NAGSUSUOT na ng sapatos si Hyde nang lapitan siya ni Clyde. Nagsusuot ito ng polo nito at naghahanda na rin sa pagpasok sa school. Mula sa kanyang ginagawa, bumaling siya rito.
"Oh, bakit?" Blangko ang ekspresyon sa mukha na tanong niya.
"Hindi mo pa rin ba sasabihin sa akin ang totoo?"
Naitirik na lang niya ang mga mata sa sinabi nito. Ang buong akala niya ay tapos na sila doon. Nakapaghanda na silang dalawa at lahat-lahat ngunit hindi pa pala. Ayos din talaga ang kakambal niya. Hindi talaga ito titigil hanggang hindi nito nalalaman ang totoo. Hindi talaga ito papayag. Ang kulit lang.
"Makulit ka talaga, ano?" Naiirita niyang sabi.
Kilala naman talaga siya nito. Kaya alam nito kung kailan siya nagsisinungaling o hindi. Ang sabi niya nga dati ay magkasama na sila, mula sa sinapupunan ng ina nila hanggang sa pag-aaral sa elementarya, high school at so on."Ihahatid na lang kita sa school mo, Hyde."
Napanganga siya. Hindi nag-function ang utak niya ng ilang segundo sa sinabi nito.
"Pwede ba, Clyde. Hindi na ako bata para ihatid mo pa saka malayo ang distansya ng school ko sa school mo. Isa pa, hindi tayo sa isang way dadaan. Salungat tayong dalawa."
Clyde just eyed him. Hindi ito nagsalita. Waring binabasa ang nasa utak niya sa paraan ng pagtitig nito.
"Ihahatid pa rin kita," anito.
Lihim na lang siyang napasimangot. Ang kulit din talaga nito. Siguro. Kung sa ibang pagkakataon ay matutuwa siya sa pagbo-boluntaryo nitong ihatid siya. Sanay naman kasi siya na palagi silang dalawang magkasama ngunit iba ang sitwasyon ngayon. Kilala niya si Clyde. Mapamaraan itong tao kaya alam niya na kukuha lang ito ng ilang impormasyon ukol sa kanya lalo na sa ginagawa niya ngayon.
"'Wag ka ngang makulit. Sinabi nang 'I can manage', eh. Kumag na 'to."
"Ikaw ang kumag. Parang may tinatago ka talaga sa paraan ng pag-iwas mo. Siguro, may boyfriend ka na."
"Boyfriend-in mong pagmumukha mo! Kumag ka talaga."
Agad na nag-isip si Hyde kung paano makakatakas sa mapanuri at nang-uusig na tingin ng kakambal niya. Inabala niya ang sarili sa pagsusuot ng sapatos na naudlot kanina nang lapitan siya. Nang matapos, agad niyang kinuha ang kanyang bag, tumayo ag kumaripas ng takbo palayo sa usisero niyang kapatid.
Tumakbo siya palayo sa bahay nila hanggang sa makaabot siya sa sakayan ng jeep. Humihingal na napasandal siya sa poste. Kinalamay ang kalooban at ang pagtahip ng dibdib. Nang maging okay ay umayos na siya ng tayo saka pinara ang paparating na jeep,
Sumakay siya sa jeep at piniling maupo sa harapan, sa katabi ng driver. Isinandal niya ang likuran sa sandalan saka tumingala. Mabuti na lang at naiwasan niya si Clyde. Kung hindi niya iyon nagawa ay sigurado siyang nasa kandungan na siya ng hot seat. Ang eksena ay parang sa katulad ng isang pelikula. Interrogation process at nasa madilim na kwarto. At si Clyde ang nag-iimbestiga.
Napabuga siya ng hangin saka umayos ng upo.
"Mukhang pagod na pagod ka mula sa mahabang pagtakbo, ah."
Napapitlag siya nang marinig ang pamilyar na boses. Napatingin siya sa kanyang likuran. Nang makita niya ang taong iyon ay nag-iba ang tibok ng puso niya. Ngiting-ngiti ito sa kanya. Waring kilalang-kilala siya. And, oh so, damn the smile in his handsome face. Napapa-english siya ng wala sa oras pagkakita kay Devin.
