Chapter Four

5K 137 6
                                        


AAMININ ni Devin na nakadama siya ng simpleng sakit sa ginawa ni Hyde habang sakay sila kanina ng jeep. Ang buong akala pa naman niya ay okay na sila nito. Na ituturing na siya nitong kaibigan. After what happened a week ago between them. Ngunit kahit na ganoon ay itinuturing pa rin niya na kaibigan si Hyde. Iyon nga lang at one-sided friendship iyon. Napapalatak siya. Parang one-sided love lang.

Gusto niyang makausap ito nang mas matagal. Buong isang linggo kasi na hindi niya ito nakita dahil sa ka-busy-han niya sa mga bagay-bagay na may kinalaman sa pag-aaral at pagbabanda niya. Idagdag pa na may part-time job siya sa isang fastfood chain na malapit sa school nila.

Abot-kamay na sana niya ito kaso tila may malaking pader na nakaharang sa pagitan nila dahil sa pagtalikod nito pagkatapos ilibot ang paningin sa loob ng jeep na sinasakyan nila kanina.

At habang naiisip niya iyon ay hindi niya maiwasan na maalala ang kanina. He also saw recognition in Hyde's eyes. Kung assuming lang siya ay baka masabi na niyang katuwaan at kagalakan ang nakita roon nang makita siya.

Ngunit dahil sa isang tao. Well. He wasn't sure if the reason of Hyde's suddenly coldness was no other than Jake Hyllel Jacinto. Ang lalaking walang ibang alam gawin sa campus ng URS kundi manggulo. Ang estudyanteng notorious sa lahat ng sulok ng school. He also knew Jake for some reason. Ngunit mas nangingibabaw sa pagkakakilala niya sa lalaki ay ang pagiging inaanak nito ng isa sa dean sa school. Kaya siguro kahit na marami na itong nagawang kabalastugan at labag sa rule ng school dahil sa malakas ang kapit.

Ang isa pang kinaaasar ni Devin ay pag-ngiti ni Jake kanina sa kanya rather kay Hyde nang makita ito. Parang may something sa ginawa nitong iyon. Iyon siguro ang dahilan kung bakit bigla na lang siyang tinalikuran ni Hyde. Nakakabwisit lang ang Jacinto na iyon!

Hindi rin niya maiwasan ang mangamba para kay Hyde. Baka ito na kasi ang sunod na gawing biktima ng lalaki. Biktima ng pambu-bully na pamoso ito doon. Hindi siya papayag na maging biktima si Hyde ng lalaking iyon.

Ngunit kahit na anong gusto niya yatang gawin iyon, ang protektahan ito, ay hindi rin niya magagawa dahil sa tight ng schedule niya. Masyado siyang abala sa maraming bagay. Sa labas o sa loob man ng school kaya paano naman niya iyon gagawin?

Pero.. pipilitin pa rin niya. Pipilitin niya.

Masyado na ba siyang nagiging over acting sa mga iniisip niya? Poprotektahan niya si Hyde as if he have the right to do it. As if they have the deeper connection to each other. Ang kapal lang ng pagmumukha niya sa isipin ang ganoon.

Ang nangyari nga kanina ang isang malaking halimbawa niyon. Isang malaking harang. Isang malaking ewan siya sa pag-iisip ng ganoon. Sa pagiging overacting at over protective kay Hyde.

Napabuntung-hininga na lang siya.

Habang nakatingin siya kay Hyde na katabi ni Jake na nakaakbay pa rito ay nangingitngit ang kalooban niya. Balak sana niyang lapitan ang mga ito ngunit may humarang na sa daraanan niya. Isang kaklase na may kasamang babae. Wala na siyang nagawa kundi ang kausapin ang mga ito at makipag-selfie. As if he was really popular. As if na hindi siya nakikita nito sa araw-araw sa campus ng school nila.

Nakadama ng lungkot si Devin habang nakatingin kay Hyde. Ngunit dahil sa harap siya ng ibang tao at kilala siya sa pagiging palakaibigan at jolly ang personality. Ngumiti siya. Ngiti dito! Ngiti doon! Ngunit hindi niya maipagkakaila ang totoong nararamdaman.

Sana siya na lang 'yon. Bulong niya sa sarili.

"ANG HIRAP talaga maging sikat!"

Reklamo ni Theo na nagpatingin kay Devin dito. Patamad itong naupo sa couch. Nasa loob sila ng music room at kasalukuyang nagpapahinga mula sa pag-eensayo. Silang dalawa na lamang ang naiwan. Nauna na kasing umalis si Chris at Brax.

String from the HeartМесто, где живут истории. Откройте их для себя