Entry #13

57 2 1
                                    

KahitWalang Lechon, Basta May Suman 

ni LeksieCute 

Ang patuloy na pagsabog ng ginintuang araw na wari'y durog na durog na hiyas na walang kupas na kumikislap at naghahasik ng silahis nitong nakasisilaw na masilayan ay mahapdi sa patuloy na pagnuot nito sa balat samantalang ang simoy ng hangi'y tila hininga ng nilalagnat.

Matapos ang mahigit apat na oras na biyahe lulan ng bus ay nakarating na kami sa bayan ng Sta. Marcela, Apayao. Papunta kami sa bahay ng aming mga kamag-anak sa isa sa pinakasulok na baryo ng bayan para doon ipagdiwang ang Kapaskuhan. Wala ni isa sa aming kamag-anak doon ang may alam na darating kami kaya wala kaming inaasahang sundo. Kung kaya't, naghintay na lamang kami saglit ng masasakyan papunta sa aming destinasyon.

Kalahating oras na ang lumipas sa aming paghihintay pero ni isang tunog ng traysikel ay wala kaming marinig na umaalingawngaw sa paligid. Dahil doo'y, nagpasya na lamang ang aking Mama na lakarin ang daan patungo sa aming pupuntahan dahil baka abutin kami ng hapon kahihintay bago may dumating na masasakyan.

At nagsimula na nga kaming maglakad. Wala kaming dalang payong. Para kaming taga-Lungsod na sinisintensiyahan ang sarili sa maputlang sinag ng araw. Basang-basa na ng pawis lahat ng parte ng aming katawan habang karga-karga ang napakabigat naming mga bagahe—bag sa likuran at mga pasalubong sa magkabilang kamay. Lumipas ang dalawampung minuto at nangakalahati na raw kami sa aming nilalakad.

"Malayo pa ba tayo, Ma?" tanong ng kapatid kong si Gema sabay punas sa kanyang noong tagaktak na sa pawis.

"Baka sa paglalakad nating ito'y hindi natin alam nasa Antartika na tayo," pasunod ko ring hirit para naman mapawi kahit kaunti ang nararamdaman naming pagod. Naging epektibo naman iyon dahil napatawa ko ang aking mga kapatid, na siya namang nag-udyok sa aking Papa para magsalita.

"Huwag na nga kayong maingay diyan at maglakad na lamang ng mabilis para mas mabilis din tayong makarating doon," pasermon na sambit niya buhat-buhat ang nakakartong gulay na aming dala.

Napasimangot ako bigla sabay tapik sa balikat ng aking kapatid sabay senyas ng salitang, "Ikaw kasi." Sinimangutan din niya ako pabalik sabay palo naman sa aking braso. Kapatid nga naman!

Sa patuloy naming paglalakad ay tumambad sa aming paningin ang buhay at masiglang tanawin na sa mumunting paraan—sa pagtitig man lamang—ay napawi ng kaunti ang aming iniindang kapaguran. Unti-unti, isang malaking puno ng akasya ang nagbigay silong sa aming daanan at marahang-maraha'y ibinuka ko ang aking bibig para makiusap kay Mama.

"Pwede bang magpahinga muna tayo, Ma? Pagod na kasi ako. Time-out muna please at kumain muna tayo kahit kaunti," sambit ko habang makangiti. Huminto naman kami at namahinga sa preskong lilim ng akasya. Tinabi namin ang aming mga gamit at nilabas ang mga tinapay at biskwit na baon namin.

"Basang-basa na ang mga likod niyo, o? Hali nga kayo at lalagyan ko ng bimpo ang inyong likod," pag-aalala ni Mama sa aming magkakapatid.

Ganoon talaga si Mama, maalaga sa amin kahit mga binata't dalaga na kami. Kahit kailan hindi siya nagkulang sa pagpapadama sa amin ang kanyang paglingap, pagmamahal, at pag-aaruga kahit sa simpleng bagay lamang. Mula nang nadapuan ang aming bunsong kapatid ng dengue, mas pinagtuunan na niya kami ng atensiyon at ang aming kalusugan.

Sampung minuto rin kaming namahinga at tumuloy na muli sa paglalakad.

"Mag-aalas onse na! Mukhang matatagalan pa tayo," tugon ng aking Kuya sabay tingin sa kanyang relo na parang naiinip na rin kagaya namin.

"Oo nga. Sana ay makarating tayo doon bago mag- ala una para makapagtanghalian na tayo para hindi rin kayo malipasan ng gutom," pag-aalala namang tugon ni Papa. Likas ding maalalahanin at mapagmahal sa amin si Papa pero hindi niya masyadong pinahahalata.

KLPP 1ST WRITING CONTESTWhere stories live. Discover now