Sixteen

453 22 2
                                    

Wonu
active now

Wonu: sorry Gyu, ngayon ko lang nakita mga message mo nawawala kasi phone ko eh sorry hah? Sorry talaga

Nog: Wonu umuwi ka na, kanina pa kita hinihintay dito, busog na nga ako kakakain, ang galing magluto ni tita hehe :))

Seen

Wonu: bakit ka nandyan sa bahay? Pano nalaman address ko?

Nog: nawawala phone mo diba? Pano ka nakakapag online

Wonu: nasa compshop ako, nagcutting ako wag kang maingay hah

Nog is typing...

Nog: lul mo di mo ako mauuto, gago

Wonu: oo na, walangya namura pa ako ng isang tulad mo

Nog: jok lang hehehe nasan ka ba?

Wonu: Nasa school libarary ako.

Wonu is typing...

Wonu: stalker ka ba?

Nog: Yiee pick up line, beket???

Wonu: tanga nagtatanong ako, stalker ka ba? Bat alam mo address ko

Nog: baliw hindi hehehe ano ba yan umasa ako, paasa ka hyong~

Nog: nasakin selpon mo naiwan mo sa bahay...Umuwi ka na bebe Wonu~

Wonu is typing...

Wonu: mangilabot ka nga -__-

Wonu: Hay salamat, nasayo lang pala :)

Nog is typing...

Nog: nakita ko laman ng phone mo ;) ikaw hah!

Wonu: di mo ako malilinlang wala kang makikitang kamanyakan diyan

Nog: lul mo anong kamanyakan ang sinasabi mo? Iba sinasabi kong nakita ko huehuehue ;) okay lang nakita ko na bes ;))

Wonu is typing...

Wonu: ang ano ba? Dalian mo maraming nagaabang ng computer para magresearch tapos ako nagf-facebook lang dito sa library

Nog: wala, nabasa ko diary mo huehue ikaw hah may tinatago ka ba sakin?

Seen

Nog: meron noh?

Wonu is typing...

Nog: noh? Meron diba? Diba?

Wonu is typing...

Wonu: wala

Wonu: baka kasi mangiwan ka rin diba?

Nog: sus di kita iiwan :))

Wonu: pano ka nakakasiguro?

seen

Nog: ako pa ;)

Nog: may tinatago ka talaga sakin eh

Nog: friends kayo ni Seungkwan diba?

seen

Nog: diba?

Wonu is typing...

Wonu: ano naman?

Nog: hmp di mo sinabi agad

Nog: bakit ka nagpapanotes sakin?

seen

Wonu: hintayin mo ako sa bahay, jan ka lang. Huwag na huwag kang magpapatour kay mama jan hah

Wonu logged out

Nog: nakapagtour na ako baliw hehehe

Nog: kaya ka pala magaling magluto ;)) may cooking classes pala dito sa may bakery NINYO :)) di mo sinabi, edi sana nakasali ako hehehe

Nog: okay lang na magopen ka sakin, Wonu. Hindi naman ako magbabago.

Nog: ano, ni-logged out zone mo nanaman ako?

Nog: tsk

Nog: ano nga pala yung ibig sabihin ng p.s. mo dun sa journal entry mo? Yung sana makasurvive ka? Putek kanina ka pa iniisip|

Nog: ano nga pala yung ibig sabihin ng p.s. mo dun sa journal |

Nog: ano nga pala yung ibig sab |

Nog: ge bye, dito lang ako

Nog logged out

----

Healing [MEANIE]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora