Mistletoe: The Ram and The Virgin's Christmas (Part One)

139 1 0
                                    

Alam ko po huling-huli na ako sa pag-UD kaya patawad po! Dapat may isa pang Chapter bago itong Christmas Special pero hindi ko na po nahabol, kaya diretso Christmas Special na lang.

Even though it's already late (I hope not...) MERRY MERRY CHRISTMAS PO! 

Patawad po muli at ngayon lang 'to. Sorry po mga readers! Bawi na lang po uli ako next next week (dahil pupunta po kami ng Subic bukas...ahehe) Salamat po muli at pasensya na :D --Win

_______________________________________

ARIES

December 24, 2020
05:30:00
Rodriguez Residence

Sh-t! Ang ginaw! Inis na isip ko nang dumiretso ako kubeta upang maghilamos. Sarado pa ang mga mata ko at tila ba nananaginip ako dahil lumulutang pa ang ulo ko. Kahit walong gabi ko na itong ginagawa, hindi pa rin nasanay ang katawan ko sa ganitong routine.

“Mabuti naman at hindi ko na kinailangang gisingin ka.” May boses na nagmula sa likod ko at nang tignan ko sa salamin kung sino iyon, nakita ko si Lawrence na nakasandal sa pintuan ko, nakapamulsa at nakasuot ng itim na V-neck sweater na hapit na hapit sa V-shaped na katawan niya.

“Hay naku, Law! Kung hindi mo lang inutos sa akin ito malamang tulog pa ako ngayon!” inis na sabi ko habang inaalis ang muta sa mga mata ko.

Gashit! Buti na lang at nakatalikod ako sa kanya!

“Sabagay, naiintindihan ko naman. Hindi kayo nagsisimbang gabi pero sinecelebrate niyo naman ang Christmas. Ang nakapagtataka lang eh…” simula niya at nagsabon na ako ng mukha.

“Ang nakapagtataka…?” sabi ko sabay banlaw.

“Ang nakapagtataka eh, buti at hindi ka pa nasusunog tuwing pumupunta tayo sa simbahan…” sabi niya sabay tawa.

Natawa rin ako kaya may iilang tubig na pumasok sa bunganga ko.

“Kaya nga eh. Nakapagtataka…” sang-ayon ko. I reached out for my towel holder but then I realized my towel wasn't there.

“Ito o.” sabi niya at nagulat na lang ako ng may humawak sa balikat ko at inikot ako.

Sumunod na naramdaman ko ay ang malambot na twalya na pinapahid sa mukha ko.

TUG-DUG! TUG-DUG!

“S-salamat…” nauutal na sabi ko ng inilayo na ni Law yung twalya sa mukha ko at nagulat ako dahil malapit na ang mukha niya sa akin kaya kitang-kita ko ang pagka Hazel Brown ng mga mata niya, ang pagkatangos ng ilong niya at ang pag-angat ng kanyang mapupulang labi.

Tahimik lang siya habang pinagmamasdan ako at ng naramdaman ko na ang init ng pisngi ko, itinulak ko siya papalayo.

“Wag ka ngang masyadong lumapit sa akin! Amoy laway pa ako!” sabi ko at tumawa siya.

“Hindi ah, amoy lavender ka nga eh!” bulalas niya at mas uminit pa ang pisngi ko.

“Che! Doon ka na nga, maghahanda na ako!” sigaw ko, at aktong isasara ko na sana yung pinto ngunit hinarang niya yung paa niya.

“Bilisan mo ha, ito nalang pambawi ko sa nalampasan kong Misa de Gallo kanina, ayaw kong malate!” pahabol niya.

“Oo na, oo na.” inis kong sabi.

“Oh, and that’s an order, Arissa.” Patuloy niya sabay ngisi.

Kahit naiinis akong sabihin, sinabi ko pa rin.

The Ram and The VirginWo Geschichten leben. Entdecke jetzt