Twenty-two

62.8K 1.1K 51
                                    



Yakap-yakap ni Adie ang sarili habang binabagtas nila ang basang daan. Lamig na lamig na siya dahil sobrang basang-basa na siya. Kahit na binigyan siya ni Marco ng isang spare shirt nito ay hindi parin napawi ang lamig na nararamdaman niya. Pinatay rin nito ang aircon sa kotse pero wala paring epekto.

Napansin ni Adie na habang lumalayo sila ay paunti ng paunti ang mga kotseng nakikita niya hanggang sa lumiko si Marco pakaliwa at tuluyan ng nawala ang mga sasakyan na dumadaan. May nadaanan silang isang guard house at nang makita ng mga guwardya ang kotse ni Marco ay agad nilang binuksan ang gate at sumaludo pa ang mga ito sakanila na parang kilala ng mga ito kung sino ang nasa loob.

Pagkapasok nila ay may mga nakita na siyang mga bahay. Doon lang napagtanto ni Adie na isang subdivision ang pinasukan nila ngunit habang lumalayo ulit sila ay paunti ng paunti naman ang mga bahay hanggang sa pulos puno nalang ang nakikita niya.


"S-Saan ba tayo papunta? Bakit parang liblib na i-ito?" Nanginginig na tanong niya. Grabe. Nilalamig na talaga siya.


"Sa bahay ko. Malapit na. Konting tiis nalang." Sabi nito sa nag-aalalang tono habang sinulyapan siya saglit.

---

Namamanghang bumaba si Adie sa sasakyan nang masilayan na niya ang bahay ni Marco. It was a modern bungalow design. Kitang kita niya ang living room nito dahil sa glass wall na kaakibat nito.

"Let's go inside before you catch a cold." Sabi ni Marco at inalalayan siya papasok sa bahay nito.

Pagkapasok na pagkapasok nila sa loob ay mas lalo pa ata siya namangha. Mahihiya ka talagang tapakan o dumihan ang makintab na wooden floor nito. Ang living room naman ay adjacent lang sa dining area. Medyo malaki ang bahay ni Marco kung ito lang ang nakatira dito.

Ang tanong, ito nga lang ba ang nakatira rito?

What if, minsan may mga babae siyang dindala rito?

The thought of him with another girl just crushes her heart.

"Uwi mo nalang ako,Marco." Sabi niya ng lumabas ito galing sa isang kwarto.

Kumunot naman ang noo ni Marco sa sinabi niya. "Kung iuuwi kita, lalayo lang tayo. Mas malapit ang bahay ko kumpara sa condo mo. I can't take the risk na magkasakit ka." Tuloy-tuloy na sabi nito.


"Eh, baka magalit ang kasama mo rito sa bahay." Mahinang usal niya.


"Ano ba'ng sinasabi mo diyan,Adie? Ako lang ang nakatira dito. Eto, the bathroom is on the left wing." Abot nito sakanya ng isang robe at tuwalya at tsaka itinuro kung nasaan ang banyo.

She just muttered her thanks to him before she went to the bathroom.

Pagkasarang-pagkasara niya ng pinto ng banyo ay napapikit nalang siya ng mariin.

Nagplayback lahat sa kanyang isipan ang nangyari kanina. Suddenly,she lifted her hand and touched her lips. This lips just kissed Marco's lips.

Napabuga nalang siya ng hininga. Ano ba itong gulong napasok niya?!

Mabilis siyang nag-shower. Kinuha niya ang tuwalya at tinuyo ang sarili tsaka niya lang napagtanto na wala siyang damit!

Mabilis na isinuot niya ang robang binigay sakanya ni Marco pagkatapos ay kinuha niya ang mga basang damit niya at tsaka hinanap si Marco.

Pagkabukas niya ng pinto ay nagulat siya dahil nabungaran niya si Marco na akmang kakatok sa pintuan. Agad na niyakap ni Adie ang mga damit niyang basa. Napansin niyang pinasadahan siya ng tingin ni Marco bago umiwas ng tingin.


A Love to Report [Fin]Where stories live. Discover now