Pangatlong Rason: Ang Kanyang Pagaalangan

108 1 0
                                    

Pangatlong Rason: Ang Kanyang Pagaalangan

LAW

September 17, 2020

Harrison Road

16:45:00

‘Ikaw ang kasama buhat noon

Ikaw ang pangarap hanggang ngayon (hanggang ngayon), ooohh oh oh

Diba't ikaw nga yung reyna at ako ang 'yong hari

Ako yung prinsesang sagip mo palagi

Ngunit ngayo'y marami nang nabago't nangyari

Ngunit di ang pagtingin na gaya pa rin ng

da-ra-ra-rat-da dati

Na gaya pa rin ng

I gave a sigh and let the radio play. Tuwing naririnig ko kasi ang tugtog na iyan naalala ko si…I shook my head.

“Kuya Gary, pakipatay na lang po ang radyo.” Sabi ko at agad namang pinatay ni Kuya Gary, ang personal driver ko, ang radyo.

Binalot nang katahimikan ang loob ng sasakyan at tumingin na lamang ako sa labas. ‘Di ko rin naman makakausap si Kuya Gary dahil pipi sya, pero ‘di naman bingi. Ewan ko ba kung bakit ‘di sya makasalita. Pagdating nya sa amin, ayun, ang tahimik nya at ayon sa kasama nya, pipi daw si Kuya Gary ngunit di naman bingi at literate naman, kaya walang problema sa komunikasyon.

Patuloy na binaybay namin ang kahabaan ng Harrison Road at buti na lamang at hindi masyadong ma-trapik dahil kundi, naku baka late na naman ako at se-sermonan na naman ako ni Ma’am!

Ako nga po pala si Lawrence dela Torre, but you can call me ‘Law’, eighteen years old at isang second year college student sa cursong BMLS o Bachelor in Medical Laboratory Sciences or ‘MedTech’ in lay man’s term, at pumapart-time bilang model. I’m half-Filipino, half-French pero mas nangingibabaw pa rin ang ugaling Filipino pero sa looks, ang French features naman ang nangingibabaw.

Tubong Quezon City ako ngunit ng dumating ang pangyayaring nagbago sa takbo ng buhay namin, lumipat kami ng pamilya ko dito sa Baguio. Anak ako ng Presidente ng New Philippines, ang pinaka magaling na Presidente na nakilala ko, at ang pinaka mapagmahal na ama.  

Grabe, ang lakas ata ng ulan ngayon ah. Halos hindi ko na makita ang daan!

Patuloy pa rin ang pag-drive ni kuya at buti na lang at may heater ang sasakyan kundi ginaw na ginaw na kami. Nadaanan na namin ang Jollibee Harrison, at parang may kung anong supernatural force ang nag-dikta sa akin na tumingin doon ngunit hindi ko na pinansin.

Supernatural force, yeah right. Hindi ako naniniwala sa mga ganyan! Pati nga sa destiny eh, at soul mate! I’m skeptic. I need to see to believe.

“Kuya pakibilisan please. Baka masigawan na naman ako. Thank you po.”

Tumango si Kuya Gary at binilisan nya na ang pag-drive at sa wakas, nakadating na kami sa school. Dumiretso na kami sa tapat ng building ko.

September 17, 2020

Sa building ko

16:55:08

Nakangiti akong naglalakad papunta sa room namin dahil makikita ko ule ang pinaka mamahal ko na girlfriend. Third anniversary na namin at may dala-dala akong regalo sa kanya.

It's a very expensive charm bracelet with a heart pendant, and it was pink, her favorite color. Girly-girl kasi sya at kung tutuusin okay lang sa akin kasi madali lang syang hanapan nang gusto nya.

Inilabas ko na ang box sa bag ko at dumiretso muna sa CR para siguraduhing maayos ang mukha ko at jumingle na rin. Kaso naalala ko na wala pa lang salamin sa CR na iyon kaya umakyat ako sa susunod na palapag na off-limits daw sa mga estudyante. Ewan ko kung bakit pero hinayaan ko na lang.

Magsa-salamin lang eh! Alangang ipagdamot pa nila?

Inakyat ko na ang hagdan at napaka-dilim, buhat na rin sa makulimlim na panahon at dahil ang kaisa-isang ilaw lang na andun ay yung nasa may hagdan.

Kinilabutan ako pero pinabayaan ko na lamang at nilakad ang direksyon papunta sa CR.

Bago ang CR may isang kwarto na napakalaki ngunit bakante. Ayon daw kasi sa iba, may kababalaghan daw dun na nangyayari at nangyari kaya punong-puno iyon ng kung anu-anong bagay, at kung anu-anong kwento at parating naka-lock iyon, pero laking gulat ko nang makita ko na nakabukas na iyon, at madilim sa loob.

Biglaang lumamig ang paligid.

Nagdalawang isip tuloy ako kung pupunta pa ako sa CR at daanan ito o mamatay na lang ako sa UTI at dumiretso na sa room namin.

(O Law! Akala ko ba di ka naniniwala sa mga supernatural forces?)

[Di naman talaga!]

(Eh bat mo iniiwasan? ‘Di ba kababalaghan equals supernatural forces?)

[And so? Anong pinupunto mo, ha brain?]

(My point here is that, you call yourself a skeptic but you’re afraid that some kind of supernatural force that may or may not be, inside that room, would come and drag you to its realm.)

[Hmm… *deep in thought*]

“Sige pa…” mahina ang boses na narinig ko, ngunit dahil nga sa walang katao-tao roon, nag-echo ang boses at ito ay boses nang babae. Nanggaling ito mula sa kwartong iyon at tumindig lahat ng mga balahibo ko.

Holy sh-t! Ano yun? Sino yun?

Napatigil ako sa paglalakad at bumilis ang tibok ng puso ko.

Hindi Law, ‘wag kang matatakot. Imahinasyon mo lang yun.

Patuloy ang paglakad ko.

Patuloy ang paglamig ng paligid.

Patuloy ang pagtindig ng balahibo ko.

Patuloy ang pagsalita ng boses na parang ghostly moan.

Papalpit ng papalapit.

*CREAK*

*FOOTSTEPS*

*BLAG!*

________________________________________

Oops! Hanggang dito muna hehe :D So what do you think? Okay lang ba? Improve ko pa ba? Kindly comment and vote please, at support rin po hehe. Thank you! 

Nagbabalak po akong maglagay ng Christmas Special kaya wag po sana kayong maguluhan kung mula September, magiging December tapos babalik na naman sa September! Di bale po, maglalagay naman ako ng mga dates para organisado po. Muli, salamat and continue supporting TRATV :D --Win

--end of transmission--

The Ram and The VirginTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon