NAKATANGGAP ng mensahe mula sa unkown number si Hyde. Nagtataka nga siya kanina pa. Paulit-ulit na binasa niya ang mensahe na natanggap.
Let's go out. Just the both of us. Gusto kitang makilala nang lubusan.
Ang totoo nacu-curious siya sa taong nagpadala ng mensahe sa kanya. Sino naman kasi ang magpapadala sa kanya ng ganitong mensahe. Gusto raw siyang makilala nang lubusan?
Naisip niya na prank text lang ito. Walang matinong tao na magpapadala ng ganitong mensahe na hindi man lang magawang magpakilala sa pinadalhan ng mensahe. Nakaka-bobo lang.
Sino ka?
Ilang minuto ang hinintay ni Hyde bago may sumagot sa message na ipinadala niya.
It's Chloe
Natigilan siya nang mabasa ang text. Kung ganoon si Chloe pala ang nagpadala ng mensahe. Hindi na siya magtataka kung kanino nito nakuha ang number niya. Alam niya kasi na kay Clyde nito nakuha iyon.
Napakunot-noo pa rin siya. Hindi naman siguro kaila kay Chloe na ayaw niya rito. Well. Given na hindi niya iyon sinabi pero alam niyang makikita iyon sa aksyon at pakikitungo niya sa babae. Pwera na lang kung binabalewala nito iyon.
I know you don't like me, Hyde. I'm willing to change it. Hindi mo pa ako kilala nang lubusan. I'm nice naman and willing to be your friend.
Pagkabasa niya sa natanggap na mensahe, agad na pumasok sa isipan niya ang kakambal niya.
Tsk. Si Clyde.
Ilang araw na siyang hindi kinikibo nito mula nang mag-usap sila tungkol sa pag-amin niya na hindi niya gusto si Chloe, na hindi makakasundo ang babae kahit kailan.
Hindi sanay si Hyde na hindi siya kinakausap ng kakambal. Kapag sa loob sila ng bahay ay parang hangin lang siyang dinadaanan nito. Kapag kumakain, sa pagkain lang ang focus nito. Nag-o-open siya topic para pag-usapan pero dedma siya ng kapatid. Mukhang dinamdam talaga ang pag-uusap nila. Kapag sa kwarto naman parang walang pakialam ito sa kanya kahit dumakdak siya nang dumakdak. Hindi na niya nga alam kung ano gagawin para mawala sa kanya ang tampo ni Clyde.
Hindi talaga siya sanay.
Naninibago siya ng sobra sa malamig na pakikitungo nito. Ang sakit pang isipin na dahil kay Chloe kaya sila magkakalayuan ng loob ng kakambal.
Napabuntung-hininga siya.
Wala naman sigurong masama kung susubok siya na makipaglapit sa babae. Nadadaan naman iyon sa ganoon. Iwawaglit na lamang niya sa isip ang nangyari sa pagitan ng babae at nina Devin at Jake tutal matagal naman na nangyari iyon.
Okay. Sige.
Pagkatapos niyang ipadala ang mensahe kay Chloe, napabaling si Hyde sa taong tumabi sa kanya. Si Jake iyon.
"Paupo ako." Anito.
Nginitian niya ito. "Nakaupo ka na. Kumusta, Jake?"
Masaya siyang makita ito. Ang balita kasi nagbakasyon ito ng limang araw kasama ang pamilya. Pero para sa kanya ay hindi ganoon kaya nawala ito ng limang araw. Alam niya kasi ang totoo.
Habang nakatingin siya kay Jake, kapansin-pansin ang pamumula ng pisngi nito. Bagay na bagay iyon dito. Idagdag pa na medyo pumusyaw ang kulay nito na may kaputian. Mas lalo itong gumwapo.
"Okay lang." He answered. Lazily.
Parang wala itong ganang makipag-usap sa kanya. Ipinagkibit-balikat na lamang niya iyon. Wala ito sa mood kaya pagbibigyan niya. Nandoon lang silang dalawa. Magkatabi pero hindi nag-uusap.
BINABASA MO ANG
String from the Heart
RomanceTransferee at new student si Harold Yde Ilagan o Hyde sa bagong school niya. All set siya pero hindi niya maiwasan ang kabahan sa bagong environment lalo na at unang pagkakataon na nawalay siya sa kakambal niya na si Clyde. His first day was a mixtu...
