Entry #17

97 1 1
                                    

    Kahilingan 

ni Reisen 

"Pabili nga po ng tsokolate, nay, iyong cloud 9 po." Titig na titig ako sa matamis na pagkain habang kinukuha iyon ni aling Trina. Makakatikim din ako ng tulad sa kinakain ni Sharon.

"Otso, Ena." Napakamot ako sa ulo saka ko ibunuka ang kamay na may lamang piso.

"Lollipop na lang po, nay." Nahihiyang bawi ko. Matamis din naman iyon hindi nga lamang tsokolate.

"Kunin mo na, anak." Napatingin ako sa nakangiting mukha ni aling Trina at sa inaabot niyang pagkain.

"Salamat po, nay." Tuwang-tuwa kong sabi na halos ikapunit ng labi kong nakangiti.

"Mama, mama, may tsokolate po ako. Bigay po ni aling Trina sa akin." Lumabas sa maliit naming kusina si ina na may hawak pang sandok. Nakataas ang kilay at kala mo'y sasabak sa giyera sa kasamaang-palad ay sandok ang armas niya.

"Si Mama talaga, sandok ang baril." Nakangiti kong salubong dahil alam kong papagalitan na naman niya ako.

Ngunit hindi man lang ngumiti ito kaya napasimangot na lang ako.

"Mama, hindi ko na po uulitin." Napaiyak ako. Tumutulo ang uhog ko kaya marahan kong ipinunas ang damit kong uniporme.

"Itong batang 'to talaga, oo. Tahan na, 'nak, hindi naman kita papagalitan. Pinagsasabihan lang kita pero..." Marahan niyang idinampi ang hintuturo sa tungki ng aking ilong saka ako hinalikan sa pisngi. "Pero huwag mong sanayin ang sarili mo na mainggit sa mga bagay-bagay na pag-aari ng kapwa. Matuto kang makuntento. Siya, magmano ka na at magpalit ng damit."

Wala akong naintindihan kundi magmano at magpalit lang kaya iyon na lamang ang ginawa ko.

"Pa, may project po ako sa Filipino. Gawa raw po kayo ng family tree na may picture po tayo tapos lagyan daw po ng pangalan." Nakakakandong ako sa kanya habang nagkakape ito.

"Sige, Helena, may project ka pa ba?"

"Wala na po pero, Pa, gusto ko ng trak-trak. Si Macro kasi may ganoon, e, halos ingudngod niya 'yun sa akin noong hinihiram ko. Kaya nainis ako sinapak ko sa gilid ng ulo. Ayon nadapa."

Natawa si Papa saka nagsalita, "Helena, hindi ginagawa ng babae ang manapak saka, anak, kapag hindi ipinahiram 'wag mo nang ipilit. Magagalit ang Mama mo kapag sinabi ko sa kanya kaya behave ka para hindi ko sabihin, ha?"

"Opo."

"Pero, Pa, gusto ko rin ng bahay tulad nila. Iyong malaki saka maraming pagkain."

"Kakain na, Elisio, tawagin mo na si Helena bago pa lumamig itong ulam," boses ni Mama mula sa kusina iyon.

"Oo na, Cella," sagot ni Papa.

"Bayaan mo balang-araw magkakaroon ka rin nang ganoong kalaking bahay."

Pinuno nang masarap na halimuyak ng - iyong nasa dulo ng kamoteng- gumagapang – kamote tops ang ingles 'nun sabi ni Mama at may kasama pang bagoong at kalamansi saka meron pang tilapiang pinirito. Paborito ko lahat kaya mabilis akong naghugas ng kamay.

Akmang kukuha ako ng kanin nang sitahin nila ako.

"Pasensiya na po," hingi ko ng paumanhin saka pumikit para sa panalangin.

Kahit natatakam na ako sa ulam ay pinauna ko munang kumuha si Papa at Mama saka ako inasikaso nito pagkatapos.

Malalaki ang subo ko kaya't tinatawan nila ako.

KLPP 1ST WRITING CONTESTOnde as histórias ganham vida. Descobre agora