AGAD NA sumilay ang ngiti sa labi ni Devin nang makita niya ang papalapit na si Hyde. Dahil sa kaabalahan niya ngayon lang siya ulit nagkaroon ng pagkakataon na mahintay ito. Pagkatapos niyang haranahin ito sa bar ay ngayon lang ulit siya nagpakita rito ngunit hindi naman siya pumapalya sa pagpapadala ng mensahe dito. Ang panliligaw niya tuloy kay Hyde ay parang kabute, lulubog-lilitaw. Mabuti na lang at nauunawaan siya nito. Minsan nakikita niya naman ito sa campus ngunit hindi siya makalapit. Gusto pa naman niyang araw-araw ito nakikita pero hindi nangyayari.
Kumaway siya para makuha ang pansin nito. Ngumiti ito ng makita siya.
"Hyde," tawag niya rito, maya-maya.
Patakbo itong lumapit sa kanya. "Devin. Mabuti at nakita kita. Long time, no see, ah." Anito sa nagbibirong tono.
Nahihiyang napakamot naman siya sa tungki ng kanyang ilong. "Pasensya na. Matagal na nga mula nang makita mo 'ko pero nakikita naman kita."
Lumabi ito. "Ganoon? Ang daya. Tapos hindi ka nagpapakita sa akin."
"Panandalian lang naman kasi. Tuwing nakikita kita, busy ka. Ayoko namang maging istorbo sa ginagawa mo."
Ngumiti si Hyde saka mas lumapit sa kanya. Hinawakan nito ang magkabilang pisngi niya saka siya tinitigan. "Naiintindihan ko. Hindi ka lang naman basta estudyante kasi, Devin, eh. Mas abala ka pa sa isang estudyante kaya naman hinahangaan kita."
Lumambot ang puso niya sa sinabi nito. Maunawain si Hyde at iyon ang bagay na ipinagpapasalamat niya. Kahit alam nitong nanliligaw siya rito ay never itong nagtanong ng kung anu-ano tungkol sa hindi niya pagpapakita rito.
"Salamat at naiintindihan mo, Hyde."
"Sus. Walang kaso sa akin 'yon, Devin. Ako nga yata ang nakakaistorbo sa 'yo saka sa ginawa mo n'ung sa bar tayo, quotang-quota ka na."
"You'll never be a nuisance. Kung magiging nuisance ka man, one of the sweetest."
Namula ito saka binitawan ang mukha niya. "Ga-ganoon?"
"Oo naman. Ang lakas mo kaya sa akin."
"Oo na." Natatawang sabi nito.
"Sabay na tayong umuwi Hyde."
"Sigurado ka?"
"Oo naman. Kaya nga kita hinintay para magsabay na tayong umuwi."
Bigla siyang may naalala. Inalis niya sa pagkakasukbit sa kanyang balikat ang bag saka inilagay iyon sa harapan para makuha ang bagay na ibibigay niya kay Hyde.
"Para sa 'yo, Hyde," aniya sabay abot ng chocolates at isang maliit na stuffed toy dito. Kulay brown na stuff toy iyon.
"Salamat," anito. Inabot nito ang mga iyon. "Sana hindi ka na lang nag-abala pa."
"Walang kaso 'yan. Saka nag-save talaga ako para mabili 'yan para sa 'yo. Nakakahiya nga na ngayon lang kita nabigyan samantalang sinabi ko sa 'yo na araw-araw kitang bibigyan ng mga bagay na magpapasaya sa 'yo."
Namula na naman ito na ikinangiti niya.
"Ang cute mo."
"Sa-salamat. Nakakahiya 'to," anito. "Pero kahit hindi ka naman na magbigay ng mga bagay, ikaw pa lang sapat na."
Siya naman ang namula sa sinabi nito. Kinilig din siya.
"I'm speechless." Nasabi na lang niya sabay kamot sa tungki ng ilong.
Nagulat na lamang siya ng tumingkayad si Hyde saka siya mabilis na hinalikan sa pisngi.
"Salamat ulit."

YOU ARE READING
String from the Heart
RomanceTransferee at new student si Harold Yde Ilagan o Hyde sa bagong school niya. All set siya pero hindi niya maiwasan ang kabahan sa bagong environment lalo na at unang pagkakataon na nawalay siya sa kakambal niya na si Clyde. His first day was a mixtu...