AUTHORS NOTE
Hello!! Sana po ay ma-enjoy niyo ang story na ito! Masyado pang mahaba ang lalakbayin ng bawat character ng story na ito.
BTW, this story was a little you know. LOL. May maseselan na bahagi kaya naman pasensya na kung disturbing para sa iba ang intimacy ng lalaki sa lalaki though wala pa naman bed scene ang mga bida dito at karamihan ay sa antagonist.
CHAPTER TWENTY -EIGHT
NAKAHINGA NANG maluwang si Devin, ngayon na magkasundo na silang dalawa ni Hyde. Wala na itong tampo sa kanya kaya naman alam niya na sa kanya na kung paano sila mananatiling ganito. Gagawin niya ang lahat para hindi na ito magtampo sa kanya.Magkahawak na sila ng kamay ni Hyde habang naglalakad. Sa halip na dumiretso silang dalawa sa bahay nito ay nauwi sila sa isang kainan at doon nila ginawa ang naudlot nilang date sa fastfood chain.Pagkatapos nilang kumain ay nagtungo sila sa apartment niya. Nanonood sila ng programa sa telebisyon. Aaminin ni Devin na kanina pa niya gustong yakapin si Hyde. Halikan na alam niyang magli-lead sa kanila sa mainit na tagpo. Gustong-gusto niya pero nagtitimpi siya. Handang-handa na siya pati ang kanya pero alam niya na hindi naman porke't tinatablan siya ng ganito ay agad na niyang susunggaban.
"Torture 'to." Bulong niya sa sarili.
Itinutok niya ang kanyang atensyon sa pinapanood. Inabala niya ang sarili sa panonood kahit na si Hyde ang umu-okupa ng kabuuan niya.
Napatingin siya kay Hyde nang marinig niya ang paghilik nito. Napangiti siya nang makita na nakapikit na ito. Himbing sa pagtulog. Mukhang napagod din ito sa mga school activities at sa pagre-review para sa exams nila.
Imbes na ang palabas sa TV ang panoorin niya si Hyde na ang tinitingnan niya.
Pinalandas niya ang daliri sa mukha nito. Nagtagal iyon sa bahagyang nakaawang na labi nito. He found himself lowering his head to give Hyde a kiss. Napapikit siya nang maglapat ang kanilang labi. He feel his soft lips below his mine.
Lumayo lang siya rito nang gumalaw ito.
Napangiti siya saka lumapit dito. Niyakap niya ito. Doon na rin siya nakatulog, yakap-yakap ito.
NAALIMPUNGATAN si Hyde mula sa mahimbing na pagtulog ng makadama siya ng uhaw. Medyo nagulat pa siya na natagpuan ang sarili na nakahiga sa kama ni Devin. Napangiti na lang siya sa isipin na baka binuhat siya nito para makatulog ng mahimbing. Natatandaan niya na nanonood silang dalawa ng palabas sa telebisyon nang makadama siya ng antok at nakatulog nga sa sofa katabi Devin.
Inalis niya ang pagkakatakip ng kumot sa katawan niya saka siya tumayo at lumabas ng kwarto. Naabutan niya si Devin sa dining room. Himbing ito sa pagtulog.Nakapatong ang ulo sa mesa. Bahagya pang nakaawang ang labi nito. Mukhang nakatulugan nito ang pagre-review base na rin sa bag nito at ilang notebooks na nasa mesa.
Dahan-dahan siyang nagtungo sa isang mesa kung saan nakapatong ang isang pitsel ng tubig. Iniwasan niya ang makalikha ng ingay. Ayaw niyang istorbohin si Devin sa pagtulog nito kahit na medyo nag-aalala siya na baka sumakit ang leeg nito. Kapag ginising niya kasi ito baka hindi na ito matulog at asikasuhin pa siya.
Hindi niya tuloy maiwasan ang ma-guilty sa ginawa niya rito. Kung palaging ganito kaabala si Devin na hindi na nakakapunta sa sariling higaan para matulog ay sadya naman talagang nakaka-guilty. Tapos ganoon pa ang inakto niya.
Pagkatapos niyang uminom ng tubig, bumalik siya sa kwarto para kumuha ng kumot at maliit na unan. Binalikan niya si Devin. Dahan-dahan niyang inangat ang ulo nito para malagyan ng unan ang kinapapatungan. Napangiti siya na makitang komportable na ito kahit papaano. Iniladlad naman niya ang kumot saka ito kinumutan mula sa balikat patungo sa likuran.
Hinalikan niya si Devin sa labi bago siya umupo sa upuan na nakaharap dito. Pinagsawa niya ang tingin sa kagwapuhan nito hanggang sa nakatulugan na niya iyon.

ŞİMDİ OKUDUĞUN
String from the Heart
RomantizmTransferee at new student si Harold Yde Ilagan o Hyde sa bagong school niya. All set siya pero hindi niya maiwasan ang kabahan sa bagong environment lalo na at unang pagkakataon na nawalay siya sa kakambal niya na si Clyde. His first day was a mixtu...