Prologue

126K 1.6K 37
                                    


"Here.." sabay abot ng isang folder ng Editor-in-chief ng publishing company na pinapasukan ni Adie sakanya.



Binuksan niya ito at may nakitang isang profile ng isang lalaki. Nagtatakang tinignan niya si Ms. Alex, ang editor-in-chief.



"Ano 'to,Ate?" nakakunot-noong tanong niya rito.



Hindi alam ng mga katrabaho niya sa kompanya na close sila ng editor-in-chief nila na si Alexandra Lagdameo. Girlfriend ito ng kuya niya na si Adrian Luis Martin.



"Your new project." sabi ni Alex na nakatingin na ngayon kay Adie.



"Project? Ano'ng kinalaman ng lalaking ito sa project na hinihingi ko?"



"Look Adie, kapag nagawa mo itong project na ito matutupad na 'yung pangarap mong lumahok sa International Conference na gagawin sa New York."



"Bina-black mail mo ba ako Ate Alex?" naiinis na sabi niya rito.



"Kung iyon nga ang tawag sa ginagawa ko, then oo. All you need to do is interview him. Ano ba ang mahirap doon?" masayang sabi ni Alex sa nakasimangot na si Adie.



Adrienne Marie Martin. Matagal naring nagtatrabaho ito sa kompanya ng pamilya ni Alex. In fact, napakagaling nito sa pagsusulat kaya nga literary writer nila si Adie. Dahil magaling ito sa mga poems and stories. Pero this time, iba ang ipinagawa niya rito. Dahil naniniwala siya na sa determinasyon ni Adie, magagawa nito ang ibinigay niyang project rito.



"Mahirap? Ate Alex, hello! Literary writer ako. Hindi ako isang showbiz reporter para lang makakuha ng scoop sa lalaking ito." hysterical na saad ni Adie.



"Boss mo parin ako Adie. Now, I'll let you choose. The Press Conference in New York or Bye-bye New York?"



Alam ni Adie na wala na siyang choice. Alex knows her well. Matagal na niya itong kinukulit na siya ang isama nito at ng Managing Editor sa Conference na iyon sa New York. Bakit kasi siya pa naatasan ng baliw na Editor-in-chief nila sa project na ito.



"May choice pa ba ako?" dismayadong sabi niya.



"Wala.. kaya nga alam ko na hindi mo ako bibiguin. Well, Adie..three months pa naman ang lipad natin sa New York kung sakaling magagawa mo iyan. Goodluck!"



Tinanguan nalang ni Adie si Alex at lumabas na sa opisina nito hawak hawak ang folder na naglalaman ng profile ng lalaking nagngangalang Marco Dame Montello.



-------------------

Follow me! @kendeyss (Twitter/Instagram/Ask.fm)

A Love to Report [Fin]Where stories live. Discover now