Entry #18

132 3 1
                                    

    Star Warden in the Family

ni StarlynChaser


Ilang taon narin ang nakalipas ng mangyari ang teorya tungkol sa labindalawang simbolo na matatagpuan sa mga bituin.

Mahigit tatlong taon na 'rin pala ng magkamali ako sa desisyon na pinili ko. Hindi ko man nais na mangyari 'yun, wala na akong magagawa kung hindi pagsisihan at tanggapin ang parusa ni Elder.

Ang mamuhay kasama ang mga mortal.

Hindi ko lubos matanggap na ganun ang magiging hatol sa kamalian ko. Ganun nalang ba kalaki ang pagkakamali na piliin ang sarili kong buhay kaysa sa buhay ng iba? Tama naman ako hindi ba? Mas mabuting piliin ang sarili mong buhay kaysa iligtas ang mga nakakarami. Isa raw yung pagtataksil sa aming tungkulin bilang Warden of Stars.

Kaya ayun, nandito ako ngayon sa mundo nang mga tao. Mundo na minsan hindi ko naisip na paghahantungan ko. Hindi raw ako makaka-balik sa Phantasm hanggat hindi ko matutuklasan ang leksyon.

Kaso, saan sa mundong ito ko malalaman ang sagot? O sino sa mga mortal ang makaka-tulong sakin kung ano nga ba ang dapat kong matutunan?

Wala akong kakilala, wala akong alam sa mundo ng mga nilalang na naka-palibot sakin ngayon. Sumasakit ang mga mata ko sakanila. Ang lilikot at ang---ang panget nila.

Nasanay na ako sa Phantasm na puro magaganda at kanais-nais ang makikita. Malinis at kahanga-hanga ang mga tanawin. Hindi katulad dito sa mundo ng mga tao. Washai!

"Hoy Aki!"

Nagulat ako sa biglang pagsulpot ng isang babae sa harapan ko. Hmmm.. Mayai. Siya pa lang yata ang magandang nakita ko. Pwede na. Hindi na rin masakit sa mata ang pagmumukha niya.

"Aki!"

Muli siyang sumigaw sa direksyon ko kaya lumingon ako sa aking likuran. Nahihibang na ba ang taong 'to? Wala namamg ibang nilalang ang nasa likuran ko kung hindi isang puno. Tinatawag niya ba ang puno? Ganito ba ang mga mortal?

"Ano ba Aki!" nabigla ako ng hablutin niya ang ang aking kamay at hatakin, "Anong nakain mo at nakiki-sali ka sa taping dun?"

Ako ba ang kinakausap niya? Aki? Hindi Aki ang pangalan ko. Ako si Cepheus.

"Sandali lamang taga-lupa." hinila ko pabalik ang aking kamay, "Nagkakamali ka yata ng iyong akala, hindi ako si Aki."

Nakita ko ang panlalaki ng kaniyang mga mata kasunod nun ay ang pagtawa niya ng malakas.

"Pauhamanhin." sabi ko at tinalikuran na siya. Nasisiraan na siguro siya ng ulo.

Pagka-talikod ko nagulat ako dahil ang mga malilikot na tao ay tila huminto sa kanilang kinagagalawan. Tila tumigil ang oras sakanila. Tanging ako at ang lalaking Papalapit saakin ngayon ang tanging gumagalaw.

Bumilis ang tibok ng puso ko ng makita ko siya.

Si Phoenix. Ang matandang humatol sa akin. Anong ginagawa niya dito? Nandito ba siya para sunduin ako?

"Cepheus." tawag niya kaya agad kong inilagay ang aking kamay sa aking dibdib at yumuko para magpakita ng paggalang.

"Tandaan mo ang mga bilin ko sayo. Sundin mo upang mamuhay ka ng ligtas sa mundo ng mga tao."

Hindi ako kumibo. Ang bilin niya nuong bago pa ako makarating dito ay huwag ko raw tatangkain na gamitin ang kapang-yarihan ko sa mundo ng mga tao dahil ikaMamatay ko raw ito.

KLPP 1ST WRITING CONTESTWhere stories live. Discover now