Pangwalong Rason: Ang Kanyang...Katangahan?

69 2 0
                                    

Pangwalong Rason: Ang Kanyang...Katangahan?

ARIES

September 17, 2020

22:00:00

Baguio Country Club

“So ano, dito na lang tayo sa may garden Aries? Papanoorin lang kitang mag pace diyan hanggang sa mapudpod ang pencil heel ng sapatos mo, ganun?” reklamo ni kuya Leo.

Tinignan ko lang siya ng masama at tinuloy ang pag pace, habang hawak ng isa kong kamay ang baba ko tapos yung kabila naman nasa ilalim nung kamay kong nakahawak sa baba.

“Bakit biglaang bumaliktad yung tiyan ko? Wala pa naman akong kinakain ah...tapos 'di naman ako gutom. Nakuuu! May masamang senyales ito!” bulong ko sa sarili ng paulit-ulit.

“Sh-t naman. Sa tingin ko malapit ko nang makuha...”

“O, ayaw mo ba nun? After many years may De la Torre na naman na dadagdag sa koleksyon mo!” inis na sabi ni kuya at nairita na rin ako.

Sinugod ko siya sabay kwinelyuhan.

“KUNG ATAT KA NANG BUMALIK SA PARTY EDI BUMALIK KA NA! HINDI NAMAN AKO NAGPASAMA SA'YO HA! IKAW YUNG NAGPUMILIT! SH-T!” galit na utas ko at talagang nilapit ko pa yung mukha ko para ipadama sa kanya na inis na rin talaga ako.

“Bitiwan mo ako Aries.” malamig na saad niya at nagfu-fuschia na yung mga mata niya na parang mata na ng pusa. Literal na mata ng pusa.

Mas hinigpitan ko pa ang paghawak sa kanya at wala na akong pakialam kahit napunit na yung silk na elbow gloves na katerno nung gown ko ngayon dahil humaba na at tumulis ang kuko ko.

“SABING BITIWAN MO AKO!” sigaw ni kuya sabay hawak ng kamay ko at hinagis ako gamit lang ang isang kamay niya.

Buti at naagapan ko agad ito at sa halip na tumama ang ulo ko sa kalapit na puno, bumaliktad ako kaya ang tumama sa puno ay ang high heels ko.

Ginamit ko ang momentum nang pagkabato niya sa akin bilang pang-boost.

Nahawakan ko ang braso niya ng mahigpit at yung ang ginamit ko para ibato rin siya.

Naagapan rin niya ito kaya sa halip na mapahiga siya sa sahig, bumaliktad siya at ginamit niya ang kanyang mga paa bilang preno.

Nang tumigil siya at nawala na ang alikabok na umaangat dahil sa pag dausdos niya gamit ang kanyang paa, ganito na ang posisyon niya.

Nakaluhod ang kanan niyang tuhod at yung isa nakaangat. Nakalagay yung kaliwang kamay niya sa kaliwang tuhod (yung nakaangat), tapos yung kanan niyang kamay palm flat sa lupa.

“TANGNA ARIES! MAHAL TONG COAT!” sigaw niya ng makita niya na may claw marks na sa may bandang balikat. Malalalim na claw marks.

I smirked and straightened from my throwing position and he too, stood up. He removed his torn coat and threw it on the ground, his eyes never leaving mine.

“GUSTO MO NANG AWAY? FINE!” he shouted as he lunged towards me, right hand up, long sharp black nails out, ready to be used for stabbing.

My smirk widened and I removed my gloves with flair, exposing my long and sharp black nails as well, and the mark of my contract which was etched on the skin of the back of my left hand.

I charged as well and leaped up, and he as well. We were taking this fight in mid air.

Mga ilang minuto na siguro kaming naglalaban pero ni isa sa amin hindi pa pagod o pinapawisan, and so far, ang nasisira pa lang eh yung gloves ko kanina, at yung coat ni kuya Leo na napunit sa may bandang balikat nung itinapon ko siya kanina.

The Ram and The VirginTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon