NATIGIL sa anumang sasabihin si Devin nang yakapin siya ni Hyde nang mahigpit. Alam niya na umiiwas ito sa komprontasyon na ginawa niya ngunit hindi naman niyang magawa na tumigil. Matagal nang inamin ni Devin sa kanyang sarili na kapag si Jake ang nasa picture kasama siya ay bumabangon ang insecurities niya.Hindi naman masama ang ma-insecure dahil parte na iyon sa damdamin ng taong nagmamahal. His protective instinct with Hyde grew faster and it was making him worried sick thinking that everyday Hyde and Jake were with each other. Alam niya na malaki ang insecurity niya. Alam niya kung paano iyon i-handle ngunit minsan may mga pagkakataon na hindi niya maiwasan ang paglabas niyon katulad na lamang ngayon.
"Pasensya ka na," sabi ni Hyde na nagpahugot sa kanya muli ng malalim na buntung-hininga. Hindi niya ito matiis. He loves Hyde so much that he couldn't bear seeing or feeling him hurt.
"Ako dapat ang humihingi ng sorry sa 'yo. Pasensya na pero hindi ko lang talaga magawang matigil ang pagseselos ko. Iba ang epekto mo sa 'kin, Hyde. Alam ko naman na mali ito kasi hindi pa naman tayo pero gusto na kitang angkinin nang buong-buo."
Hindi ito sumagot.
"Parang tino-torture ako sa tuwing malayo ako at naiisip ko na magkasama kayo ni Jake. Ano ba naman ang laban ko kung sakali na mawala ang feelings mo sa 'kin at malipat iyon kay Jake. Wala naman, hindi ba?"
"Pero sa 'yo na ako."
"Yes. You are mine. Pero hanggang kailan at hanggang saan? Kailan din ba nagsimula na naging akin ka? Anong panghahawakan ko para masabi kong akin ka na talaga? Na hindi ka makukuha sa akin ng iba." Sunod-sunod niyang tanong.
Hindi niya mawari ang set up nilang dalawa. He can feel that Hyde already belong to him but in the side of security, he doesn't know. Hindi siya makokontento sa kaalaman na mahal siya nito hanggang wala siyang pinanghahawakan. Alam ni Devin na nagiging selfish siya sa ganoong isipin pero hindi niya iyon mapigilan.
"Ngayon ko lang nalaman na sobra kang possessive. Hindi ka nag-i-stick sa isang bagay, naliligalig ka kapag wala kang panghahawakan." Anito.
Nakadama siya ng hiya sa sinabi nito. Lumayo siya dito saka napayuko.
"I'm sorry."
"Hindi ko alam kung paano ko ba masisigurado sa 'yo na sa iyo lang ako. Hindi ako handa na sagutin ka ngayon pero alam ko sa puso ko na mahal kita. I'm sorry din Devin kung masyado akong nag-iinarte pero..."
"Maghihintay na lang ako na sagutin mo. Sinabi ko naman sa 'yo na maghihintay ako, hindi ba? Pagpasensyahan mo na ako, Hyde. Ganito siguro talaga kapag nagmamahal."
Masuyo siya nitong nginitian na ginantihan naman niya. Kinabig niya ito palapit sa kanya saka niyakap nang mahigpit.
KAPAPASOK pa lang ni Hyde sa loob ng bahay nila nang mag-ring ang cellphone niya. Agad niyang kinuha iyon mula sa kanyang bulsa saka sinagot ang tawag. Isang hindi naka-save na numero iyon.
"Hello. Sino 'to?" Aniya.
"Si Austin 'to."
"Austin?" Clueless niyang sabi.
"Kaibigan ni Vienne."
"Ah." Aniya. Tumango-tango pa siya na parang nakikita nito. "Bakit ka tumawag?"
"Nautusan lang ako."
"Nautusan nino?"
Pumalatak ito sa kabilang linya. "Stop asking about it, Hyde. Basta tinawagan kita dahil kailangan mong magpunta sa bahay ni Devin."
"Bakit?" Bigla siyang kinabahan sa sinabi nito kahit na kalmado lamang ang boses.
"Para alagaan siya. May sakit ngayon ang taong iyon. Puntahan mo na lang siya. Sige, bye." Anito na biglang nagmadali.

YOU ARE READING
String from the Heart
RomanceTransferee at new student si Harold Yde Ilagan o Hyde sa bagong school niya. All set siya pero hindi niya maiwasan ang kabahan sa bagong environment lalo na at unang pagkakataon na nawalay siya sa kakambal niya na si Clyde. His first day was a mixtu...