Pangapat na Rason: Ang Kanyang Pagtaranta

99 1 0
                                    

Pangapat na Rason: Ang Kanyang Pagtaranta

ARIES

September 17, 2020

Classroom

17:00:01

Ai thank God! Nakaabot ako! Este kami pala.

Isip ko sa sarili ko pagkapasok ko sa room namin. Pinapark pa lang ni kuya yung sasakyan eh. Susunod na lang daw sya. Ewan ko nga kung bakit pinapabantayan ako ni papa kay kuya…ay oo nga pala, only daughter at bunso…

Dumiretso na ako sa upuan ko sa harap at halos lahat nagsi-tinginan sa akin.

Alam ko dapat ma-flatter ako dahil nakatingin sila sa akin ngunit hindi eh. Ang nararamdaman ko inis at hiya.

“Tignan mo si Aries o. Mukhang nag-swimming sa Burnham Lake. Basang-basa!

“Kaya nga eh. Baka sinamantala ang ulan para maligo. Wala kasing tap water sa bundok eh!”

Naririnig ko ang tawanan ng mga malalanding babae sa likod ko at tinignan ko sila ng masama, ngunit naka-ngiti.

“Hahaha! Ang lalakas ng boses nyo!” –ako

“Affected much?” sabi nung isang babae sa malanding boses.

“Natural. Ako lang naman ang Aries dito.” Sabat ko.

“Wag ka ngang makialam! FC!” sagot nung isa pa sa malanding boses rin.

 “Excuse me? Ako pa ang Feeling Close ngayon?” sabi ko, medyo naiinis na pero nakangiti pa rin.

Irap ang sumbat nila.

Hmmm. Maka-litanya nga kahit saglit lang.

“Alam nyo kasi, mga bubuyog, kung paguusapan nyo ang isang tao, siguraduhing nyong wala sya sa harapan nyo at mahina ang mga boses nyo. Kaya nga patalikod ang atake nyo ‘diba, para ‘di nila mahalata na sila ang pinaguusapan nyo?” litanya ko at inirapan na lamang ako muli nung mga babae sabay alis ng tingin sa akin.

Bakit, porke ba sa taas nang bundok ipinatayo ang mansion namin dahil ambitious sila mama at papa, ibig sabihin malayo na kami sa civilization? Kung tutuusin nga eh mas malakas ang signal dun, at isa pa, napakaganda ang view dun. As in buong ganda ng Baguio makikita mo at kung minsan natatanaw ko yung iba pang malalapit na lugar eh!

Tumingin na lang ako sa harap, iniiwasang mag imagine nang iba’t ibang paraan para mabura na sila sa mundo. (Hehe joke lang! Para maturuan lang sila ng leksyon!)

Pinikit ko saglit ang mga mata ko at huminga ng malalim.

I shivered unexpectedly because of the coldness seeping through my skin. I wrapped my arms around my body.

Sh-t! Dapat pala nagdala ako ng extra na sweater!

I shivered once again.

“Yan kasi, ang tigas-tigas nang ulo! Sabi ko kasi magdala palagi nang extrang damit!” may biglang nagsuot sa akin ng kanyang varsity jacket at ng lingonin ko iyon, si kuya Leo.

“Hmmph!” Sabi ko sabay zipper nung sweater.

“Pa hmmph-hmmph ka pa diyan! Akin na ngarud yan, para magka-pneumonia ka.” Sabat nya.

Oh ehm! Sino yung katabi ni Weirdo?!

Ehmeged! Ang yummy!

I want him!

Tch. Ang malalandi talaga!

Sinilip ko si kuya at sa halip na ngumisi sya dahil nga inaadmire sya, naka-bisungot sya.

The Ram and The VirginTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon