Chapter Two

5.9K 167 2
                                        


NASA tapat na ng pintuan sila Hyde at Devin ng classroom para sa unang pagpasok niya roon. Kung desidido si Devin na tulungan siya para i-excuse at makapasok, ganoon naman kabaliktad ang nararamdaman niya. Mas gusto na niya kasi ang huwag pumasok doon. Ngayon pa na mula sa kanilang kinatatayuan ay naririnig niya ang istriktong boses ng babaeng professor.

Kanina pa siya nagdadalawang isip.

Ayaw niyang makompromiso si Devin sa gagawin nito. Baka ito pa kasi ang mapahiya sa gagawin nitong 'pagtatakip' sa kanya. Baka mapahamak ito.

Nang hawakan siya ni Devin sa pulsuhan. Bahagya pa siyang napapitlag. Napatingin siya rito.

"Don't worry, Hyde. Masyado kang tense. Akong bahala sa 'yo." Anito.

Such comforting words from someone he just knew for a minute. But it didn't lessen the tension he was feeling at the moment.

Hindi siya sumagot. Nagpatianod na lamang siya.

"Akong bahala. Okay."

"Baka mapahamak ka sa gagawin mo, Devin. Kakakilala pa lang natin. Hindi mo ako kargo para gawin 'to. Isa pa, hindi mo rin ako kaibigan para tulungan mo ako ng ganito."

"Nah. It's okay. Walang kaso sa 'kin 'to. Wala rin naman akong gagawin kaya willing akong tumulong."

"Hindi tayo magkaibigan." Pag-ulit niya sa huling sinabi.

Mataman siyang tiningnan ni Devin.

"Hindi pa ba? Para sa akin kasi kaibigan na kita. We already introduced ourselves to each other so given na iyon."

"Ganyan ka ba talaga ka-friendly?"

Ngumiti ito. "Oo. Ganito lang talaga ako. Nakasanayan na rin kasi. At isa pa, hindi ako tatawaging Mr. Congeniality kung hindi ako friendly."

May gusto pa sana siyang sabihin ngunit hinila na siya nito papasok pagkabukas nito ng pintuan.

Sinalubong silang dalawa ni Devin ng katahimikan. Nang mag-angat siya ng tingin. Nakita niyang lahat ng tao sa loob ng room ay napatingin sa kanilang dalawa. Natigil ang mga ito sa ginagawa.

"Goodmorning Mrs. Mendez," magalang na bati ni Devin sa professor.

Nakibati na rin siya.

Ngumiti ang guro. "Goodmorning din, Mr. Dela Cruz. Anong kailangan mo sa aking klase? At sino naman ang kasama mo?"

Hinila siya nang mahina ni Devin palapit sa guro. Hyde clearly heard the murmuring of the students, mostly of the girl. At base sa pagkakarinig niya ay si Devin ang pinag-uusapan ng mga ito. Hindi na iyon nakapagtataka. Nakikita rin niya ang lantaran na paghanga sa mukha ng mga babae sa uri ng tingin na ibinibigay nito kay Devin.

Sige na. Sige na. Si Devin na ang sikat.

Iginala niya ang paningin sa loob ng classroom. Natigil ang tingin niya sa isang tao na nakaupo sa panghuling upuan. Nakatingin din ito sa kanya. Kita niya ang disgusto sa mukha nito. Well. Alam na niya na para sa kanya iyon.

Iniiwas na lamang niya ang tingin dito. Sakto naman na nagasalita si Devin.

"Mrs. Mendez, nandito po ako para i-excuse ang kaibigan ko. Na-late po siya sa pagpasok sa klase n'yo dahil sa akin. Hindi na sana po siya papasok dahil nakakahiya raw sa inyo pero pinilit ko po siya kaya nandito kami ngayon. Nandito po ako para humingi ng paumanhin behalf of him."

Hyde was astounded. Simply dumbfounded in the way how politely Devin talked with the teacher. Mukhang sanay na sanay ito sa pakikipag-usap sa mga nakakatanda in a very gentle way.

Napatingin siya kay Mrs. Mendez. Nakangiti ito. A warm smile was on her face. Waring naghihintay din ito sa paliwanag mula sa kanya.

"May sasabihin ka ba, Mister?" Tanong nito.

Kinalma niya muna ang sarili. "Harold Yde Ilagan po ang pangalan ko." He paused. "Sorry po sa pagkaka-late ko. Hindi na po mauulit iyon. Ako po talaga ang dapat sisihin dahil hindi pa po ako sanay dito. Transferee po kasi ako."

"It's okay. I fully understand. Sana nga hindi na ito masundan," ani Mrs. Mendez.

"Tama pala ako, Ma'am, naligaw siya." Sigaw ng isang estudyante.

Pare-pareho silang napabaling dito.

Ang lalaking nabunggo, rather, nakabunggo sa kanya kanina iyon. Nakangisi ito. Tiyak na nang-aasar. Habang nakatingin siya rito. Napansin niya na magandang lalaki ito. Gwapo na maituturing katulad ng katabi niya. Ngunit kung boy next door ang image ni Devin, si.. ang lalaking ito ay bad boy image naman.

"Paano mo naman nasabi 'yon, Mr. Jacinto?"

"Kasasabi niya pa lang po, Ma'am. Transferee siya kaya na-late siya. Siguro, hindi niya tinandaan ang direksyon papunta dito."

"Tama ka naman d'un." Pagsingit niya. Kung may balak itong pahiyain siya. Uunahan na niya ito. "Kasasabi ko pa lang na transferee ako. Alam ko na entirely ay kasalanan ko iyon dahil hindi ko tinandaan ang direksyon papunta rito."

Hindi nakapagsalita ang lalaking Mr. Jacinto pa lang ang alam niya na pangalan.

"Okay. That's acceptable, Mr. Ilagan," ani Mrs. Mendez. "Thanks for bringing him here, Mr. Dela Cruz. Pwede ka nang maupo, Mr. Ilagan. Salamat ulit, Mr. Dela Cruz."

"Okay po." Sabay na sabi nila ni Devin.

Binitiwan na ni Devin ang pulsuhan niya

Nag-iba sila ng direksyon na pupuntahan. Pumwesto na siya sa bakanteng upuan
Nataon pa nasa tabi ng lalaking 'nabunggo' niya.

Bago lumabas si Devin sa pintuan. Kumaway ito sa kanya. Gumanti naman siya ng kaway. Nahinto lang iyon nang marinig niya ang 'tsk' mula sa lalaki. Tiningnan niya ito. Gumanti naman ito.

Hindi na lang niya pinansin. Ang mga sumunod na sandali ay pakikinig sa kanilang professor. Kasunod ang muli niyang pagpapakilala sa harap ng klase hanggang sa matapos ang unang subject nila.

String from the HeartOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz