Entry #10

88 3 1
                                    

    SheCried

ni TheGirlLookingAtYou 


Huminga ako ng malalim nang mapagtanto ko na malapit na ako sa bahay.

Isang hakbang. Dalawang hakbang. Tatlong hakbang. Apat na hakbang. Limang hakbang. I closed my eyes before I open the door.

"Welcome to hell, A," I whispered.

"Ba't ngayon ka lang?" Nakakunot noong tanong ni Papa. Humakbang ako paatras. Nagsimulang manginig ang buong katawan ko. Lasing si Papa.

"Ngayon lang po kami pinauwi ng Professor na---" Hindi na niya ako pinatapos magsalita.

"Nagdadahilan ka na naman! Ang sabihin mo gumala ka!"

"Hindi naman ako gumala! Kung ayaw mong maniwala, edi 'wag!" Hindi ko na napigilan ang sarili ko na 'wag pagtaasan ng boses si Papa.

"Aba't sumasagot ka pa!" Nabigla ako nang mabilis akong hinigit ni Papa at sinakal. Napapikit ako sa sobrang sakit.

"Sasagot ka pa? May ipinagmamalaki ka na ba?"

"Anotonio! Bitawan mo si A!" Mabilis na dumalo sa'kin si Mama.

"Ma," nanghihinang bulong ko. Marahan niya akong niyakap.

"Ano na naman ba 'to, Antonio?"

Tinuro ako ni Papa. "Marunong nang sumagot 'yang anak mo! Paniguradong natutunan niya 'yan sa mga barkada niya!"

Do not fucking cry, A. Hindi ka pa ba sanay? Palagi naman niya 'tong ginagawa sa'yo. Do. Not. Cry. A!

"Hindi naman a-ako nagsisinungaling." Fuck tears! Why are you so stubborn? "Hindi naman ako gumala."

"Huwag ka na sumagot!" Nanggagalaiting sigaw ni Papa. Sinubukan niya akong hablutin ngunit agad siyang naharang ni Mama.

"Tama na, Antonio!" Humarap sa'kin si Mama. Lumamlam ang kanyang mga mata. "Pumasok ka na sa kuwarto mo." Tumango ako at tumakbo papasok sa kuwarto ko.

Sinuot ko agad sa tainga ko ang earphones at nagpatugtog ng malakas.

Ganito na lang ba palagi? Wala na bang pagbabago? Before I close my eyes, a single tear fell from my eyes.

Nagising ako nang maramdaman ko ang pagtama ng sikat ng araw sa mukha ko.

Wala sa sariling napahawak ako sa leeg ko. I can still feel his hands on my neck. I sighed. Be positive, A.

Pagkalabas ko ng kwarto nagkasalubong kami ni Papa.

"Buti naman gising na ang prinsesa," aniya. Pagak siyang tumawa.

Sa gilid ng aking mata, nakita ko ang paglapit ni Mama sa amin.

"A, kumain na tayo." Para bang may humaplos sa puso ko nang nginitian niya ako.

Walang umiimik sa amin habang kumakain kami. Kung wala ang mga kapatid ko, tiyak na lalangawin kami sa sobrang katahimikan.

As usual hindi kami hinatid ni Papa papasok sa school. Not because may trabaho siya, because may session na naman sila ng mga barkada niya.

Kumunot ang noo ko nang sinalubong ako ng isa sa mga manliligaw ko. May dala siyang mga pulang rosas.

"A, for you," matamis niya akong nginitian.

Hindi ko siya pinansin. Diyan naman magaling ang mga lalaki, sweet sa umpisa ngunit kapag tumagal na tiyak na magiging katulad din siya ni Papa. Masyadong pakitang tao!

KLPP 1ST WRITING CONTESTWhere stories live. Discover now