Chapter Twenty-Seven

1.8K 50 1
                                        

HINDI MAPUKNAT-PUKNAT ang ngiti sa labi ni Devin habang binabasa ang laman ng notebook niya. May long quiz sila mamaya sa isang subject at kahit na abala siya sa pagre-review ay hindi mawala sa kanya ang kasiyahan. Patunay na roon ang malawak na ngiti sa kanyang labi. Mabilis dumaan ang araw, isang linggo. Ngunit hanggang ngayon ay malinaw pa rin sa kanya ang pagsagot sa kanya ni Hyde. Siya na ang pinakasaya. He felt like flying in thinking that finally, the love of his life is totally to him now. May panghahawakan na siya rito at hindi niya basta-basta pakakawalan ang isang katulad ni Hyde.

"Kanina ka pa nakangiti ng ganyan," ani Ate Estelle. Ito ang review buddy niya. "Ang saya-saya at luwang niyan. Sabihin mo nga sa 'kin, Devin. May nangyari ba? May progress ba ang panliligaw mo kay Hyde?"

"Hindi na ako nanliligaw, Ate Estelle."

Nanlaki ang mata nito saka napangiti nang maluwang. "Wow! Congrats! Kayo na pala. Kailan pa Devin?"

"Two days ago. Napakasaya ko nang sagutin niya ako Ate. Ganito pala 'yong feeling. Ang sarap sa pakiramdam. Para akong lilipad anumang oras tapos walang pagsidlan 'yong saya."

Natawa ito. "Kung makikita mo lang ang reaksyon ng mukha mo ngayon, Devin. You look so in love. Masaya ako para sa 'yo."

"Salamat. Matagal kong hinintay ito na mangyari. And now it happened. I'll make sure I'll do everything for the both of us."

"Pero bago 'yon, kailangan mo munang bigyan ng pansin ang mga ganap dito sa school. Sa banda n'yo at sa org natin."

"Yeah. Hindi ko 'yon kakalimutan. Ngayon pa na may inspirasyon na ako na boyfriend ko na."

Napailing-iling si Estelle. "Ikaw na ang may lovelife. Akala ko kasi nakalimutan mo na ang mga gagawin mo dahil sa ngiti mo, eh."

"No."

Sa totoo lang. Nakasulat na sa isang notebook ni Devin ang mga gagawin niya sa mga susunod na araw. Iyon nga lang ay hindi pa niya ulit iyon natitingnan. Basta ang alam niya ay magiging abala siya.

Una, sa mga school activity at programs na ang org nila ang isa sa nag-organisa.

Pangalawa, ang practice nila sa banda para sa gaganapin na battle of the bands. Pagkatapos nga rito ay tutungo na siya sa music room para doon.

Pangatlo, pagkatapos ng battle of the bands ay kasama siya sa convention. Sa pagkakatanda niya ay limang araw sila sa pagaganapan niyon.

Bigla siyang natigilan. Mukhang magiging abala talaga siya. Kailangan niyang makausap si Hyde sa mga activities niya para masabihan ito. Mukhang magiging kaunti ang oras nila sa isa't-isa dahil sa kaabalahan niya.

"Kailangan ko palang kausapin si Hyde sa mga gagawin ko," nasabi niya.

"Yeah."

"Pagkatapos ng exam natin pupuntahan ko na lang siya." Aniya.

"NAKAKAGAGO ang malawak na ngiti sa labi mo."

Devin was in pure bliss kaya naman wala siyang pakialam sa sinabi ni Theo na tiyak niyang mang-aasar lang. Siyempre. Malawak talaga ang ngiti sa labi niya dahil sa taong mahal niya. Hanggang ngayon kasi ay pakiramdam niya ay nasa alapaap siya.

"Isang linggo na ang nakakalipas mula nang sagutin ka ni Hyde pero..." umiling-iling si Theo.

Hindi pa naman talaga siya nakaka-recover. Ang pagsagot sa kanya ni Hyde ay nagbigay ng sanlaksang kasiyahan at kakaibang pakiramdam sa kanya. Basta. Masaya siya ng sobra sa development ng relasyon nila. Medyo malungkot lang sa parte na hindi pa sila ulit nagkikita kahit sa isang school lang sila. Pareho kasi silang abala nito sa gawain sa school. Puro sa text at tawag sila nag-uusap.

String from the HeartWhere stories live. Discover now