Panganim na Rason: Ang Kanyang Hangaring Mabuhay ng Normal

81 0 0
                                    

Panganim na Rason: Ang Kanyang Hangaring Mabuhay ng Normal

ARIES

September 17, 2020

19:00:00

Rodriguez Residence

Tinakbo ko mula Romualdez Residence hanggang sa three-story marble mansion namin sa bundok, duguan ang damit.

Masyado kasing brutal yung pinagawa niya sa akin at ayaw ko nang maalala pa iyon. In the end, namatay rin siya dahil nga sa kontrata namin.

After a few minutes, I finally saw the hulking figure of our mansion and I immediately went to the back, where my balcony was located on the second floor.

I bent my knees and took deep breaths, and jumped. I landed at ease on my balcony and Kuya Leo stepped out from the shadows wearing a long-sleeved white polo shirt and slacks.

He was half-dressed for the occasion and when he took in my clothes he chuckled.

“Whoa. Ganyan kalaki yung galit niya?” bulalas niya nang nahagilap ng ilaw ng bilog na buwan ang suot ko. Ngumisi ako sa kanya.

“Kaya nga busog na busog ako eh…at pagod.” Pagyayabang ko.

“Haha. Halata nga. Mas maaliwalas ang mukha mo.” Pansin niya sabay ngisi uli.

Ginulungan ko siya ng mata at tumawa muli siya.

“O siya, sige. Maligo ka na at maya-maya aalis na tayo. Yung isusuot mo nakalatag na sa kama mo. ‘Di mo na kailangan mag make-up. Mag lipgloss ka na lang, tapos i-blow dry mo yang buhok mo at i-clip mo na lang yang bangs mo sa gilid. Yang pagka-shaggy ng buhok mo ang magdadala, tutal abot baywang naman na.” paalala niya at napatawa ako.

“Ano yan kuya, stylist na ba kita?” biro ko at tumawa siya.  

Ginulungan niya ako ng mata sabay sabi, “Hay naku Aries! Dapat magningning ka sa ball na iyon! Alalahanin mo, isa ang kompanya natin sa pinakamalakas dito sa Asya, kaya dapat ang itsura natin ang pinaka may dating, naiintindihan mo?”

Napabuntung-hininga ako. “Naiintindihan po…” sagot ko.

“Good. Now, maligo ka na at tumatakbo ang oras. Tandaan mo, alas-nuebe ha.” Pahabol niya sabay sampa sa tuktok ng railing ko.

“Opo kuya…”

Tumango siya at tinalon ang 6 feet apart na layo ng balcony niya mula sa balcony ko at mabilis siyang pumasok sa kwarto niya.

Ganyan kami rito eh, wala nang silbi ang mga hagdanan at pinto.

Umiling na lang ako at hinubad ang duguan kong damit sabay pasok ng mabilisan sa kwarto ko.

Dumiretso ako sa kasilyas at agad in-on yung running water. Hinulog ko yung damit ko sa laundry basket na nasa sulok at lumiyab ang basket.

Haist…menos na naman sa damit ko…

Pumasok na ako sa bathtub, at hinintay na mapuno ito.

Napabuntung hiniga ako. Katahimikan nanaman ang babalot sa akin...katahimikan kung saan nakakapag-isip ako ng matino.

Isang kaluluwa na naman ang nasa tiyan ko…kasama ang milyun-milyong iba pa…

[Di ba dapat masaya ka?]

(Masaya? Masaya? Paano ako magsasaya kung kapalit naman nito eh kalungkutan ng iba?)

[So? Ang importante ikaw ang masaya! Kaya dapat, wala ka nang pakialam sa iba! Demonyo ka diba?]

(Hindi yan magandang rason! Bakit, ginusto ko ba na maging demonyo? Hindi diba?!)

[Patawad Arissa, pero wala ka nang magagawa pa. Sumpa na yan ng pamilya niyo.]

(Wala na bang paraan para mawala ang sumpa?)

[Bakit gusto mong mawala ang sumpa? Dahil ba sa kanya?]

Napabuntung-hininga muli ako.

Siguro nung una, akala niyo gusto ko ang ganitong pamumuhay ano? Diyan kayo nagkakamali.

Lahat ng pinapakita ko sa harap ni kuya—paging masaya kung may nakokontrata ako, ngumingisi pag busog ako—lahat iyon palabas lamang.

Palabas lang dahil ayaw ko ng ganitong klaseng pamumuhay.

Oo, pumapasok ako sa unibersidad, oo may emosyon ako, may pangarap, may crush, pero alam ko na pampalipas oras lang iyon. Alam ko temporary lang yun…

Napapikit ako.

Makikita ko nanaman siya…siya na nagpatibok ng aking pusong bato…siya na naging rason ng paghangad ko na mabuhay bilang normal na tao…siya na naglayo sa akin sa mundo ng mga demonyo…

 ______________________________________________

Oha, Happy New Year po sa lahat! Ano pong New Year's Resolution niyo? Siya nga po pala, kamusta ang Christmas Vacation niyo? Hehe xD

Kamusta po ang Christmas Special, okay lang po ba? Paki-comment naman po kung ano ang naging saloobin niyo sa special na iyon, please po? Pleeaasee? Pati na rin po sa mga previous chapters, comment naman din po kayo. It would really mean a lot to me, so please please please comment! 

Continue supporting TRATV please, tapos Vote na rin po, thank you :D --Win

--end of transmission--

The Ram and The VirginWhere stories live. Discover now