The Setting

318 3 0
                                    

--AUTHOR's NOTE--

Okay, alam ko po dapat hindi pa ako nagiinternet ngayon lalo na at second day palang ng PRELIMS namin at tatlo pa subjects ko ngayon (at unti pa lang narereview ko hehe. Bad Win-Win!) pero kailangan ko na pong ipost ito para tuloy-tuloy na po ang flow ng kwento.

So ang setting po ay sa Baguio year 2020, kung saan Seven years na ang lumipas mula ng nagbago ang Pilipinas. So anong pagbabago ang nangyari at paano? Si Aries po ang nagsasalita dito.

Nagsimula nang uminit ang usapan sa pork barrel na binubulsa di umano nang isang businesswoman at nang senado at iba pang opisyal ng gobyerno. Nung mga panahon na iyon, kinaya pa nang taumbayan.

Kaso ang sumunod na nangyari ay medyo mapinsala. Niyanig nang malakas na lindol ang Bohol na siyang ikinasira nang mga pook-pasyalan at magagandang tanawin rito, at pati ang karatig na lugar ay apektado rin nang mapinsalang lindol na ito na sinundan pa ng malalakas na after-shocks.

Wala pang isang buwan ay binayo naman ni super-typhoon Yolanda ang Leyte at marami na namang namatay dun. Parang Ormoc tragedy pero mas malala pa. Mas malala pa ito dahil may looting pang naganap at dahil hindi masyadong organisado ang gobyerno, nag kaaberya sa pagbibigay nang relief goods.

Hindi pa nagsawa si Mother Nature dahil nagpadala pa siya nang mapinsalang tsunami na nagsimula sa Manila Bay, at alam ko parang impossible iyon, pero nangyari talaga, at halos mabura na ang buong NCR. Halos dahil naiwan pang nakatayo ang mga historical places gaya nang Intramuros, Aguinaldo house at iba pa, pero the rest, ayun, naiagos.

Buti kamo at naging wais naman ang mga media at gumawa sila nang bunker house kaya nakaligtas sila.

Marami ring namatay roon. Halos buong populasyon ng NCR.

Hindi pa diyan nag-tapos. Biglaan na lamang nagbukas ang lupa sa CAR at nilamon ang mga bahay at establishimento na nakalagay sa mga tuktok ng bundok at buti na lamang at nakaligtas ang pamilya ko, dahil kundi, paano ko kaya maikukwento sa inyo ang mga nangyari, eh patay na ako?

Ano yan teh, poltergeist ang peg?

Marami pang nangyari at lahat yun ay sa iisang buwan lang naganap, pero syempre hindi minsanan. May isang limang araw na pagitan. Ang bait ni Mother Nature ano?

Akala namin tapos na lahat nang dumating ang unang linggo nang Disyembre ngunit nagulat kami nang biglaan na lamang nag-snow, at dahil hindi na naman prepared ang katawan nang iba, marami na namang namatay, at kasama sa mga namatay ang mga kapatid ni papa, pati na rin ang mama niya. Buti kamo at nakaligtas si mama, si papa, si kuya Leo, ako, si lolo at lola sa mother side, at ang pamilya nang kaisa-isang kapatid ni mama at kakambal niya na si Tito Ferio.

Lahat yan nangyari sa katapusan ng 2013, at kahit pitong taon na ang nakalilipas, hindi ko pa rin ito malimutan, kahit ten years old ako nang nangyari ang lahat nang ito.

Pagkasalubong naman namin sa 2014, inassasinate ang President, ang Vice-President at iba pang ‘di mapagkakatiwalaang tao sa gobyerno at nagkagulo na naman. Marami na namang nagpatayan para makuha ang posisyon at buti na lamang at narinig nang Diyos ang hinanakit namin at nagpadala siya ng isang taong maaasahan.

Naging centralized na ang kapangyarihan at naayos na naman ang Pilipinas, dahil na rin sa tulong ng ibang bansa.

Unti-unti itong bumangon at unti-unti ring nasanay ang mga tao sa bagong klima, at parang bumalik sa dati ang Pilipinas, menos ang mga buwaya at mga foreign investors.

Ang Pilipinas ay para sa Pilipino lamang at kung tutuusin, mas umangat ang ekonomiya.

Nilipat ang capital sa Baguio, at sa halip na rainy season at summer season ang meron sa atin, may Spring na rin na nagsisimula sa March hanggang May, Summer na nagsisimula sa June hanggang sa August, Fall na nagsisimula sa September hanggang November at Winter na nagsisimula sa December hanggang February. 

Mabuti na lang at mabilis tayong naka-adapt at normal na naman ang pamumuhay ng mga tao.

Siguro iniisip niyo ngayon na dahil dun ay babalik rin ang mga buwaya, ngunit diyan kayo nagkakamali. Hindi sila bumalik o nadagdagan dahil...

...pararparaan lang yan...

__________________________________________

Author here again! O, ayan na po ang nangyari ha, base po yun sa imahinasyon ko at hindi dahil sa isang vision o panaginip o pamitain o whatever na prediction. IMAHINASYON ko lang po yan. 'Wag sanang magkatotoo...hanggang dito na lang po muna. Next UD would be this Saturday, last day of exams! hehe Salamat po sa pagbabasa nito at sa paglalagay niyo sa RL niyo! --WIn

--end of transmission--

The Ram and The VirginWhere stories live. Discover now