Twenty-nine

560 28 11
                                    

Intrams
December, second week. Ito ang second day ng week, ngayon ang simula ng pagopen ng cafe.

Marami kaming kakompetensiya. Pero mga senpai na kami eh, so syempre kami pinakamagaling :") para sakin. Ngayon pa lang kami magsstart.

"Hoy! MINGYU LUMABAS KA JAN, ALAM NA NAMIN NA NAKA-MAID OUTFIT KA!"

Shit. Nakarinig ako ng pamilyar na boses at alam na alam ko kung sino yun. Fuck, nandito na sila.

Tangina naman kasi sINO BA NAGSUGGEST NITO??!? NAKAKAHIYA!!!!

Ilang years ko inalagaan yung titulo ko bilang pinakagwapo sa school, tapos masisisira lang ngayon :"(

Pero infernes, ang galing magtahi ng girls namin :'). Sakto yung outfit sa akin. Alam niyo yung tipikal na maid outfit na black and white sa mga anime? Ganun suot ko ngayon. And meron pang head dress =____=

Buti pa si Wonu, nagluluto lang siya-

"WONWOO, HUWAG KA NANG MAHIYA LUMABAS KA NA JAN," Sigaw ni Key, na naka maid outfit at wig. Ayoko ngang magwig, pinilit nila ako pero no. Tama na ang kahihiyan, mas nakakahiya kapag nagwig pa ako, naka make-up na nga nakawig pa, pwe. Eww so grossing >.<

Nakita ko yung paa niya na palabas na sa pinto pero kINGINA MAY HUMILA SA AKIN SHIT BAKEEET??!? KAILANGAN KONG MAKITA YUN KASI ANO- ano diba kaibigan ko kasi siya kaya kailangan kong ano...umm, maasar siya! Tama, maasar siya :").

Pero may humila nga sakin. At si Jun pala yun, niyakap niya ako. "Bro!" Niyakap ko rin siya. Sumigaw siya sa akin pabalik. Kasama niya ngayon ang boyfriend niya..MingMing ata pangalan?

"Bro! Long time! Tamang-tama, napicturan na kita, sinend ko na sa gc para dalian na nilang pumunta, ang ganda mo bro," pang-aasar niya sa akin. ABA. Tinawanan nila akong dalawa.

Sinuntok ko siya sa dibdib. Nagtawanan muna kami saka ko lang naalala na may kasama pala siya. "H-HOY NAKAKAHIYA NAMAN SA KASAMA MO, SIYA YUNG BF MO DIBA??!" Sigaw ko sa kanya, kasi ang lakas nung music ng klase namin eh. Medyo marami na ring customer.

"Ah. Ming, si Mingyu nga pala, kabarkada ko. Gyu si Ming, pinakasweet kong boyfriend,." sO cHeEsY liEK eW. Tapos nagngitian sila.

Nginitian ako nung Ming. Chinese rin siya at medyo matangkad rin. Cute siya. Bagay sila ni Junhui. Huehue. Hindi ko alam sasabihin. Ta ja ho ba yun? Ta ba jao? Ano yun? Gash my byutipul nose iz blooding.

"Ta ja kjdb-" ( A/N: kayo na magimagine kung pano niya nasabi yung 'kjdb' my g0sh Memegyu )

"Nice meeting you, huwag mo na akong batiin ng pa-chinese, hahaha" nagulat ako. WOAH MAY ALAM NAMAN PALA SIYA PINAHIRAPAN PA AKO ABA.
"MARUNONG SIYANG MAGKOREAN? DAEBAK!" Sigaw ko kay Junhui habang nanlalaki ang mga mata ko. Si Jun naman, proud na proud, kitang-kita sa ngiti niya. Tapos kumindat pa siya. Djxiishdjd. Mas gwapo pa rin ako sa kanya :P

"Nag-aral nga siya ng Korean, kulit mo. At baka dito na kami mag-aral next year hehehe," inakbayan niya ito at kiniss sa cheeks. Sabing huwag PDA eh.

"HOY NOG LONG TIME NO SEE!!" tumakbo palapit samin si Jisoo at si Soonyoung. Si Soonyoung yung sumigaw. Mapang-asar talaga to kahit kailan. Pero takte namiss ko sila. Huhuhu.

"Yo! Sup." Nagbatian kami, we hugged, tapos pinakilala rin ni Jun si Ming sa kanila. Pero syempre ako, na kailangan e nagtatrabaho, napagalitan ako nung manager namin sa cafe na babae. Pinabalik niya ako sa pagtatrabaho. Sinervan ko na lang sila. Panay picture sila sakin, kingina talaga kapag nagviral ako sa social media :")

Healing [MEANIE]Where stories live. Discover now