Chapter Twenty-Nine (Part 1)

1.5K 50 0
                                        


HINDI MABURA ang ngiti sa labi ni Devin habang nakatingin kay Hyde na abala sa pagkain. Paanong hindi mabubura ang labi sa kanyang labi gayong sa pagmulat ng kanyang mata ay ang mukha nito ang nakita niya. Iyon nga lang at hindi sila magkatabi sa kanyang higaan kundi sa mesa na nasa hapag-kainan.

Pagkatapos niyang buhatin si Hyde para dalhin sa kanyang kwarto hindi niya ito tinabihan dahil nag-review pa siya. Sa dami ng ni-review niya ay sa mesa na siya inabutan ng antok at doon nakatulog ng mahimbing. Medyo nananakit nga ang kanyang leeg.

Pero nang magising siya ay ang mukha ni Hyde ang nabungaran niya. Natutulog din ng mahimbing. Mas sumaya pa ang pakiramdam niya nang makita ang unan na kinahihimlayan ng ulo niya at ang kumot na nahulog ng tumuwid siya ng upo. Siyempre agad na pumasok sa isip niya na si Hyde ang may gawa niyon. Sa simpleng bagay ay damang-dama niya ang pagmamahal nito sa kanya.

Imbes na ngang kumilos siya, pinagsawa na muna niya ang sarili na titigan ito hanggang sa tumunog na ang tiyan niya na dulot ng gutom. Habang nagluluto siya hindi niya ginising si Hyde. Lagi niya nga lang natatagpuan ang sarili na tinatapunan ito ng tingin saka siya ngingiti ng maluwang. Nakikita niya kasi na ganoon ang magiging senaryo nila once na magsama na talaga sila ng tuluyan sa iisang bubong.

"Ang lawak ng ngiti mo," puna ni Hyde sa kanya. Kagigising pa lang nito. Kinusot-kusot pa ang mata.

Mas nginitian pa niya ito ng matamis. "Paanong hindi lalawak nandito ka sa tabi ko."

Nangiti ito sa banat niya. "Masyado kang makeso."

"Sa masaya ako na kasama ka dito. You know what, Hyde, I'm picturing as two living like this. 'Yong may times na ako ang magluluto 'tapos ikaw naman ang magluluto para sa akin."

Hindi ito nagsalita ngunit ang ngiti sa labi ay nauunawaan niya.

"'Tapos 'yong gigising ako palagi na nasa tabi kita. That would be great. Kapag nakapagtapos ako, kapag kaya ko na ang buhay ko at nakapaghanap na ako ng trabaho, willing ka bang tumira kasama ako sa isang bahay?"

"Magtapos na muna tayo ng pag-aaral." Anito. Hindi sinagot ang tanong niya.

"Gusto mo ba na tumira kasama ako sa isang bahay?"

Dahan-dahan na tumango ito. "Masaya iyon, Devin. I'm also dreaming for that day to come."

"Mabuti naman kung ganoon. Talagang balak ko na itira ka sa isang bahay na kasama ako. Bahay na doon natin gagawin ang lahat na makakapagsaya sa atin."

"Sorry to cut your daydreaming. Kumain na muna tayo. Ihahatid mo pa ako sa bahay."

Nanunudyong ngiti ang ibinigay niya rito. "Ikaw talaga. Pinigilan mo ako sa pagde-daydream ko. Dahil ba 'yon sa naaapektuhan ka sa tinatakbo ng sinasabi ko?"

Natawa siya nang makita ang pamumula ng mukha nito. Yumuko ito para pagtakpan iyon.

"Masyado ka."

"Sinabi ko na nga ba."

"Masyado kang ano..."

"Seriously, Hyde, sa mga oras na ito gusto kong gawin 'yon pero naiisip ko na may tamang pagkakataon para sa ganoong bagay. Actually, kanina ko pa iyon naiisip gawin mula nang magsolo tayo dito sa apartment."

"Wala namang pumipigil sa 'yo na gawin natin 'yon."

Marahan siyang umiling. "Pinipigilan ko nga ang sarili ko. Katulad ng sabi ko sa 'yo, may tamang pagkakataon para doon. I just felt that this day was not the right for that."

"Ang taas ng respeto mo sa 'kin. Salamat Devin."

"Mahal kita kaya nire-respeto kita."

Tumayo si Hyde mula sa kinauupuan saka siya binigyan ng isang mahigpit na yakap.

String from the HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon