Unang Rason: Ang Kanyang Pangitain

335 3 0
                                    

ARIES

Unang Rason: Ang Kanyang Pangitain

September 17, 2020

Burnham Park, Children’s Park

16:28:15

“Lakasan mo pa ang pagtulak! Dali!!!” the little girl, about eight years old,  who was playing on the swing set across me shrieked and the young boy older than her for a year immediately did what she asked for, and I simply stared at them, lost in thought.

Hay…buti pa sila puro laro lang ang iniisip…walang responsibilidad, walang prinoproblema sa buhay maliban na lang sa susunod nilang lalaruin mamaya, hindi gaya ko…

Oo, minsan sa buhay ko naging ganyan ako, ngunit…ah basta! Malalaman niyo na lang sa mga susunod na kabanata! (Hehe)

Bago ko ipagpapatuloy ang pageemo ko, magpapakilala muna ako. Arissa Jane Rodriguez po, o ‘Aries’ for short, at your service! Seventeen years old at second year college student na.

 Ang kursong kinukuha ko ay BA COM, Bachelor of Arts in Communications o ‘MassComm’ at sinasabi ko po sa inyo, mahirap po yan, lalo na sa school ko at lalong-lalo na at yung tatlong instructor namin sa mga major ay… (Dan-dan-dan-daaan, dan-dan-dan-daaan, insert lightning and thunder here…) ‘Terror!’

Ako ay may abot-baywang na uber sa unat na jet black hair na daig pa ang buhok ni Kim Chiu na ni-Rejoice at ni KC Concepcion na pinalmolive (at opo, natural yan.), golden brown eyes (natural po ule), morenang kulay at 5’5” ang height. Hindi ako maganda, at hindi naman ako pangit, katamtaman lang po ang itsura ko, madaling malimutan at dinadaanan lang.

Hindi ako masyadong napapansin dahil unang-una, simple lang ako manamit at pangalawa, hindi ako gumagamit ng kung ano-anung kolorete maliban na lang ang petroleum jelly para sa madali kong matuyuan na labi.

Kaso ang problema, napapansin ako, hindi dahil sa hitsura ko kundi sa…sa susunod na kabanata ule xD

May sikreto kasi ako, at hindi pa ako handing sabihin sa inyo. Hello, unang kabanata pa lang po ito!

Kaya kung gusto niyong malaman kung ano ang sikreto ko, abangan niyo ang mga susunod na mga kabanata.

Ako ang pangalawa at bunsong anak nila Mrs.Felicity Villegas Jaime-Rodriguez, isang fierce at on-the-top journalist as of this moment at Mr. Harvey Rodriguez, ang on-the-top businessman ngayon sa buong mundo.

Si mama ay forty-eight years old na at proudly pinay. Maganda sya, seksi at kamukha ko (pero mas matanda syempre!) at napakagaling magluto at magalaga.

Si papa naman ay fifty years old na pero hindi pa rin siya mukhang matanda at hindi pa siya tinutubuan ng ‘tabs’. Mabait rin siya at considerate pero tulad ng ibang mga papa, bantay sarado sa akin dahil nga ako ang nagiisang babaeng anak at bunso pa.

Ang kapatid ko ay si Kuya Leo James Rodriguez, twenty-three years old at ang pinakamagaling na forensic scientist sa buong mundo ule. Opo, ang pamilya ko ang pinakamagaling ngunit hindi kami masyadong nagyayabang ng estado namin dahil delikado po.

Kung titignan nyo kami ni kuya, halos di kayo maniniwala na magkapatid kami. Paano ba naman, kung ako unat ang buhok ko, siya kulot (pero bagay sa kanya). Kung morena ako, maputi siya. Ang tanging magpapakita na magkapatid kami eh pag tinignan mo ang mata nya. Pareho kasi kami ng kulay ng mata eh.

Unlike ako, gustong-gusto ni kuya na napapansin, gusto nya na inaadmire sya palagi at nilo-look up.

Whoosh! Ang haba ng pagpapakilala ko ah!

The Ram and The VirginWo Geschichten leben. Entdecke jetzt