Pangwalo at kalahating Rason: Ang Kanyang...Katangahan? (LAW's POV)

62 0 0
                                    

Pagkatapos ng matagal-tagal na di pag UD, eto na naman po ako haha! Sorry po at natagalan dahil busy busy talaga kami. Pero since tapos na ang pagco-cover ng events at mga requirements, at ang tanging hadlang na lang ay ang Finals, UD po muna!

May readers pa ba ako?

Salamat po sa paghintay! Ito na po :D

____________________________________

Pangwalo at kalahating Rason: Ang Kanyang...Katangahan? (LAW's POV)

Nakatayo ako ngayon sa stage, nakatungod at ayaw tignan kung sino yung ikakadena sa tabi ko habang buhay.

“Andiyan na pala yung swerteng babae! Ladies and gentlemen, may I present ang unica hija ng Rodriguez Incorporated, Miss Aries Rodriguez!”

Rodriguez?

Napaangat ang ulo ko ng nabanggit ang pangalang iyon.

“Kindly come up here on stage and meet your soon-to-be-husband!” patuloy nung MC at nagpalakpakan ang mga tao.

Lumakad ako papalapit sa MC, nananatiling nasa likod niya at nang mahagilap ko ang mukha ng fiance ko, halos mapatalon ako sa tuwa. Nagsimula na syang maglakad sa pulang aisle.

Nakasuot siya ng itim na tube gown na abot tuhod ang haba, at may pulang sash na nakapalibot sa baywang niya. Dahil sa sash na iyon, mas naeemphasize ang hourglass shape nya, ang kanyang flat na tiyan at makurbang balakang.

Nakalugay ang abot baywang niyang buhok at palapit na sya ng palapit. Nang paakyat na siya, nagpakita na ako at nagmarka ang pagka-gulat sa mukha niya.

Nagsalubong kami ng tingin at halos tumigil na ang mundo.

I was drawn to her golden eyes and before I knew it, I was already approaching her, hand outstretched.

“Milady...” ngiti ko at pinulupot niya yung braso nya sa akin. Inescort ko siya sa gitna ng entablado.

“Nananagnip ata ako ah...” rinig kong bulong nya at napatingin ako sa kanya at nagulat ako kasi nakatingin rin sya sa akin. Namula siya at naramdaman ko rin ang pagakyat ng init sa mukha ko.

“Ako nga ata ang nananaginip eh.” bulong ko rin at hinaplos ko ang pisngi nya, na siyang ikinagulat namin.

“Ah-ah...ano...” nauutal na sabi niya.

Hay! Kahit kailan talaga nadadala ako sa pagiging inosente nya!

“Aww, ang cute niyo naman dalawa! I think we have a perfect couple right here! A round of applause please!” napatingin ako sa harap dahil sa sinabi ng MC at nagsimula na namang nagpalakpakan ang mga tao.

“Totoo na talaga ito ano? Hindi na ako nananaginip?” biglaang sabi niya sabay hawak rin sa pisngi ko.

“Uwaah! Ramdam ko yang balat mo!” natawa ako sa pahabol niya, sabay pisil sa pisngi ko. I flinched a little and she blushed again.

“Sorry. Naniniguro lang...” hiyang sabi nya sabay iwas tingin.

Natawa ako at kinuha yung kamay niya sabay pahawak ng pisngi ko na ikinagulat niya uli.

“Sige lang, kurutin mo uli para panigurado.” sabi ko sabay ngiti.

“Oo na, naniniwala na akong totoo ka.” sabi nya sabay ngiti rin nung ngiti nyang abot mata, ngunit sumimangot uli siya.

“Teka lang, paano yung girlfriend mo? Alam na ba niya?” biglaang tanong niya at nawala ang ngiti ko.

“Girlfriend?” saad ko.

“Oo si ano ngay...” patuloy niya sabay layo ng tingin.

“Wala akong girlfriend. Fiance lang ang meron...” sagot ko at tumingin siya sa akin. Kumindat ako sa kanya.

“At masaya ako at ikaw ang fiance ko.” bumalik ang ngiti ko at pati siya ngumiti na rin.

“The feeling is mutual. Pero talaga ha, wala kang girlfriend?” patuloy niya.

Hay kakulit! Kaya nga gusto ko to eh!

“Meron.” sagot ko.

“H-ha?! Hala alam na ba niya? Naku baka kutusan ako nun! Nakuu!!!” tarantang saad niya at di ko napigilang tumawa.

“Oo alam na niya, at paano ka makukutusan eh...”

Tumingala siya sa akin.

“...ikaw yun?” sabi ko sabay tingin sa kanya.

Prinocess nya muna yun bago siya nagsalita.

“Naks ha. Nauna yung engagement bago yung panliligaw.” saad niya sabay tawa. Napatawa rin ako.

“Naks talaga...”

The Ram and The VirginWhere stories live. Discover now