Panglimang Rason: Ang Kanyang Kagustuhang Kumawala

84 1 0
                                    

Panglimang Rason: Ang Kanyang Kagustuhang Kumawala

JAMES ROMUALDEZ

September 17, 2020

Romualdez Residence

18:00:01 

Pagkatapos ng klase ko sa Rizal, agad akong dumiretso pauwi at nagkulong sa kwarto. Nakadapa na ako ngayon sa kama, tinitignan ang Ipad na kanina pang nangtutukso sa akin.

Sariwa pa sa isipan ko ang mga sinabi ng demonyo na ang tawag ko ay ‘ama’ tungkol sa perpekto at may modong kambal ko na si Jeff.

Kahit patay na siya, si Jeff pa rin ang bukang bibig niya, si Jeff pa rin ang iniisip niya, si Jeff pa rin. Medyo tanggap ko na tutal ako naman ang may kasalanan kung bakit siya namatay eh.

Kung sana hindi ako nadala sa selos ko nung ten years old kami dahil mas malaki at mas maganda ang regalo sa kanya ng mga magulang ko, kung sana hindi ko siya itinulak sa hagdan, edi sana…

Galit kong pinunasan ang iilang nakatakas na luha mula sa mata ko, at humiga sa likod ko.

Ngayon ka pa lang magsisisi sa ginawa mo? Kung kailan, matatapos na ang pagtawag niya sa iyo na Jeff? Kung kailan matatapos na ang pag pwersa niya sa’yo na mabuhay bilang Jeff? Yun ba ang gusto mo? Yun ba?

May narinig akong boses na nanggagaling sa loob ng utak ko. Malumanay ito pero malamig. Nakaka-hypnotize. Napaupo ako sa kama.

Yung mga suntok na naaabot mo mula sa tatay mo kapag pinipilit mo na ikaw si James? Ang pagpapahiya niya sa’yo sa harap ng klase niya? Ang pagkadena niya sa iyo? Ang pagpilit niya sa ayaw mo? Ang pagkuha niya ng kalayaan mo? Tinanggap mo ba lahat ng mga iyon?

 <<REWIND

“Good evening po pa.” bati ko sa kanya sabay mano. Nakaupo siya sa silya sa hapagkainan habang binabasa ang dyaryo. Nangyari ito nung fifth death anniversary ni Jeff.

“Good evening Jeff, anak, kamusta ang school?” bati niya sa akin sabay ngiti.

Nagulat ako sa sinabi niya at nanigas ako sa posisyong iyon. Nakayuko habang hawak ang kamay niya.

“Jeff, okay ka lang ba? Bat namumutla ka?” tanong uli ni ama. Jeff.

“Tay, ako po si James.” Malamig na sabi ko sabay unat at pakawala sa kamay niya.

“Hay naku Jeff, wag kang magsabi ng ganyan. Ikaw si Jeff.” Tawa ni ama.

“Ako po si James tay. James, J-A-M-E-S.”

“Jeff, ano bang ilusyon iyan ha? Wala ng James dito. Patay na kambal mo diba?”

So ganun. Si James ang namatay at hindi si Jeff. Si Jeff ang buhay. Patay na ako sa ama ko.

“Tay! Kayo ata ang nagiilusyon! Si Jeff ang namatay, hindi ako! Ako si James! Ako ang buhay! Ako!” sigaw ko.

*PAK!*

Isang malakas na sampal ang tumama sa mukha ko. Nagulat ako ng tinignan ko si ama na nakatayo na, nakataas ang kanyang palad, at umaapoy ang mga mata sa galit.

Hindi na siya nakangiti ngayon.

“Hindi ikaw si James! Ikaw si Jeff!” patuloy niya at kinuyom ko ang kamao ko.

“PATAY NA PO SI JEFF! AKO ANG BUHAY, SI JAMES!” sigaw ko, at sinuntok niya ang sikmura ko.

Napaluhod ako sa sakit.

The Ram and The VirginWhere stories live. Discover now