TUMAWA NANG malakas si Hyde sa joke na binitawan ni Jake. Actually, hindi naman talaga iyon nakakatawa. Corny pa nga kaso talagang natawa siya dahil sa pag-deliver nito niyon. Napapailing na nasapo niya ang tiyan saka nag-iwas ng tingin sa matiim na titig nito.
Minsan kahit sabihin na kaibigan na lang niya ito ay hindi niya maiwasan ang kabahan sa paraan ng pagtitig nito lalo na kapag nagseseryoso. Tsk. It just odd and giving some unexplainable feeling inside him that he doesn't like to entertain. Kung iisipin niya kasi at bibigyan ng kulay ang mga iyon ay magdudulot lang iyon ng kaguluhan sa sistema niya. Lalo na ngayon at malapit na niyang sagutin si Devin.
Speaking of Devin. Abala ito ngayon sa pagpa-praktis kasama ang mga kabanda nito para sa nalalapit na Battle of the Band. Ang tanging koneksyon nila ngayon ay cellphone. Tuwing gabi, kapag may pagkakataon ay tumatawag ito o kaya naman siya. Nakakatawa lang na sa iisa silang school pero hindi sila nagkikita. Hindi man lang magkasalubong ang landas nilang dalawa. Given na rin siguro iyon dahil sa pareho silang abala. Nitong nakaraan nga, pagkatapos ng report nila ni Jake ay ang lalaki ang palagi niyang kasama.
"Malapit na pala ang battle of the band, Hyde," ani Jake na nagpakuha ng kanyang atensyon.
"Yeah. Malapit na nga, pero bago iyon, pupunta muna kayo sa bahay para sa birthday party ni Vhian. Sa Friday na iyon."
"Oo nga pala, ano? Ano pala ang magandang gift para sa kapatid mo?"
"Kahit ano. Hindi naman 'yon mapili eh. Tanggap lang 'yon nang tanggap."
"Okay. Samahan mo kaya akong bilhan siya ng regalo."
"Busy ako. Wala akong time na samahan ka." Agad niyang tanggi.
Ngumuso ito na nagpatawa sa kanya. "Para kang ewan, Jake. Itigil mo nga 'yan. Nabibingasan ang hitsura mo sa pinagagawa mo."
"Pero gwapo pa rin ako." Anito.
"Ewan."
Umiling-iling ito. "Ayaw mo akong sagutin. Alam ko naman na ang sasabihin mo eh."
"Talaga? Ano pala ang sasabihin ko?"
"Na gwapo ako."
Tinampal niya ito sa balikat. "Mayabang ka!"
"Hindi kaya."
"Mayabang ka." Giit niya, natatawa.
Natigil lang si Hyde sa sa pagtawa ng hawakan ni Jake ang kamay niya. Mas nagulat siya ng halikan nito iyon. Tsk. Aminin man niya o hindi. Alam niyang namula ang pisngi niya sa ginawa nito. Tuloy parang babae lang ang feeling niya.
"Ano bang ginagawa mo?" Naiilang na sabi niya sabay bawi sa kamay.
"Friendly kiss."
"Friendly kiss-in mo ang mukha mo. Walang ganyan sa magkaibigan saka hindi ako babae para gawin mo 'to."
Natawa ito. "Meron kaya."
"Sige nga. Bigay ka ng pangalan ng gumawa n'un?"
Saglit itong natigilan. Nag-isip kunyari. Maya-maya ay napangisi. "Wala akong kilala."
"Ewan ko sa 'yo. Tara na nga. Alis na tayo. Baka dumating na si prof." Yaya niya rito.
"Mabuti pa nga. Awkward na ang hangin dahil sa ginawa ko eh." Anito.
"Nagpaparinig ka pa."
"Hindi naman masyado."
"Ang kulit mo."
"Slight lang."
Masaya si Hyde kapag kasama niya si Jake iyon ang totoo. Walang araw na hindi siya tumatawa. Ang unang impresyon niya rito ay tuluyan nang naglaho sa mga pinakita nito sa kanya. Ang bersyon nito ng Jake na mahilig magbiro, masayahin at masipag mag-aral. Mga bersyon na nagpataob sa negatibong impresyon niya rito.
YOU ARE READING
String from the Heart
RomanceTransferee at new student si Harold Yde Ilagan o Hyde sa bagong school niya. All set siya pero hindi niya maiwasan ang kabahan sa bagong environment lalo na at unang pagkakataon na nawalay siya sa kakambal niya na si Clyde. His first day was a mixtu...
