Mistletoe: The Ram and The Virgin's Christmas (Part Two)

86 1 0
                                    

LAW

December 24, 2020

11:00:00

SM

Hindi ko alam kung paano kami napadpad dito sa SM kung kanina lang nasa Burnham kami.

Pagkatapos kasi naming kumain, bumalik kami sa Burnham at uupo lang sana kami para magkwentuhan pero naging Snow Ball fight naman.

Buti kamo at medyo malinis yung snow at yung lupa dahil kundi…naku!

Pagkatapos ng Snow ball fight na initiate namin, pupunta na sana kami sa Cathedral para i-claim yung sasakyan at mag-heater pero nagutom na kami kaya sa SM na lang kami dumiretso. Dahil medyo maaga pa, kakaunti pa lang ang tao.

“O san tayo kakain, dear Prince? Ikaw namang pumili ngayon. Kaninang breakfast ako eh.” Sabi niya pagkaakyat namin sa walkalator.

“Hmm…gusto ko ng Hot pot. Dun tayo sa Mini Shabu-shabu!” rekomenda ko naman.

“Gusto mo?” patuloy ko at tumango siya sabay ngiti na rin.

“Gusto! Tamang-tama, medyo giniginaw ako.” Saad niya.

“Onga nu? Tara na ngarud!” sabi ko ng hinawakan ko yung malamig niyang pisngi sabay haplos nito.

Maya-maya umiinit na ito at pulang-pula na.

“Naah!!! Itigil mo na nga yan!” sigaw niya sabay alis ng kamay ko at akmang itutulak na uli ako ngunit inunahan ko siya.

Kinatch ko yung kamay niya at hinila siya palapit sa akin sabay akap ng mahigpit.

TUG-DUG! TUG-DUG! TUG-DUG!

My heart thumped inside my chest and I felt hers joining with mine. It was an unsteady beat at first but gradually, the sound of our heartbeats blended together.

“Arissa…” I mumbled in her hair and she looked up.

“Lawrence?” she asked, as she leveled her gaze with mine.

“Ipangako mo sa akin na hindi mo ako iiwan kahit ano mang mangyari. Sa tabi lang kita habambuhay. Posible yun diba?” patuloy ko at naramdaman ko ang paghigpit ng yakap niya sa baywang ko.

“That’s an order…” malumanay na sabi ko.

“Yes, my dear Prince. Asahan niyo po na parati akong andiyan sa tabi mo…habambuhay…” sabi niya at naramdaman ko ang pag-init ng batok ko kung saan inilagay niya ang marka ng kontrata namin.

Pagkatapos nun, bumitaw na kami sa isa’t isa at pumunta na kami sa second floor veranda kung saan ang Mini Shabu-Shabu na restaurant. Dito, ikaw ang magtitimpla at magluluto ng pagkain mo.

Umupo kami sa labas dahil puno na sa loob at buti nalang at dalawa lang kami kaya hindi kami nahirapang kumuha ng pwesto.

Agad dumating si Kuya Waiter at habang tinitake-down niya yung order namin na sinasabi ko, napansin ko na nakatitig lang siya kay Arissa habang nakangiti.

Something stirred within me and I found myself clutching the edge of the table tightly.

 “Kuya, narinig mo po ba yung order ko?” malamig kong sabi at tumingin siya sa akin, nakangiti pa rin.

“Opo sir, narinig ko lahat.” Sabi niya.

“Pwedeng pakiulit po?” pabalang na sagot ko at napansin ko ang tingin ni Arissa.

“Of course sir. Umorder po kayo ng isang seafood platter at beef platter, dalawang frosty hot choco and for dessert, dalawang slice ng Chocolate Moist Cake. Did I miss out anything?” he repeated and I heard Arissa snort a laugh.

The Ram and The VirginWhere stories live. Discover now