Chapter Twenty-Four (Part 2)

1.5K 52 0
                                        

NASA LOOB na ng banyo si Jake. Mabilis niyang hinubad ang suot na t-shirt at pantalon para huwag siyang lagkitin. Binasa niya rin ang damit para punasan ang kanyang katawan saka siya naghilamos. Hindi pa siya nagtatagal sa paghuhugas ng mukha ng makarinig siya ng mahinang katok sa pinto. Kasunod ang boses ni Hyde.

"Jake, okay ka lang ba?"

Sa halip na sumagot, binuksan niya ang pintuan. Nanlaki ang mata ni Hyde nang makita siya saka nag-iwas ng tingin. Napangiti siya ng lihim. Kahit papaano may epekto  pa rin pala siya rito. At dahil doon, nagiging assuming ka na naman Jacinto. Tumigil ka!

"Okay lang ako. May damit ka ba na pwedeng ipahiram sa akin?"

Sabihin ng wala siyang hiya sa ginagawa niyang pagtambad ng katawan na halos hubad pero wala siyang paki. Gusto lang niyang ipakita kay Hyde kung gaano siya ka-hot para kahit papaano ay makakuha siya ng positibong reaksyon mula rito. At dahil nga sa reaksyon nito ay natutuwa siya.

Kung may mabuti man na naidulot ang nangyari sa kanya, ito na iyon.Ang pagkakaroon sa kanya ng oras ni Hyde para asikasuhin siya.

"Maghahanap pa ako." Anito, hindi pa rin makatingin sa kanya.

"Sige."

Hindi niya sinara ang pintuan ng banyo ng magsimula si Hyde na maghanap ng damit sa drawer na nandodoon. Sinundan niya ng tingin ang bawat kilos nito. Nakakatuwa lang talaga na may mabuting naidulot ang kamalasan na nangyari sa kanya. All thanks to Vhian!

Nang makahanap si Hyde ng damit humarap ito sa kanya para lang muling mag-iwas ng tingin. Ngunit napansin niya ang pagtingin nito sa tattoo niya na agila sa kanyang braso.

"Kakasya ba sa 'kin 'yan?" Tukoy niya sa damit na hawak nito. Itim na sando iyon saka jersey short.

"Siguro. Try mo na lang."

"Sige. I'll just try it." Aniya.

Ang gusto niyang gawin sa mga oras na kasama niya ito ay yakapin ito ng sobrang higpit. Hawakan ang mukha at bigyan ng marubdob na halik sa labi. Hindi niya alam kung napansin ba ni Hyde ang 'bulge' niya sa suot na boxer short na ito ang dahilan.

"Salamat Hyde."

"No worries. Kasalanan ito ni Vhian."

"Hindi naman sinasadya ni Vhian. I was the one. Masyado akong careless."

"Bakit mo ba iniiwasan si Vhian?" Tanong nito.

"Tinatanong niya ako. Kinukulit ng kung anu-anong bagay."

"Ano iyon?"

"Kinukulit niya ako tungkol sa akin... sa atin. Kung bakit hindi ako ang nagustuhan mo. Kung ano ba ang wala sa akin na meron si Devin."

"Jake..." Tanging nasabi nito

"Pasensya na Hyde. Bitter pa rin ako. Alam nating dalawa na sumuko na ako sa 'yo pero hindi ko pa rin mapigilan ang sarili ko mas mahalin ka. Pakiramdam ko nga mas lalo pa akong nahuhulog sa 'yo. Nakakalungkot lang isipin na hindi na yata ako makakabangon sa pagkahumaling ko sa yo. Masakit pa rin. Sariwa pa ang sugat na parang hindi naman na yata gagaling. I know I'm being stupid. Napakatanga ko. Sobrang pagpapakatanga pero ano ba ang magagawa ko? Nagmahal lang naman ako ."
   
Nang tingnan niya si Hyde sa mukha, natigilan siya. He saw something in his eyes that suddenly gone. Naglayo ito ng tingin.

Napabuntung-hininga na lang siya saka bumalik sa banyo.

Pinunasan niya ang luha na naglandas sa pisngi niya.

KUNG SA PAGIGING fickled-minded wala na yatang makakatalo kay Hyde. Siya na yata ang may pinaka-brittle na gawi ng pag-iisip. He was all set, ready to take his relationship with Devin into another level but beacuse of what he saw something inside him stirred aggravately.

String from the HeartWhere stories live. Discover now