Tsk. It's been a week since their encounter. At habang tinitingnan niya ang mukha ni Devin na nakaupo sa likuran ng kinauupuan niya ay kitang-kita niya ang katuwaan sa mga iyon. At sa palagay niya ay natatandaan pa siya nito.
"Kumusta, Hyde?" Again, his heart skip a beat by just hearing his nickname being said by him. "Ang tagal kitang hindi nakita, ah? How's life?"
"Ki-kilala mo pa rin ako?" Parang timang na sabi niya. Still in owe.
He heard him chuckle. "Bakit naman hindi kita makikilala? Of course, I knew you. Hindi naman matagal ang isang linggo para hindi kita makilala. At sa pagkakaalam ko, hindi pa ako matanda para maging ulyanin. Bakit ikaw? Hindi mo na ba ako kilala?"
Hindi siya nakapagsalita sa sinabi nito. Oo nga naman. Hindi ito ulyanin! Pero! Naman! Abalang tao si Devin. Marami rin itong nakakasalamuha dahil sa kinalalagyan nito kaya naman.. Argh.. Still, he can't believe.
"Gusto mo ng proof? Well. Ang buo mong pangalan ay Harold Yde Ilagan. Your name should be mention as HAY-DE but I preferred calling you by HAYD."
Ahhhh! Hindi talaga siya makapaniwala kaya naman speechless pa rin siya. Nakakahiya na nakatingin lang siya sa nakangiting gwapo nitong mukha ngunit hindi naman niya magawang mag-iwas ng tingin. Devin was so.. Basta! Ang gwapo talaga nito. Ang gwapo ng kumag.
Bago pa man siya mapahiya ulit dahil sa lantarang pagtitig na ginawa niya, inilibot niya ang paningin sa mga taong nasa loob ng jeep. At laking gulat niya nang makita sa may pintuan, nakaupo ang taong iniiwasan niya! Deym! Anong ginagawa ni Jake sa loob ng jeep? At nang magtama ang paningin nila, ngumiti ito saka kumaway. Hindi na nga matatawag na ngiti ang nasa labi nito kundi ngisi.
Bago pa man siya mabwisit. Tumalikod na siya.
Kahit na nakatalikod na siya. Pakiramdam ni Hyde ay nagtayuan ang mga balahibo niya sa batok. Parang ang lakas kung makatitig sa kanya ang pesteng si Jacinto. Ang sidhi naman yata ng tingin na ibinibigay nito sa kanya. Hindi tuloy siya mapakali. Naiisip niya na kahit gumagalaw pa ang jeep ay bababa na siya. Huwag lang muling tingnan si Jake.
Hindi pa man siya nakakarating sa school, kinakabahan na siya. Paano kung agad siyang i-corner ni Jake? Paano ang gagawin niya? Makakatakas pa ba siya sa pambu-bully nito? Makakaya ba niyang labanan ang pesteng lalaki?
Kailangan na niyang mag-isip ng paraan bago pa siya makaabot sa school nila. Isang paraan para makaiwas at malusutan si Jake.
At kay Devin. Gagawa siya ng paraan para makabawi dito. Dahil kay Jake nawala ang atensyon niya kay Devin. Pesteng-peste talaga! Nagmukha tuloy siyang walang manner sa ginawa niyang pagtalikod kay Devin. Basta-basta lang pati. Nakakahiya talaga! Hindi pa pala siya nakakapagpasalamat sa kabutihan na ginawa nito sa kanya one week ago.
Hanggang sa makaabot ang jeep sa harap ng school nila. Nang makapagbayad si Hyde sa driver ay agad na siyang bumaba. Gustuhin man ni Hyde na huminto para hintayin si Devin, hindi niya iyon nagawa. Mabilis ang paglalakad niya patungo sa harap ng school, para makapasok.
Ngunit bago pa man siya makapasok sa school ay naramdaman na niya ang paghawak ng kung sino sa braso niya dahilan para mapahinto siya,
Tiningnan niya kung sino iyon. And to his shock na hinaluan ng horror ay nakita niya si Jake, seryoso ang pagkakatingin sa kanya.
