Pangalawang Rason: Ang Kanyang Mga Alaala

185 1 0
                                    

Pangalawang Rason: Ang Kanyang Mga Alaala

“Mukhang may pang-gabihan ka na ha, Aries?” boses ni Kuya Leo at nawala na si Kuya Saranggola na naghihintay maload yung page.

“Hmm…give or take a few hours kuya. Mga midnight snack ko siguro ganun.” Sagot ko sabay tingin sa kanya. Tumawa siya.

“O, dahan-dahan. Ang mga mata at ngipin.” Paalala niya, sabay dila ng kanyang labi.

“Dapt ikaw ang sinasabihan ko niyan, kuya. Mukhang mas takam ka pa kesa sa akin?” biro ko at lumawak ang ngisi niya.

“Nakita ko rin iyon, mahal kong kapatid, at katakam-takam ang mga kaluluwang ganoon. Sariling ama, na siyang nagpalaki, nagalaga, nagmahal, nagbigay ng maayos na pamumuhay at tumulong sa kanya, papatayin dahil lang sa selos…” litanya niya.

Nagfu-fuschia na ang kanyang mata na parang sa pusa na ang itsura, at pinakita na rin niya ang kanyang matatalim na ngipin.

“Tch! Sa akin mo na siya ipaubaya kuya ah! Nakakain ka na kanina! Ako rin naman ah!” reklamo ko at tumawa siya.

“Okay, fine. Pagbigyan. Tutal, ikaw naman ang balak niyang tawagan mamaya. O, halika na…” saad niya sabay abot ng kanyang maputing kamay. Dahil sa puti nito, mas nag-stand out ang itim niyang mga kuko, and no, hindi po ito dahil sa nail polish niya.

Itim ang mga kuko namin dahil parte na iyon ng pagkatao namin, kaya dapat nagiingat kami.

Para hindi masyadong giveaway ang kuko namin, ginawa namin ang lahat ng makakaya namin para mapauso ang itim na nail polish and our efforts paid-off, at hanggang ngayon, wala pa ring nagdududa sa pamilya namin.

Kinuha ko ang kamay niya at hinayaan ko siyang hilain niya ako pataas.

“Suot mo nanaman yang fingerless glove mo sa kaliwang kamay mo ah? Wala ka bang balak alisin yan?” bulalas ni kuya pagkatayo niya sa akin.

“Thank you kuya! At wala akong balak alisin ito.” Sagot ko sabay taas nung kaliwang kamay na nakasuot ng itim na fingerless glove na abot hanggang sa siko ko. Ginulungan niya ako ng mata.

“Hindi ka pa uncomfortable diyan? Ang tagal na ng kontrata niyong dalawa ah?” sabi niya at bumuntong-hininga ako.

“Kuya, wala akong magagawa okay? Ang dami niya pang pinagagawa sa akin, at nakasaad sa kontrata na susundin ko lahat ng utos niya. Mabuti nga at pinayagan niya akong maki-kontrata sa iba eh, basta short term lang, kasi kundi, naku! Lumulupaypay na ako diyan!” pagtatanggol ko. and besides, malapit nang matapos ito. Malapit na.

“Dibale, September na, fall na. Unting tiis na lang maggl-gloves na tayo ng mas maayos. Hindi ka na maiingit sa kontrata ko.” Patuloy ko sabay kindat sa kanya.

“ Hay Aries! Bilib na talaga ako sa iyo…o ano, tara na?” pagyayaya niya sa akin.

“Ugh…kailangan pa bang bumalik ako roon? Tutal andito ka naman na, date na lang tayo kuya, sige na pleaaasssee!” reklamo ko.

“Yan din ang gusto ko sana kaso nga, alam mo naman na…pagkatapos na lang ng klase mo.” sagot niya.

“Ugh…fine…taralets…” bulalas ko at tumango nalang siya.  

“San mo ba pinark yung GSR mo?” patuloy ko sabay lagay ng earphones sa tainga ko. Nagsimula na kaming maglakad. Suddenly the song that came in jumpstarted my reminiscing.

Oh great…bakit ko pa kasi shinuffle?

(Now Playing: Dati by Sam Concepcion>>>)

Ohh oohh

The Ram and The VirginWhere stories live. Discover now