Twenty-four

64.8K 1.1K 39
                                    

Kanina pa nakatulog si Adie sa pagkekwentuhan nila. Nakuntento lang silang magkwentuhan habang hinihintay na magkakuryente. Hindi pa tumitila ang ulan pero humihina na ito.

Inayos ni Marco ang pagkakahiga ni Adie sa sofa. Kinuhanan niya ito ng kumot sa kwarto. Palabas na siya ng kanyang kwarto ng biglang nagkaroon na ng ilaw ang buong kabahayan niya.


He went to the living room to check Adie. Nang masuguradong mahimbing parin ang tulog nito, kinuha niya ang DSLR niya at kinuhanan ito ng litrato.

Maya maya'y biglang gumalaw itong si Adie sa kinahihigaan niya. Siguo nahihirapan na ito sa posisyon. Agad na inilapag ni Marco ang DSLR niya sa lamesa at binuhat si Adie papunta sa kwarto niya.


Maingat niyang inihiga si Adie sa kama niya at tsaka inayos ang comforter. Binuksan niya ang aircon sa kwarto niya.


"Goodnight, Adie." He kissed her forehead bago lumabas sa kwarto.

-----

Naalimpungatan si Adie sa naririnig na musika sa may labas.

Ang sarap ng tulog niya, ang lambot ng hinihigaan niya.

At tsaka lamang siya natauhan. Napabalikwas siya sa pagkakahiga. Inilibot niya ang kanyang paningin sa kwartong kinalalagyan niya. Naalala niya na nandito nga pala siya sa bahay ni Marco. Nagkekwentuhan lang sila kagabi tapos nakatulog na siguro siya.

Tumayo na siya at inayos ang hinigaan. Lumibot pa siya sa kabuuan ng kwarto ni Marco, sa isang shelve ay makikita ang mga picture frames nila ng pamilya nito.

Nakuha nanaman ng atensyon niya ang musikang nanggagaling sa labas. Kaya naman lumabas na siya sa kwarto at hinanap si Marco.

Nakita niya itong tumutugtog sa may piano nito. Pinanood lang niya ito. Hindi pa kasi siya nito napapansin.

Nakangiting sumandal siya sa may dingding habang pinapanood ito pero nakita na siya nito kaya naman napatigil ito sa pagtugtog.


"Why did you stop?" Tanong niya rito.


"I'm just playing randomly.." Nahihiyang sabi nito. "Let's eat breakfast." Nakangiting aya nito sakanya.


"Nakatulog na pala ako kagabi, bakit hindi mo ako ginising?" "Sabi niya nang maupo siya sa high stool sa may bar counter nito.


"Mahimbing na ang tulog mo, at mukhang pagod na pagod ka.. Here you go." Sabay lapag ng isang platong may lamang bacon,eggs at toasted bread at tsaka umupo sa may harapan niya.


"Pupunta nga pala tayo kay Eunice mamaya. I'll submit the last song." Pagbubukas nito sa usapan.

"Okay. Buti naman natapos mo na." Komento niya rito.


"Oo nga eh. Kagabi ko lang natapos. After breakfast nalang tayo umalis. Naglagay na ako ng clean towels sa cabinet sa banyo."


Tumango-tango siya. Sumubo siya ng isang hotdog. "Okay, kukunin ko lang yung damit ko sa laundry room." Sabi niya rito.


"No need. Kinuha ko narin kanina yung mga damit mo. Nailagay ko na sa kama. Hindi mo ba nakita?"


Nabilaukan siya sa sinabi nito. "What?!"

Ibig sabihin, pati yung mga undergarments niya ay pinakelaman nito?! Cannot be!


Sana lamunin na siya ng upuan.

------

"Oh, Adie. Ano'ng ginagawa mo dito?" Bungad sakanya ng kaibigan niyang si Jean sakanya. Pagkatapos nilang pumunta ni Marco kay Eunice ay dito siya nagpahatid.


"I just miss you." Biro niya sa kaibigan.

Dumiretso siya sa bar counter nito at umupo roon sa high stool.

"Okay. Ano'ng problema mo?" Tanong sakanya ni Jean.

Bumuga siya ng malalim na hininga. "Mahal ko na siya." Deklara niya rito.


