Eighteen

67.8K 1.2K 27
                                    

Kararating lang ni Marco sa bahay nina Jeremie at Colyn. Tinawagan siya ni Vin at sinabi ngang magkikita silang magbabarkada sa bahay ng mag-asawa.

Pagkababa niya ng kanyang kotse ay sakto namang kararating lang ng kotse ni Erin. Hinintay niya itong makapagpark ng maayos at bumaba.


"Ano'ng meron?" agad na tanong ni Erin sakanya habang inaayos nito ang nagulong buhok.


"Hindi ko rin alam. Baka may bagong trip nanaman ang mag-asawa. Pumasok nalang tayo." Anyaya niya rito.


Sabay silang pumasok sa loob at naabutan na halos lahat sila ay naroon na, pwera nalang kay Mico.


"Saan na si Mico?" tanong ni Erin habang binebeso sila Mitch at Colyn.


"Ang sabi niya, malapit na raw siya." sagot ni Dylan.


"Maniwala naman kayo dun sa sira-ulo'ng iyon. Kapag sinabi nun na malapit na siya, naliligo palang iyon." Komento ni Marco na agad namang sinang-ayunan nina Vin, Jeremiah at Dylan at nagtawanan silang lahat.


Kumakain na sila sa hapag nang bigla nalang sumulpot si Mico na maduming-madumi ang shirt at pawis na pawis.


"Ano'ng nangyari sa'yo? Na-rape ka ba ng baboy ramo?" tanong ni Vin rito na ikinatawa ng lahat pwera kay Mico..


"Oo, ang sarap nga eh. Gusto mo i-try?" Paasik na sabi ni Mico. Agad itong umupo sa tabi ni Colyn at nagsimulang magsandok ng kanin.



"Eeeww!! Umalis ka nga diyan! Ang baho baho mo! Tsaka.." inilapit ni Colyn ang ilong nito kay Mico at suminghot singhot. "Alis! Tsupi! Masyadong matamis yung amoy mo! Nakakasuka!" sunod-sunod na reklamo ni Colyn.

Itinaas naman ni Mico ang magkabilang kili-kili at inamoy iyon.


"Hoy, Colyn! Ang yabang neto! Hindi naman ah? Oo, mukha akong gusgusin at dugyot ngayon pero mukha lang! Hindi amoy!" balik reklamo naman ni Mico rito.


"Basta ang baho! Jeremiah! Palayasin mo itong unggoy na ito sa tabi ko kung hindi wala kang kama mamaya!" banta ni Colyn sa asawa na natatawa.


"Bro, kay Marco ka nalang tumabi. Nagmamakaawa ako sa'yo." natatawang pakiusap ni Jeremiah kay Mico.



"What gives Col? Para kang buntis.." natatawang sambit ni Erin habang nginunguya ang manok na kinakain niya.


Agad na nanlaki ang mga mata nila at ibinaling ang atensyon sa mag-asawa na nakangisi ng malaki.


"OH MY GOD! YOU'RE PREGNANT!" Tili ni Mitch na ikinatawa ni Colyn.


"SURPRISE!" sigaw nito na ikinasaya nilang lahat. Kaya pala nag-iba ang kilos nito kay Mico. Kawawa naman si Mico, napagbuntunan ng kaartehan ng isang buntis.


Naging masaya ang kanilang lunch slash celebration dahil sa pagbubuntis ni Colyn sa unang anak nila ni Jeremiah. Tignan mo ang mokong na iyon naka-shoot na!


Nagkekwentuhan na sila ngayon sa may sala. May sariling kwentuhan ang mga babae habang ang mga lalaki naman ay kinakantyawan na si Jeremie.


"Grabe tatay ka na?!" hindi makapaniwalang sambit ni Mico na ngayon ay bagong paligo na. Nanghiram ito ng damit kay Jeremie at nakiligo.



"Magiging tatay palang Mico! Bobo nito!" sabi ni Dylan na pati siya ay natawa.


"Gago ka po!" sabi ni Mico.


A Love to Report [Fin]Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