Pangsampung Rason: Yes, my prince

165 2 0
                                    

Pangsampung Rason: Yes, my prince

ARIES

Halos mabaliw ako sa kakahanap kay Lawrence. Paano ba naman, biglaang nag-cr bago 'to nangyari tapos ngayon di ko na alam kung nasaan siya. Naka-anyong tao na uli ako at halos suyurin ko na ang buong country club pero di ko pa rin siya mahanap.

Leche Law! AYAN MUN?! (AYAN MUN=SAAN KA NA?)

Nasa may garden na ako pero wala pa rin akong mahagilap na lalaking naka contacts at nakasuot ng itim na tuxedo na hapit sa katawan niya na emerald ang kurbata.

Hindi siya pwedeng mawala! Hindi!

Umupo ako sa bench sabay tungod at takip ng mukha, sinusubukang hanapin yung essence niya.

Lawrence, asaan ka ba? Please sana buhay ka pa, please, please, please!

"ARIZZA!" napaangat ang ulo ko ng marinig ko yung boses na yun, at yung pangalan na yun. Hinanap ko kung saan galing yun at kahit medyo dim, nakita ko na si Lawrence yun at papalapit siya sa akin. Relief washed over me and I jumped to my feet and tackled him in a bear hug, my arms wrapping the back of his neck, his arms wrapping around my waist.

Salamat! Salamat po! Sala-

Agad kong kinalas yung paghawak ko sa kanya. Bakit iba yung amoy niya? Parang matamis na may halong bakal at usok...

"Arizza, okay ka lang?" sabi nung niyakap ko kanina, at agad kong inalis yung pagpulupot ng braso ko sa leeg niya.

Hawak nya pa rin ang baywang ko pero bakit parang ang lamig?

"Arizza?" patuloy nung boses.

Arizza? Bakit naging 'z' yung 's' ko? Hindi ganun ang pagtawag niya sa akin ah.

"SINO KA?!" galit na utas ko sabay layo sa kanya. Hindi na sya nakahawak sa baywang ko pero bakit tila ba nakahawak pa rin siya sa akin?

Tumawa sya. "Anong 'sino ka'? Ako to, si Lawrence. Ang fiance mo." saad niya. Kaboses nya nga pero medyo mataas kesa sa usual.

"Tumahimik ka! Hindi ikaw ang fiance ko!"

"Aruts naman, Arizza, grabe ka kung makasalita neh? Nakakasakit ka na ah haha!"

Aruts? Arizza? Neh? Hindi ganun magsalita si Law! Ang aruts niya, awts, ang Arizza nya, Arissa at kelan pa siya nag-neh?

"Are you testing my patience?" malamig na saad ko at hindi na sumagot si 'Law'. Yumuko na lang sya at biglaang naglaho.

Bago ko pa sya mahanap, may humawak na sa baywang ko ng mahigpit, at pati na rin sa leeg ko, at bakit hindi ako makagalaw?!

"Tch. Memorized na memorized mo talaga siya ha. Biruin mo, pati pagsasalita niya alam mo. Tsk-tsk." sabi ng boses mula sa likod ko, at oo kaboses nga nya si Law pero sa halip na maging kumportable ako at ligtas, natatakot naman ako at kinakabahan.

Bakit di ako makagalaw?!

Tumawa kung sino man ang nakahawak sa akin at nagulat ako ng may naramdaman akong basa sa leeg ko, at saka ko pa lang napansin na dila pala ito, isang matulis na dila, as in literal na matulis, at sa sobrang tulis eh nakakaamoy na ako ng metallic na amoy.

May umungol at nabuhayan ako sa ungol na yun.

Sh-t! Hindi 'to pwede! Incubus tong kaharap ko!

"Nngh, napaka-sarap naman talaga ng dugo ng mga demonyong nasa upperclass. Nakakalasing..."

Sh-t!!! Ayan na, nararamdaman ko na yung epekto nung amoy niya. Sh-t, bat ang init ng pakiramdam ko?!

The Ram and The VirginWhere stories live. Discover now