Pampitong Rason: Ang Kanyang Rebelasyon

72 0 0
                                    

Ayan, naka-recover na po ako sa Writer's Block! Ahehehe anyway, Happy 2014 po! 

____________________________________________

Pampitong Rason: Ang Kanyang Rebelasyon

LAW

September 17, 2020

20:00:00

the Mansion

“Mabuti’t nakarating ka na anak.” Bati ni mama pagkalabas ko sa built-in elevator na nanggaling sa basement.

Bago ko ipagpatuloy, ipakilala ko lang ang aking mga magulang. Si Mama Jeanette Dela Torre ay forty-eight years old, at isa siyang full-blooded French. Nagtratrabaho siya ngayon bilang interior designer sa iba’t ibang five-star hotel at kahit sa mga bahay ng mga artista.

Si Papa Richard naman ay mas matanda ng dalawang taon kay mama at siya ay noyping-noypi.Tulad nga ng sinabi ko, mapagmahal siyang ama at magaling na presidente.

Nagkakilala sila dahil sa hotel na kadalasang pinagpapahingaan ni papa na pinagtrabahuan ni mama nung sumasama si papa sa mga business trip ni lolo at dahil regular sila sa hotel na iyon, naging close sila. Ang dating sa hotel lang nagkikita ay lumalabas na rin para mag-date.

Syempre, tinuruan ni mama si papa ng French kaya fluent siya dito at tinuruan naman ni papa si mama nang Filipino kaya fluent din si mama. At ako? Filipino at English lang ako fluent. Saklap ano?

“Hi ma.” Bati ko sabay halik sa pisngi niya.

“Bakit po kayo nakaayos? May okasyon po ba?” tanong ko habang pinagmasdan ang paglagay ni mama ng diamond na hikaw niya.

“Nalimutan mo na ba anak?” tanong niya sa akin.

“Ang alin po?”

Tumawa siya.

“Yung debutant’s ball! Hay naku, ang bata-bata mo pa lang, ulyanin ka na!” biro niya at nanlaki ang mga mata ko.

“Damn, onga pala!” bulalas ko at sumimangot siya sa akin.

“What did I say about swearing inside the house?” she reprimanded.

“Ay sorry po.” Sabi ko sabay kamot ng batok ko.

“Okay lang. O siya, dali. Maligo ka na at magbihis! Time’s a-tickin’!” she exclaimed as she put on her diamond-studded necklace as well.

Tinakbo ko na pataas sa kwarto ko at dumiretso sa CR. In-on ko yung shower at agad naghubad.

Pagkatapos ng ilang minuto, naka-twalya akong lumabas sa CR at nakita ko na nakasabit na sa pinto ng cabinet ko yung suit at tie na isusuot ko.

Napabuntung hininga ako. Debutant's Ball, maraming mga eligible maiden, maraming kumpanya...

Hay, tyak ko may engagement sa agenda ngayon, at pusta ko ako yung soon-to-be-groom.

<<<REWIND

September 9, 2020

20:00:00

Baguio Country Club

“Ladies and Gentlemen, may I present the first son, and our birthday celebrant, Lawrence Dela Torre!” sabi nung MC at nagsipalakpakan ang mga tao nang tumungtong na ako sa entablado ng ballroom na ito, pilit ang ngiti.

“May I also introduce the first lady, and our celebrant's mother, First Lady Jeanette Dubois Dela Torre and of course, our president and a father, President Richard Dela Torre!” palakpakan uli.

The Ram and The VirginWhere stories live. Discover now