Chapter Twenty-Six (Part 2)

1.4K 51 1
                                        

PAGKAGISING NA pagkagising ni Devin pakiramdam niya ay may bagong bagay ang mangyayari sa kanya. Kung ano iyon, iyon ang hindi niya alam. Basta may pakiramdam siyang ganoon. A certain feeling that you know something will change but you just couldn't figure out what will be that thing.

Bumangon siya sa kanyang higaan. In a minimal movement, nakadama siya ng sakit ng ulo. Pagkahilo. Hindi naman iyon nakapagtataka dahil may hangover siya mula sa pag-inom kagabi at pagkalasing. Nayaya siya kasi ng mga blockmates niya na uminom na hindi naman niya natanggihan dahil minsanan lang na mangyari. Bukod pa roon ay siya talaga ang hinihintay ng mga ito na um-oo.

Nabaling siya sa cellphone niya na nakapatong sa bedside table nang tumunog iyon. Kinuha niya at tiningnan kung sino ang nag-text. Pero sa hula niya, sa isang tao lang na mula pa kagab nanggaling ang mensahe. Hindi nga siya nagkamali nang makita iyon. Napangiti siya nang maluwang.

Devin, kumusta? Hindi ba masakit ng sobra ang ulo mo?

He started typing message for Hyde. Sa simpleng mensahe nito na nagpapakita ng pag-aalala ay sobra na siyang napapasaya.

"Ah. Hyde." He said between smiles.

Kagabi pa niya ito katext at nakatulugan niya iyon kaya naman dapat makabawi siya rito. Sa pagkakatanda niya kagabi, sa kabila ng kalasingan ay halos alas dose na rin ng hatinggabi siya nakatulog at habang katext nga niya si Hyde.

I'm sorry. Nakatulog ako kagabi. :(

Ilang minuto ang hinintay niya bago nakatanggap ng mensahe kay Hyde.

Ok lang. Ano? Masakit ba ang ulo mo?

Nagpalitan na sila ng mensahe hanggang sa tumayo siya at magtungo sa kusina nang makadama ng gutom. Kasasalang pa lang niya ng mainit na tubig para sa instant noodles nang marinig niya ang mahina pero sunod-sunod na katok sa pintuan ng apartment niya.

Nang pagbuksan niya iyon ay nagulat siya kasabay ng kasiyahan nang makita ang taong napagbuksan ng pintuan. Si Mr. Joaquin Jacinto iyon. Ang daddy ni Jake at itinuturing niyang pangalawang ama.

"Tito!" Masaya niyang sabi saka ito niyakap.

Gumanti naman ito.

"Long time no see, Devin,my boy. Kumusta ka na? Kumusta na ang pag-aaral mo at buhay-buhay?" Makikita sa mukha ni Tito Joaquin ang kagalakan na makita siya ganundin ang masasalamin sa mukha niya.

"Okay na okay, Tito." Sabi niya. Nakakatuwa lang na sa kabila ng kinahantungan ng samahan nila ni Jake ay nagawa pa rin nitong alalahanin siya at puntahan sa apartment niya.

"Mabuti naman kung ganoon."

"Pasok po kayo, Tito." Paanyaya niya rito.

Magkaagapay silang pumasok sa apartment. Pinaupo niya ito sa sofa saka siya bumalik sa kusina para alisin sa pagkakasalang ang niluluto niya. Inilagay niya iyon sa mangkok saka dinala sa sala. Doon na siya kakain para mas komportable at makausap niya si Tito Joaquin.

Habang kumakain ay masayang nag-uusap si Devin at Tito Joaquin. Naki-share na rin ito sa kinakain niya sa kabila ng pinakita nitong disgusto sa pagkain niya dahil gutom na. Ang sabi pa nito ay hindi daw siya dapat kumakain ng mga instant. Dapat daw huwag niyang sanayin ang sarili sa ganoon kahit na nag-iisa siya. He was just smiling while hearing things from him. Nakakatuwa lang na nakakarinig siya ng ganoon na sermon mula rito. Namiss niya rin ito ng sobra.

Pagkatapos nilang kumain ay lumabas sila. Ipinasyal siya nito sa dati nilang pinapasyalan. At kahit hindi dapat ay binilhan ng mga gamit na hindi naman niya kailangan.

"Salamat sa mga ito, Tito." Sabi niya na ang tinutukoy ay ang apat na paper bags niyang dala. Sa dalawang paper bag ay t-shirts ang laman. Sa isa ay jeans at ang panghuli ay pares ng sapatos.

String from the HeartWhere stories live. Discover now