Naguluhan si Jean sa sinabi niya. "Whoa..whoa..wait! Teka.. nawindang ako! Sino ba itong pinag-uusapan muna natin?"


"Sino pa ba? Sino ba lagi kong kasamang lalaki?" Balik tanong niya sa kaibigan.

Then realization hit Jean. Nanlaki ang mata nito at pinalo siya sa balikat. Napa-aray siya sa pagkalakas na palo nito sakanya.


"Aray! Ano ba, Jean?!" Singhal niya rito.


"Shet pancit! Mahal mo na?! Sabi na nga ba eh!" Natutuwang sigaw nito.

Mabilis naman na tinakpan niya ang bibig ng kaibigan. "Huwag kang maingay!" Pinandilatan niya ito. Tumango naman ito kaya naman binitawan na niya ito.


"So, ano'ng pinoproblema mo diyan?" Kapagkuwa'y tanong nito sakanya.


"He said he likes me."

Titili na sana ulit ito ng naunahan niyang pandilatan ito kaya naman natahimik rin ito.


"Ay, like lang? Pero okay na iyon. It will lead to love naman, eventually." Kilig na sabi ni Jean sakanya.


"Iyon na nga ang problema ko." Nanlulimong sabi niya sa kaibigan.

"Ang alin? Ang pagkagusto niya sa'yo? Hoy Adrienne Marie Martin! May tililing ka ba?! Ano'ng problema kung ang isang Marco Dame Montello ang may gusto sayo?" Naguguluhang tanong nito sakanya.



"Hindi ko pa kasi nasasabi kay Marco.."


"Masasabing ano?"

Magkasabay silang napaharap sa likod nila. Nandoon si Marco na nakangiti sakanilang dalawa. Biglang dumagundong ang dibdib niya sa sobrang kaba.


"A-Ano'ng ginagawa mo dito? Akala ko n-nakaalis ka na." Kinakabahang tanong niya kay Marco.


Jusko! Pinagpapawisan na siya ng malamig sa sobrang kaba.


"May nakalimutan kasi akong sabihin sa'yo. Eh low battery na ang phone ko kaya bumalik muna ako." Paliwanag nito.

Pagkatapos ay tinitigan siya ni Marco. Ito na. She has no choice but to say what she has been hiding from him.



"Ano'ng hindi mo pa sa'kin nasasabi?" Tanong nito sakanya.


She kept on fidgeting her fingers. Tinignan niya ang kaibigang si Jean na tila kinakabahan rin.


"Marco.. kasi ano..--"


"In-invite ko siya sa birthday ng kambal ko." Sabay sabay silang napatingin sa isang lalaking nagsalita sa may likod ni Marco.


"Dylan. Ano'ng ginagawa niyo rito?" Kunot-noong sabi ni Marco.


"Kakain kami sa favorite naming restaurant.." Nakataas na kilay na sabi ni Jeremie rito. Kung hindi siya nagkakamali ito nga ang pangalan nito, at ang babaeng katabi nito ay si Colyn na ang asawa nito.


"Kailan pa kayo naging close? Alam ko isang beses palang kayo nagkikita." Tanong ni Marco sakanya.


Hindi niya alam ang sasabihin. Sa totoo lang hindi niya masyadong kilala sa personal ang mga kaibigan nito. Pero nakita na niya ang mga ito. Lalo na iyong Mico na nainis siya nang secretary pa siya kuno ni Marco. Binalingan niya sina Dylan na nakatitig sakanya na parang sinasabing sumakay nalang siya.


Wala sa sariling tumango siya. "Ah.. o-oo. Iyon sana ang sasabihin ko sa'yo." Lumunok siya at napapikit nalang sa panibagong kasinungalingang nasabi niya rito.


'Sorry Marco. I'll tell you everything. The day after tomorrow. Sasabihin ko rin sayo ang lahat. I'll just spend my last time with you tomorrow. Gusto ko'ng iparamdam sa'yo na ang pagmamahal ko ay hindi peke. Dahil iyon ang pinakatotoong naipakita ko sa'yo.' Piping sabi niya sa sarili.

--------

VOTE AND COMMENT PO :)

Follow. @kendeyss (twitter/instagram/ask.fm)

A Love to Report [Fin]Where stories live. Discover now