Six

72.7K 1.4K 59
                                    



Pangalawang araw na ni Adie sa trabaho niya kay Marco. Six thirty palang ay nandito na siya sa desk niya. Nag-iinternet siya ngayon at nagreresearch kung paano magtimpla ng kape para sa isang demonyong boss niya.

Oo demonyo! Paano ba naman kahapon, bigla-bigla nalang siya nito binulyawan dahil daw may balak daw siyang patayin ito. At hindi pa nakuntento, pinainom sakanya ang kapeng ginawa niya, eh hindi nga siya umiinom ng kape. Hilo ba siya? Kaya nang tanggihan niya ang nais nitong ipagawa sakanya, hayun at inutusan siyang bumili ng black coffee sa Figaro sa tapat ng building niya.

Unang araw palang niya iyon! Ano pa kaya ang sakit sa ulong idudulot nito sa kanya sa susunod pang mga araw?

Huminga siya ng malalim at binasa ang nakasulat na nakita niya sa google. Tinandaan niya iyon at mabilis namang tumatak sa isip niya iyon. Saktong seven am dumating na ang demonyo. Nakasuot ito ng isang black na long sleeve polo na nakarolyo hanggang sa siko at isang cream pants.

"Good Morning demo--I-I mean sir!" bati niya.

Lumingon lang ito sakanya at mabils na binawi ang tingin at dire-diretsong pumasok sa opisina nito. Nang nakatalikod ito sakanya, inumbangan niya ito ng suntok pero ang hayop biglang lumingon!

"What are you doing?" seryosong tanong nito sakanya. Gosh! Bakit ganyan ang boses niya? Napakababa pero nakakapangilabot!

"Ah..wala ho sir! Nag-iinat inat lang.." at sunod sunod na pagii-stretch ng mga braso niya ang ginawa niya sa harap nito.

Kumunot ang ulo ni Marco mukhang nawi-weirduhan pa ata sakanya ito.

"Coffee. At Adie, utang na loob, huwag kang excited sa paglalagay ng asukal." may halong iritasyon sa boses nito na siguro naalala ang matamis na kapeng nagawa niya para dito kahapon.

"Yes sir!" nakangiting saludo niya rito.

Pumunta na siya sa mini kitchen ng floor na iyon at kumuha ng isang tasa at kutsarita. Inalala niya ang nakalagay sa internet na nabasa niya at sinunod iyon. Ngayon, isang kutsarita lang ang inilagay niya sa kape nito. Nako, kapag nagreklamo pa ito sasapakin na talaga niya ang boss niyang iyon.

Dahan-dahan niya iyong dinala sa opisina ni Marco. Kumatok siya ng marahan.

"Come in." sagot nito mula sa loob.

Binuksan niya ang pinto ng opisina nito at nadatnan niya ito sa harap ng electronic keyboard at nakasuot ang earphone sa isang tenga nito. Ilalapag niya sana ang kape nito sa lamesa nang bigla nalang ito nagsalita. "Dito mo ilagay." turo nito sa gilid ng keyboard.

Tahimik naman siyang sumunod rito. Pinagmasdan ni Adie ang paghigop nito sa kapeng tinimpla niya. Hindi niya alam pero kinakabahan siya na baka bulyawan nanaman siya sa kapalpakan niya pagdating sa pagtitimpla ng kape. Nang ibaba nito ang tasa ay tinignan siya nito.

"Buti naman at naghinay ka na sa asukal." komento nito at inalis ang earphone na nakakabit sa tenga nito at pinalitan ng isang headphones tapos ibinalik na nito ang atensyon sa pagtitipa sa keyboard tapos may isinusulat sa isang music sheet.

Pinagmasdan ni Adie ang bawat kilos ni Marco. Ang pagtipa nito, ang pagsusulat nito sa music sheet tapos titipa nanaman sa keyboard. Hindi alam ni Adie kung bakit tila namamangha siya sa bawat kilos nito. Siguro ay dahil, tumutugtog din siya ng keyboard.

Napapitlag nalang siya ng magsalita si Marco. "Bakit nandito ka pa?" nakataas na kilay na tanong nito sakanya at inalis ang headphones at isinabit sa leeg nito.

"Tumutugtog ka pala,sir?" hindi na niya napigilang itanong. Eh sa curious siya eh.

"Nagcocompose ako ng kanta." tipid na sagot nito. At ibinalik ulit nito ang headphones sa tenga niya. Napatango-tango naman siya. Oo nga pala, sikat na musician pala ito.

A Love to Report [Fin]Where stories live. Discover now