Twenty-seven

68.7K 1.2K 45
                                    



Ten am palang ay nasa coffee shop na si Adie. Ang usapan nila ni Marco ay mga eleven thirty pa sila magkikita pero tila ba hindi siya mapakali sa condo unit niya kaya naman mas minabuti niya nalang na agahan nalang ang pagpunta.


"Adie?" Tawag sakanya ng isang pamilyar na boses.


"Mel?" Nakangiti niyang pagkilala sa babaeng nasa harapan niya.


"Ikaw nga! Kamusta ka na?" Masiglang bati nito sakanya.


Tumayo siya at sinalubong ang yakap nito. "Ayos lang naman. Halika, umupo ka muna." Aya niya rito.


Naupo naman ito sa tapat niya.


"Ano'ng ginagawa mo pala dito?" Tanong niya rito. "Gusto mo ng coffee? Cake?" Alok niyang muli.


"No thanks. Tapos na ako. May kinatagpo lang ako kanina dito." Sagot ni Mel sakanya.


Tumango-tango naman siya. "Ah, date ba iyan?" Panunukso niya sa babae.


Natawa naman ito bahagya. "Hindi ah. Work related iyon." Sagot nito sakanya.


Maski siya ay natawa narin sa pagiging intregera niya rito. "Sorry, binibiro lang kita." Nakangiting sabi niya.


Pinalo naman nito ng mahina ang braso niya. "Eh ikaw? Bakit ka nandito? Siguro may date ka rin, ano?" Tudyo nito sakanya.


"M-Meron nga." Nahihiyang sagot niya na ikinatawa nalang nilang dalawa.


"Sino?" Excited na tanong nito. "Ay! Siyempre hindi ko rin kilala,ano?" Sabi ni Mel.


Nangiti nalang siya rito. Kung alam lang niya. Kilalang-kilala nito ang ka-date niya. Pero siyempre hindi na niya iyon sasabihin. Ayaw niya ng maraming tanong tanong pa.



Nagkwentuhan lang sila dalawa hanggang sa hindi nila namalayan ang oras.

Naputol ang pag-uusap nila ng biglang tumunog ang phone niya.

"Sandali lang ha?" Hinging-paumanhin niya kay Mel na tumango naman sakanya.


"Hello?" Sagot niya kay Marco.

"Nandiyan ka na ba?" Tanong nito.


"Oo, nandito na ako."


"Okay, wait me. Pababa na ako ng building."


"Okay. Bye."


Binaba na niya ang telepono at binalingan na si Mel na may katext naman sa sarili nitong telepono.


"Uhm, Adie? I have to go. Emergency sa work." Sabi naman ni Mel sakanya habang patuloy parin sa pagtipa sa phone nito.



"Ah, ganoon ba? O sige sige. Salamat sa kwento mo." Masayang sabi niya.


Tumayo na silang dalawa at nagyakapan.


"Thank you rin. Ang sarap mong kausap. Next time ulit. Sayang hindi ko makikita ang ka-date mo. Kasi naman itong work ko eh." Naiinis na sambit nito.


"It's okay. I know how it feels." Nakangiting sabi niya rito.


"Sige, I have to go. Goodluck sa date mo! Bye!" Hinalikan siya nito sa pisngi at kumaway na sakanya.


"Bye!"

Bumalik na si Adie sa pinagkakaupuan niya kanina. Sakto naman dahil wala pang limang minuto na kaalis ni Mel ay siya namang dating ni Marco.


A Love to Report [Fin]Where stories live. Discover now