Entry #2

261 6 5
                                    

Si Francisca at SiFrancisco

by Res Gel


Sa tuwing tumitingin sa salamin si Francisca ay dismayado siya. Isang babaeng mataba, kayumanggi ang kulay, malapad ang noo, pango ang ilong at maliit na labing nangingitim kahit hindi naninigarilyo. Agad din siyang ngumiti ng tumingin sa ilustrasyon na ginawa niya at dinikit ito malapit sa salamin.


'Nilalang nga ng Diyos ang tao ayon sa kanyang larawan. Genesis 1:27' Mas lalong lumawak ang pagkakangiti niya ng nabasa ito.


"Cisca nakahanda na ang almusal," boses iyon ng kanyang ate. Dali-dali na niyang sinuklay ang kulot na buhok at lumabas na ng kwarto.


"Magandang umaga," bati ni Ginang Hermana kina Jasmay at Francisca pagkapasok sa simbahan. Nilahad nito ang kamay at maayos naman nila itong tinanggap at nginitian. Nakipagkamay pa sila sa mga nakakasalubong nilang kapatid sa pananampalataya bago umupo sa bakanteng upuan.


"Mga kapatid kinagagalak kong ipinakikilala sa inyo ang anak ko si Francisco Hem. Hahandog po siya ng awit para sa Diyos," ani Ginoong Ranell, na isa sa mga tagapagturo nila.


"Ate dumating na pala ang anak ni Ginoong Ranell," mahinang sabi ni Francisca sa kapatid.


Ngiting-ngiti itong bumaling ng tingin sa kanya. "Oo nga, dumating na ang tadhana mo."


Kumunot ang noo niya sa sinabi nito. "Ate Jas ano ba 'yang sinasabi mo, kinikilabutan ako saiyo."


"Kinilabutan daw kinikilig 'yan. Aminin, crush mo."


"Agad-agad?"


"Oo naman. Gwapo kaya siya, matangkad, matipuno, moreno, 'yon nga lang---"


"Shhh..." tinapat na niya ang hintuturo sa bibig. "Tahimik na, magsisimula na siyang kumanta."


Tinakpan na nito ang bibig at mahinang napahagikgik. Naiiling nalang siya sa inasta ng kapatid, minsan talaga hindi niya maintindihan ang ate niyang may pagka-isip bata.


Maganda ang boses ni Francisco, boses ng mala-anghel. Sa bawat bigkas nito ng mga salitang inaawit ay damang-dama ng mga nakikinig ang lungkot. Sinasabi kasi sa kanta na kahit tinalikuran kita nanatili ka pa rin sa tabi ko.


'God ibang klase ka talaga, kahit ang tingin ng iba sa amin ay kulang-kulang pero para saiyo binuo mo kaming perpekto. Patuloy mo nga kaming bigyan ng lakas ng loob at tapang na isagawa ang nais mo.' Yumuko si Francisca para punasan ang tumulong luha sa pisngi niya nagiging emosyunal na naman siya lalo na pag napapatingin sa mga paa niya. Walong taon na ang nakalipas pero sariwa pa rin sa isip niya ang nangyaring bangungot kong maituturing. Dahil sa pagiging rebelde nawala ang dalawang taong pinaka-importante sa kanya, ang ina at ang ama. Naaksidenti sila ng sinundo siya ng mga ito sa dinaluhan niyang party kahit malakas ang ulan. Dahil sa pagiging pasaway at pagsuway sa magulang kabilang na siya sa mga taong may kapansanan, putol ang isang paa. Saklay na ang gamit para makalakad siya. Nasa huli talaga ang pagsisisi.

KLPP 1ST WRITING CONTESTजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें