Bakit Nga Ba?

545 4 0
                                    

LAW

Normal lang ang pamumuhay ko dati.

Kakain.

Tutulog.

Papasok sa eskwelahan.

Kakain.

Tutugtog ng piano o gitara o violin.

Magdro-drawing o magpipinta.

Tapos uulitin ule, at kahit kailan man hindi ako nag-reklamo dahil masaya na ako sa ganoong klase ng pamumuhay. Kontento.

Ngunit, ng nakilala ko siya, nagbago ang takbo ng buhay ko.

Sa unang tingin, gaya siya ng ibang mga babae.

May emosyon.

May sariling isip.

May kaibigan.

May crush.

May pangarap, pero at the same time iba siya. Basta may something sa kanya na kakaiba at hindi ko maipagtanto kung ano ito.

Hindi naman siya stand out.

Hindi naman siya maputi.

Hindi naman siya gaanong katangkaran o kaliitan.

Hindi naman siya mayaman o mahirap.

Hindi naman siya sikat.

Kaya nga nagulat ako ng nahulog ako sa bangin na ang tawag ay ‘Siya’.

Ako na anak mayaman, ako na kailangan ng pedestal para maabot…

Bakit nga ba ako nahulog sa kanya? Anong klaseng gayuma ba meron siya at ang lakas ng tama niya?

Naakit ba ako sa mga mata niya? Sa mga labi niya? Sa ngiti niya? Sa lakad niya? O dahil ba…sa kontrata naming dalawa?

__________________________________________________

The Ram and The VirginWhere stories live. Discover now