Entry #7

78 2 3
                                    

Journalof Forgotten 

ni NaNayumeh  

.....................................................................................................................

"Be it ever so humble, there's no place like home." __John Howard Payne

.....................................................................................................................

"One day, you'll build your own house but don't forget your old home. It's your first foundation." Ito ang mga katagang iniwan ng aming fifth-grade adviser nang magtanong siya kung ano ang pangarap ng ng isa kong kaklase at ang isagot nito'y, ang maging inhinyero raw paglaki.

"Ma'am! Parang kowts 'yang sinabi mo." bulalas ng isa.

"Anong house at home po? 'Yong bahay ba namin?" takang-tanong naman ng isa pa.

"Someday, maiintindihan niyo rin ang sinabi ko. At sana.. wag niyong makalimutan ito." Sagot ng teacher namin.

Naalala ko pang ipinaulit ko sa kanya ang mga salitang iyon upang maisulat lamang sa aking notebook.

Nang bata pa ako, nakahiligan ko na talagang magsulat ng mga iba't-ibang akda gaya ng mga tula at maiikling kwento, idagdag pa rito ang pagiging bookworm ko. Kahit anong libro na papasa sa panlasa ko at mag-iiwan ng kuryosidad sa akin—hindi ko ito palalampasin na hindi madaanan ng aking mga mata, kahit pa magkulong ako sa maliit na espasyo sa aming library.

At sa aking pag-uwi, hindi ko kailanman makakalimutang manghiram ng libro—makalimutan na lahat, wag lang ang aklat. Lalakarin ang halos sampung kilometrong daan, makarating lamang sa aming bahay. Pawang mga kakahuyan lang ang makikita sa aming daraanan—ilang sapa muna bago maabot ang kalsadang tuwid papuntang bahay. Ganito kalayo ang paaralan naming mula sa aming mga bahay. Ngunit matapos ang mahirap na daang binagtas—lahat ng iyong pagod ay matutunaw, kung sa iyong pagdating ay isang mahigpit na yakap at halik sa tuktok ng buhok ang isasalubong sa amin ni Mama. Lalo na kung makikita pa naming siyang may naihanda ng hotcake para sa meryenda. Amin naman nang papahiran ng mantekilya at—voila! Ready to eat na. Kasabay rin nito ang tinimpla niyang Milo—na nagiging three-in-one dahil sa aming tatlo—na dinagdagan ng asukal para tumamis. Tapos ay kukuwentuhan niya kaming magkakapatid tungkol sa kung anong nangyari sa bahay ng wala kami—gaya ng pagiging makulit ng alagang manok ni Sam na si Toggak, ang pagiging malambing ni Mingming—ang pinakamamahal kong pusa, pagpapakain sa mga alagang baboy niya, ang pagkakaroon nila ng meeting sa Barangay hall, at kung ano-ano pang mga pang-araw-araw na gawaing kanyang ginawa. Makikinig kami sa bawat kwento ni Mama at makikipagpalitan din ng opinyon, kahit kadalasan pa ay nauuwi sa katatawanan ang pinagsasabi namin ng dalawa ko pang kapatid. Ngunit hindi niya makakalimutang tanungin rin kami kung ano ang amin ding ginawa sa school—kung may quiz ba kami at lalong-lalo na ay kung may takdang-aralin ba kami. Ito ang pinakamasaklap na panahon sa amin—tuwing may takdang-aralin kami. Homework means no to watching television. Hindi na namin maaabangan ang koreanovelang lagi naming pinapanood at pinagpupuyatan—basta marunong kang magkunwaring tulog kapag nanonood sila pero may pasok kinabukasan. Pagkatapos sa meryenda, dapat na gawin na ang dapat gawin, bago pa ang mga homework—ang pinakaayaw ng halos lahat ng mga bata—ang maghugas ng mga pinagkainan. Hindi ko mawari kong bakit inis na inis kami sa paghuhugas, gayong ang dali-dali lang namang gawin. Minsan pa, pinapili kami kung paghuhugas o paglalaba—at talagang agawan pa kami ng kapatid ko sa paglalaba. Kadalasan pa naman, panganay ang nakatoka sa gawaing ito. At bilang isang anak na pasaway, nagbabasag pa ako noon ng mga baso kaya in the end—palo ang abot ko sa kanya, kasabay pa nang mala-machine gun niyang bunganga sa akin. Kaya mapipilitan talaga akong magpatuloy sa paghuhugas kahit abot-langit ang pag-aayaw ko. Tapos, makikita ko pang naghahagikgikan ang dalawa kong kapatid sa gilid ko, kaya nakakatikim sila ng kurot at sigaw mula sa akin—basta't nakatalikod si Mama sa amin. Kahit magalit pa siya, dibale't nakaganti na ako sa mga mapang-asar kong kapatid.

KLPP 1ST WRITING CONTESTWhere stories live. Discover now