"Hindi mo ba talaga ako titigilan?" Aniya. He tried his very best to be calm na nagawa naman niya sa mabisang paraan.
Mula sa pagiging seryoso. Ngumisi ito. "Hindi pa. Hindi ko pa nakukuha ang gusto ko, eh."
"Peste!" May kalakasan niyang sabi.
Sa halip na mainis sa sinabi niya, tumawa pa ito. Isang malutong na tawa na nagpatigil sa kanya. Bakit ang gwapo ng lalaking ito? Poker face. Serious face. Mischievous face. Sad face. Angry face. At lahat-lahat na na emoticon sa facebook. Bakit ang gwapo ng lalaking ito kahit na nakakaasar at nakakapeste ang pambu-bwisit sa kanya?
"You are really interesting." Sabi nito.
"Pwede ba? Tigilan mo nga ako!"
Tsk. Mabuti na lang at na-compose niya ang sarili mula sa paghanga dito. Yeah! Ahhh! Gusto niyang sumigaw. Kaasar lang na hinahangaan niya ang pisikal na hitsura nito, ang kagwapuhan, kahit na nakakabwisit.
"Hindi pa nga ako nagsisimula, patitigilin mo na ako kaagad. Give me something first before I stop goofing and pestering you."
"'Buti naman at inamin mo na stupid at peste ka. Hindi ka ba nahihiya? Ang lakas mong man-trip at mambwisit. Mabuti kung may natutulungan ka? Mabuti kung nakakatulong sa kaunlaran ng school ang ginagawa mo. Mabuti kung nakakatulong sa bansa. Eh, wala naman. Hindi. Binibigyan mo lang ng trauma ang mga binu-bully mo."
"Masyado kang maraming sinasabi."
"What the!" Nagulat siya nang kabigin siya nito at akbayan. An unexplainable feeling rise inside him. Parang may ano na hindi niya mawari kung ano. Basta magulo. Mahirap i-explain.
Pumalag siya para makawala rito ngunit hindi iyon nangyari. Di hamak na mas matangkad sa kanya si Jake. Nasa limang talamapakan at limang pulgada ang height niya samantalang ang peste sa tantiya niya ay naglalaro sa pagitan ng limang talampakan at siyam na pulgada ang height. Anong laban niya sa may pagka-higante na lalaki?
"'Wag ka nang pumalag, Hyde." Sabi nito. Bigla siyang na-kuryente sa pagdampi ng mainit na hininga nito sa tenga niya. The sensation was.. Ahhh! Bwisit! Bakit napupukaw nito ang ganoon sa kanya?
"Now, I'm your boss either you like it or not. Ang mga sasabihin ko ay susundin mo. Dapat palagi kang nasa tabi ko. Dapat hindi ka nawawala sa paningin ko. Kapag nawala ka sa tabi ko at nawala ka sa paningin ko." Huminto ito sa pagsasalita. Waring talagang binibitin siya.
Pambibitin na naghahatid sa kanya ng sanlaksang kaba. Arghh! Ang asar lang talaga.
"Paparusahan kita. Isang parusa na hindi mo magugustuhan. Klaro ba iyon sa 'yo, Ilagan?"
Hindi siya sumagot.
"Ouch!" Napahiyaw siya ng kagatin nito ang tainga niya ngunit agad naman siyang nakabawi. Siniko niya ito.
"Ouch." Anito. Ininda ang ginawa niya ngunit panandalian lang.
At hindi naman dapat niya mapansin ngunit matigas ang abdomen nito. Parang may ano rin..
"Aray! Talagang gumaganti ka, ah." Natutuwa pang sabi nito saka siya hinapit mas malapit dito. "Sumunod ka na lang. Mas marami akong kayang gawin. Lahat marahas na parusa sa 'yo, Hyde."

YOU ARE READING
String from the Heart
RomanceTransferee at new student si Harold Yde Ilagan o Hyde sa bagong school niya. All set siya pero hindi niya maiwasan ang kabahan sa bagong environment lalo na at unang pagkakataon na nawalay siya sa kakambal niya na si Clyde. His first day was a mixtu...