING," sigaw ni Chan habang tinatapik siya sa balikat. Luh anyare?

"..h-huh?"

"Anong 'huh' ka jan, nananaginip ka na naman ng gising eh. Ituloy mo muna yung huli mong sinabi, 'gusto mo siyang' ano???" Pangungulit nito kay Gyu.

"Halikan...okaya yakapin."

End of flashback

----

Ngayon, tinitigan ulit niya ang Jeon Wonwoo na katabi niya. He looks so cute while sleeping. Hindi mapigilan ni Gyu ang mapangiti dahil medyo nakanganga si emo boi habang natutulog at isa pa, he looks so beautiful with his specs almost falling. At mukhang ang lambot ng labi niya...

...

......

........shit, wala akong inisip. Wala akong inisip. Hindi ko yun inisip. Nope. Hindi. Wala akong inisip. GYU WALA KANG INISIP OKAY??!!

Dahan-dahang lumapit si Gyu sa mukha ni Wonu. Ramdam ni Mingyu ang malalim na paghinga ng nakakatanda at amoy na amoy rin niya ang mint flavor na bubblegum na nginunguya nito kanina.

He carefully tried to remove his specs, careful as in sobrang dahan-dahan para hindi nito mamalayan at hindi ito magising. But unfortunately, nagising si Wonu hindi dahil sa paggalaw ni Mingyu pero dahil sa malakas na sigaw ni Seungkwan ng "YAY STOP OVER!" Bumaba ang lahat ng gising ng oras na yun. But they remained, walang pake sa paligid.

Wonu, as expected, was surprised at how near their faces are. Hindi sila nakagalaw dahil parang nagloading pa ang isip nila sa position nila ng ten seconds.

After that very ten seconds, halos tumalsik si Mingyu sa pagtulak ni Wonu. "Yah! Kanina ka pa, para kang sinapian!"

Nauutal si Mingyu kaya naman hindi nalang siya nagsalita because either way, he'll get scolded.

Kanina manyak, ngayon sinasapian....

Nagdesisyon na lang siya na itago sa sarili ang lahat.

Mingyu naman kasi, bakit kasi naisipan mo pang gawin yun!??! Pshhh, masokista ba ako...soongina.

Nagpatuloy ang byahe saglit, nakarating sila ng ligtas sa beach kuno.

"Mingyu...beach diba? Sabi mo beach. Anong ginagawa natin dito?" Napakamot siya sa ulo sa tanong ni Jeonghan. Agad naman na nakisali ang lahat.

Ngayon, nasa may mga cottage sila at nandun na rin ang mga magulang at kuya nila ni Wonu, naglilinis na may mga...pagod na mukha yung mga kuya nila. Ang nanay naman nilang dalawa e masayang nagaayos ng mga upuan at table. Wala kang makikitang beach...o baka naharangan lang ng cottages. Baka. "Ehehehe...nakalimutan kong sabihin...." Mingyu rubbed his neck.

"Magtatrabaho tayo rito tuwing umaga okaya tanghali, sa amin itong kainan na 'to at ang cottage na yan. Lahat tayo tutulong kay mama."

Natahimik ang lahat at nagtinginan. Yung mga nanay lang ata nila ang tumatawa.

"O MAGSIBIHIS NA KAYO DADATING NA ANG MGA BAKASYONISTA MAYA-MAYA!" Utos ng nanay ni Gyu.

Lahat naman sila e disappointed na sumunod kasama si Gyu. Wala naman kasi silang choice "Pre, ngayon ko lang napansin, sino bang magsiswimming ng ganitomg panahon, e ang lamig-lamig. Tangina ha ha ha." Sarcastikong tawa ni Cheol.

"Gyu hyung~ parang magkakalagnat-"

"Vernon, tigilan mo ako. Kung ayaw mo magtrabaho kay mama mo sabihin, huwag sakin," dineretso niya si Vernon. Alam naman kasi niyang magkukunwari na naman ito para makapagditch. Lagi naman eh. Pero nung nakita niya ang mga hirap na hirap na mukha ng mga kasama, nagbago ang aura niya.

Mukhang mageenjoy kami.

----

Healing [MEANIE]Where stories live. Discover now