WALA NAMAN na talagang plano si Jake na tumuloy sa birthday party ni Vhian kung hindi siya nakita ni Clyde na kadarating lang mula sa kung saan ito nagpunta na hindi niya alam kung saan. Kaya heto siya ngayon, kaagapay maglakad papasok ng gate si Clyde na parang may alam na wala talaga siyang balak na tumuloy.
"Bakit nagdadalawang-isip ka na tumuloy, Jake?" Usisa nito sa kanya.
Lihim siyang napapalatak sa pag-uusisa nitong iyon. Halata naman kasi sa kanya iyon kanina. Bumaba nga siya ng kotse niya ngunit hindi siya makagalaw sa kinatatayuan. Para siyang na-stuck sa kinatatayuan at tinitingnan ang nakabukas na gate ng bahay nina Hyde kanina.
"Wala naman talaga akong balak na tumuloy pa." Matapat na sagot niya.
"Mukhang alam ko na ang rason kung bakit. Mag-uusisa pa ba ako o sasabihin ko ang saloobin ko?"
"Ikaw ang bahala. Wala naman mawawala sa 'kin lalo na kung totoo at natumbok mo ang rason ko," aniya.
"You are still jealous, aren't you?" Tumango siya. "Kaya ayaw mo nang tumuloy kasi hindi mo kayang makita na kasama ni Devin si Hyde at sweet sila sa isa't-isa. Sa totoo lang wala pa naman akong experience sa mga ganyan pero parang dama kita kahit papaano."
"Ganoon?"
"Yeah. Alam mo sinabihan ko na si Hyde na lumayo na siya sa 'yo kasi masasaktan at hindi ka makakapag-move-on tuwing kasama mo siya. Pero hindi naman siya nakikinig sa 'kin. May bahagi kasi sa kanya na ayaw lumayo sa 'yo."
Ang sarap pakinggan ng sinabi ni Clyde, na ayaw sa kanyang lumayo ni Hyde, ngunit alam niya na ayaw ni Hyde lumayo sa kanya dahil kaibigan siya nito. Isa pa, ayaw din naman niyang lumayo sa kanya si Hyde. Kaya nga napakalaking tanga niya dahil hindi niya magawang mag-move-on.
"Ayoko naman lumayo siya sa 'kin."
"Kung pasaway ang kapatid ko, mas pasaway ka pala. Nasasaktan at hindi ka maka-move-on pero gusto mo pa rin na makasama siya. Ganoon ba talaga kapag nagmamahal?"
"Hindi ko naman alam. Basta ako nagmamahal. Kahit masaktan ako, okay lang. Basta ang mahalaga nakikita ko ang kapatid mo at alam ko na mahalaga ako sa kanya kahit na kaibigan lang."
Napailing na lamang si Clyde sa sinabi niya. "Wala akong masabi. Kayo na! Ikaw na Jake. Pumasok na nga tayo sa loob. Hindi ko sinasabi na baka sakaling mawala sa isip mo ang nararamdaman mo sa loob pero i-try na natin. Magsaya ka sa loob. Maki-join ka sa mga bisita ko."
"Okay. Walang problema. Siguro nga baka makalimot ako kahit papaano."
TIYAK NI Jake na makikita sa kanyang mukha ang pakagulat nang makita ang isang pamilyar na mukha na hindi niya inaasahang makikita sa pagtitipon na iyon nang makapasok sila ni Clyde sa loob.
Nang mapansin yata nito na may nakatingin dito, bumaling ito sa direksyon niya. Nginitian siya nito. Ngiti na tila kilalang-kilala siya at namumukhaan pa pagkatapos ng ilang taon na hindi nila pagkikita.
Naglakad ito palapit sa kanya. Hindi siya makagalaw sa kinatatayuan. Para siyang napako doon.
"Long time no see, Jake." Anito. "After years, masaya ako na makita ka."
Napatiim-bagang siya. Kung makapagsalita ito parang wala itong nagawang masama sa kanya.
"Hindi ako masayang makita ka. Anong ginagawa mo dito?"
Umangat ang sulok ng labi nito. He saw amusement in her eyes.
"Halata naman sa 'yo na hindi ka masayang makita ako. Ano bang bago? By the way, nakita ko kanina si Devin kasama ang kakambal ni Clyde. Hanggang ngayon ba nasa anino ka pa rin ng kababata mo."
YOU ARE READING
String from the Heart
RomanceTransferee at new student si Harold Yde Ilagan o Hyde sa bagong school niya. All set siya pero hindi niya maiwasan ang kabahan sa bagong environment lalo na at unang pagkakataon na nawalay siya sa kakambal niya na si Clyde. His first day was a mixtu...
