Thirty-three

68.9K 1.3K 79
                                    

Hello kay @kayeballeta8!
Thank you for reading my stories! Hart hart!

-----

Mula sa kanyang kwarto ay dumiretso si Marco sa bintana at hinawi ang kurtina bahagya. Pinagmasdan niya si Adie nang pumasok ito sa sariling kotse at mabilis na pinaandar ang sasakyan.

Napapikit siya ng mariin at inalala ang naging resulta ng pag-uusap nila kanina. He didn't mean to say that to Adie. Gusto niyang sabihin na wala siyang pinagsisisihan pero hindi lumabas sa bibig niya iyon.


Gustong-gusyo niyang bawiin at yakapin si Adie kanina pero pinigilan niya ang sarili. Dahil hindi niya parin itatanggi na labis siyang nasaktan sa ginawa nito. He's not mad anymore. But he's hurting still.

Biglang may kumatok sa pintuan niya at iniluwa nun ang kanyang ina.

"Are you okay?" Tanong nito sakanya pagkalapit.

"No,ma. I'm not okay." Amin niya sa kanyang ina.

Bigla naman siyang niyakap ng kanyang ina at hinaplos ang kanyang buhok. Parang dati lang, parang noong bata pa siya. Ganito ang ginagawa ng mama niya para lang maibsan ang sakit na nararamdaman niya noon dahil sa inis at galit niya sa mga media at trabaho ng kanyang mga magulang dahil ito ang mga naging kaagaw niya sa oras na dapat sakanya inilalaan ng magulang niya.

Pero heto siya, at bumalik sa mga bisig ng kanyang ina dahil sa nasasaktan siya. Nasasaktan siya gawa ng isang babaeng mahalaga at gusto niya at ang mas masakit ay dahil isa ito sa pinaka-ayaw niyang tao sa mundo.


"I know you'll do the right thing, anak. Kung naguguluhan ka sa gagawin mo, lagi mo lang tatandaan na piliin mo kung saan ka magiging masaya." Makahulugang sabi ng kanyang ina na itinatak niya sa isip at sa puso niya.

-----

"Happy Birthday to you! Happy Birthday to you! Happy Birthday.. Happy Birthday.. Happy Birthday to you!" Kanta lahat ng bisita sa unang kaarawan ng kambal nina Dylan at Mitch na sina Dami at Isaac.

Nakangiting nanunuod at pumapalakpak lang sila habang pinapanuod ang pag-ihip ng kandila ng kambal.


"Haay, eight months pa tayo maghihintay,hon." Sabi ni Jeremiah na inakbayan ang asawang si Colyn.


Natawa naman si Colyn at hayun nagkaroon nanaman ng sariling mundo ang mag-asawa.


PAGKATAPOS ng party, ay natira nalang silang magbabarkada sa bahay ng mga Ford para mag-inuman at makapagkwentuhan pa raw sila.

"Oh, nasaan na ang kambal?" Tanong ni Vin sa kalalabas lang na mag-asawang sina Dylan at Mitch.


"Nandoon kay Lola Marga. Buti nga may babysitter ang kambal." Biro ni Dylan.

Siniko naman ito ni Mitch. "Lola mo iyon, Dylan."


"Joke lang." Nakangiting sabi nito sa asawa.

Sunod na lumabas sa pinto ay sina Mico at Erin na may dalang alak at pulutan nila.

Puno ng tawanan ang grupo nila. Pero si Marco ay nakangiting nakikinig lang sa mga reklamo ni Mico sa buhay at sa mga pang-asar naman ni Erin rito.


"Palibhasa kasi mukha kang kalabaw kaya ka napagkamalang magsasaka! Hahahahaha!" Kantiyaw ni Erin kay Mico na lukot na lukot na ang mukha.


"Pasalamat ka mukha kang babae kaya hindi kita mapatulan!" Inis na bulyaw ni Mico rito.


"Ano'ng sabi mo, kalabaw?!" Tumayo si Erin at akmang sasabunutan si Mico pero buti nalang nayakap ito ni Vin sa bewang at iniupo ulit sa tabi nito.


A Love to Report [Fin]Where stories live. Discover now