Entry #3

200 5 2
                                    

BYAHE

by Aisazura

Ibat ibang klase ng tao ang agad na bumungad sa akin pagkalabas ko mismo sa gate ng school. May estudyanteng nagtatawanan, may nagtitinda ng street foods, mga pasaherong nagrereklamo sa katagalan ng paghihintay ng jeep at iba pa. Agad naman akong tumabi sa gilid para maghintay ng jeep na sasakyan. Hawak hawak ang dalawang libro ay tahimik lamang akong nakamasid sa kani kanilang ginagawa. Ilang buntong hininga na rin ang nailabas ko dahil sa tagal ng paghihintay ng masasakyan. Hindi ako nakikipagsiksikan lalo pa't hindi naman ako nagmamadali. Ewan ko ba sa mga taong nandito, pakiramdam nila maaagawan sila. Kung tutuusin kailangan lang nilang maghintay pa. Maghintay sa sabay sabay na pagtigil ng jeep na masasakyan.


Sabagay, hindi ko naman sila masisisi. Nagawa ko na rin kasing makipagsiksikan nung araw na kailangan kong makaabot sa exam ko. Kasalanan ko naman kung bakit ako naghahabol ng oras. Hindi ko kasi namalayan na malapit na mag time noon at isa pa binabasa ko ang paborito kong libro imbes na basahin ang notes ko sa naturang exam. Yung akala nila na hindi ko magawang magmura ay nagawa ko mismo nung araw na iyon. Nainis ako dahil sa traffic. Naiirita ako sa dalawang magkaibigan na katabi sa jeep na ang lakas kong magkwentuhan, mabuti sana kung may saysay ang pinaguusapan kaso hindi. Puro kalandian lamang ang lumalabas sa kanilang bibig at hindi alintana ang katagalan na pagtigil ng jeep. Idagdag mo na din ang init ng panahon na halos hindi na ako makalanghap ng sariwang hangin. Nanonoot kasi sa ilong ko noon ay yung amoy ng mga kasama ko sa jeep. Sari saring amoy na mas lalong nagpabadtrip sa akin. Sa huli, wala lang din lahat ng pagrereklamo ko at sa paghihintay ko dahil nahuli pa rin ako sa pagkuha ng exam. Kahit sa ganoong mga bagay lang na nangyayari sa buhay ng tao ay may pahiwatig at may halaga pa din.


Kasalukuyan akong napatingin sa mga batang nagsisitakbuhan palapit sa nakatigil na jeep na nasa harap ko. Sa tingin ko ay nag aaral sila sa kalapit na paaralan ng elementarya. Mga bata nga naman oh!


"Dahan dahan!" sigaw ko sa dalawang batang babae na nakikipagsiksikan na. Biglang humarap ang isang bata sa akin at kumaway bago tuluyang pumasok. Napangiti na lamang ako ng makitang nakaupo na ito. Nakatutuwang isipin na sa edad nila ay kaya na nilang bumyahe na walang magulang. Naalala ko nung kaedad ko sila, hindi ko kayang bumyahe na mag isa. Kailangan nasa tabi ko si Inay o ang nakakatandang kapatid ko para maghatid at sumundo sa akin. Hindi ako papasok noon kung wala akong kasama papasok ng eskwelahan. Natatawa na lamang ako kapag naaalala iyon.


"Pauwi ka na?" narinig kong may nagsalita sa aking tabi. Nakangiting nakatingin siya sa akin at naghihintay ng sagot ko. Hindi lamang siya basta bastang babae, isa siyang Guro. Guro na hinahangaan ko. Noong nag aaral pa ako ng elementarya pangarap ko maging kagaya niya. Pangarap kong makasuot ng damit na sinusuot niya. Pangarap kong makapagturo sa kalapit na paaralan ng elementarya.


"Opo, Ma'am." magalang na sagot ko. Natawa ito sa aking sagot. Sa likod ng kanyang mga ngiti at tawa, may nakakalam ba ng totoong nararamdaman niya? Iniidolo ko itong babaeng nakatayo sa tabi ko. Sa kabila ng lahat ng pinagdadaanan niya ay nagagawa niya pa ding ngumiti at magturo sa mga estudyante niya na parang tunay niyang mga anak. Alam kong labis siyang nangungulila sa isang taong sobrang mahalaga sa kanya at sobrang mahal niya. Akala ko nga nung una madali lang maging guro eh. Kaso hindi pala madali. Bukod sa pagharap mo sa hirap ng buhay kailangan mong pahabain ang iyong pasensya sa tuwing nasa eskwelahan ka na. Paano kaya iyon? Ako? Hindi ko ata lubos maisip na mapahaba ang pasenysa ko lalo na kung makukulit ang mga estudyante ko. Lalong lalo na kung pulang araw ko. Siguradong maiirita ako sa kakulitan nila. Pero hindi rin maalis sa labi ko ang ngiti sa tuwing nakikita ko ang unipormeng suot nito at naririnig ang boses nitong malambing na siguradong ika'y makikinig.

KLPP 1ST WRITING CONTESTWhere stories live. Discover now