PROLOGO

464 4 2
                                    

PROLOGO

Malamig…madumi…madilim at mabaho sa kwarto na iyon. May mga ipis, may mga malalaking daga at kung anu-ano pang peste na namumungad roon.

Tahimik ang paligid, at halos mabingi na sa katahimikan ang pigurang nasa isang sulok nito na kalunos-lunos ang kalagayan.

Wala na siyang iba pang saplot sa katawan maliban na lang sa manipis at gutay-gutay na t-shirt na suot niya, na umaabot hanggang sa tuhod. 

Yakap niya ang kanyang mga tuhod at kapansin-pansin ang mga sugat at ang nangingitim na balat nito na natamo niya sa mga di na mabilang na pagluhod sa monggo at nagbabagang uling.

Nangingitim rin ang kanyang mga mahahabang kuko dahil sa trabahong pinapagawa sa kanya. Maraming galos ang kanyang mga braso at hita na natamo niya mula sa barbed wire at mainit na bakal na hinahampas sa kanya ng kanyang inang sadista.

Kahit hindi mo makita ang kanyang mga sugat, bakas sa kanyang maamong mukha ang hirap na dinadanas niya sa ilalim ng bubong na ito, sa kamay mismo ng sarili niyang ina.

Simula nang mamatay ang kanyang ama sa giyera laban sa mga Hapones ilang taon na ang nakalilipas, wala ng dumapong ngiti sa mga labi niya. Wala na rin ang kinang ng kanyang mga mata. Lahat inubos ng kanyang ina na daig pa si Sisa. 

Nakapulupot ang isang mabigat at malamig na kadena sa kanyang kanang bukong-bukong, at tuwing naglalakad siya, tila ba malalim at makapal na putik ang sahig.

Tumunog ang kanyang tiyan na ang tanging laman ay isang lumang piraso ng tinapay at kalahating tubig, hindi gaya ng tiyan ng kanyang ina na ang laman ay pagkaing mayaman.

Tinignan niya ang mga kahon-kahon na mga bala na nakaimbak sa tabi niya. Inangat niya ang kanyang mga palad na nangingitim na dahil sa gun powder na kinakarga niya.

*CLICK!*

*CLICK!*

*CLICK!*

*CLICK!*

Bumilis ang kabog ng puso niya. Andito na naman siya…

Biglaang bumukas ang pinto ng silid at nasilaw siya sa liwanag na galing sa labas, kasabay ng masayang tawanan ng mga bisita ng ina niya, na walang kamala-malay na may 12-anyos na batang lalaki na nakakulong sa basement ng magarang bahay na ito na pinupwersang pagtrabahuin ng babaeng tinatawag nilang ‘Mabait’, ‘Maalala’.

“ANONG GINAGAWA MO DIYAN HA?! DIBA SABI KO TAPUSIN MO NA LAHAT ‘TO?!” bulyaw ng babae pagka-lock nya ng pinto.

Naramdaman niya ang malakas na paghigit ng babae sa kanyang makapal na buhok, at napatayo siya sa sakit.

“ANO?! NARINIG MO BA AKO?!” patuloy nito.

“N-n-n-narinig p-po.” Mahina at nauutal niyang sabi.

“ANONG SABI MO?!” Inumpog ng babae ang ulo ng bata sa pader na kinahihiligan nito at sumabog ang sakit sa likod ng ulo niya.

“Narinig ko po kayo!” pasigaw na sabi ng bata.

“Aba! Sinisigawan mo na ako ha?!”

*BAG!*

Inumpog na naman ng babae ang ulo ng bata.

“ANG KAPAL NG MUKHA MONG SIGAW-SIGAWAN AKO!”

*PAK!*

Isang malutong at malakas na tunog ng sampal ang umalingawngaw sa maliit na silid.

“G*GO KANG BATA KA!”

Hinila siya ng babae sa gitna ng kwarto sabay suntok sa kumakalam na sikmura.

“WALA KANG KWENTA!”

Tinuhod ang kanyang pagmamay-ari.

“INUTIL!”

“MALAS!”

“PANIRA NG BUHAY!”

Marami pang sinabi ang babae, at bawat baybay ng salita ay may kasamang suntok o tuhod.

Ininda ng bata ang sakit hanggang sa binitawan na ang kanyang buhok at iniwan siyang nakahandusay sa gitna ng sahig at duguan.

“MAHAL NA MAHAL KITA, DEMONYO KA, KAYA KO TO GINAGAWA!” sigaw ng babae sabay sipa sa tagiliran ng bata. Lumakad na patungo sa pinto ang babae.

Bumukas ang pintuan at agad rin namang sinarado ito ng padabog.

*CLICK!*

*CLICK!*

*CLICK!*

*CLICK!*

Nang naisarado na lahat ng lock at narinig niya na ang paglayo ng mga yabag ng ina, nagsuka siya ng dugo at umiyak na.

Ayoko na. Sawa na ako sa ganitong pamumuhay. Gusto ko ng kumawala!

Pinilit niyang tumayo, nang gagalaiti sa sakit at hapdi at ika-ikang lumakad pabalik sa kanyang sulok.

Umiikot ang paligid at lumalabo ang paningin niya. Bawat yabag ay parang tinutusok ng kutsilyo.

Mabigat…mahirap…mahapdi…ilang beses siyang nadapa ngunit pilit pa rin siyang tumayo hanggang sa nakadating na siya sa sulok.

Lumuhod siya at naghukay hanggang sa lumitaw na ang mga bagay na kakailanganin niya.

Ang mga bagay na magbabago ng buhay niya.

___________________________________________

Alam ko po umpisa pa lang ang harsh na kaya patawad po, at sana 'wag niyo akong ireport sa Human Rights Commission dahil bata pa po ako. 

Next year na lang pag of legal age na ako hehe.

Ano pong masasabi niyo sa Prologue? Masyado po bang brutal? Matabang? Boring? Kindly comment po para alam ko kung paano ko iiimprove ang storya.

Wag niyo lang pong sabihin na 'Okay lang' kasi po masasaktan ako ng lubusan! hehe joke lang :D Sa mga susunod po na UD, susubukan ko pong maging subtle para hindi masyadong brutal ang storya lalo na at may Romance eto ahe...

Please READ...VOTE...COMMENT and SUPPORT! Thank you, SALAMAT ^^ --Win

--end of transmission--

The Ram and The VirginTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon