Twenty-three

66K 1.2K 64
                                    



"Adie?" Tawag ni Marco sakanya.

"I-I'm here." Sagot niya rito.

Nakita niya itong papalapit sakanya dala-dala ang flashlight.

"Halika, doon tayo sa sala." Aya nito sakanya na hindi naman rin niya tinanggihan.


Lalong lumakas ang ulan ngayong gabi. She doubt that she can go home at the state of the weather. Tanga nalang ang susuungin ang ganitong kalakas na bagyo.



"Are you okay?" Tanong sakanya ni Marco ng ilapag nito ang flashlight sa may maliit na lamesa sa tapat ng sofang inuupuan nila.


"Oo. Ayos lang ako." Sagot niya rito.


Panandaliang katahimikan ang lumukob sakanilang dalawa. Tanging mga malalakas na buhos ng ulan lamang ang naririnig nila, isama pa ang paminsan-minsang pagkulog.


"Adie.." Biglang tawag sakanya ni Marco. Bigla-bigla nalang kumabog ang dibdib niya, hindi dahil sa kulog kundi dahil sa boses nito.


"Hmm?" Hindi niya gustong magsalita dahil alam niyang mahahalata lang na kinakabahan siya dahil bukod sa madilim, ay silang dalawa lang ang naroon. Tapos, may nangyari pang halikan sa pagitan nila.


'At iyon talaga ang naisip mo?!' tudyo sakanya ng isip niya.



"Adie.." Muling tawag ulit nito sakanya.


"Ano-" nilingon niya si Marco ngunit nanlaki ang mata ni Adie ng biglang may malambot na dumampi sa labi niya. Mabilis na humiwalay siya.


Shet! Shet! Shet!


Did it really happen? Again?!


Did we just kissed?! Again?!



"I-I.. Ano.. B-Bakit kasi ang lapit mo!" Singhal niya kay Marco. Hindi niya alam kung paano itago ang hiya niya. Feeling niya siya ang gumawa ng first move doon sa halik. Hindi man sinasadya pero iyon ang nararamdaman niya. Halata namang nagulat silang pareho sa nangyari. Kahit na sa mumunting ilaw na nanggagaling sa flashlight, ay naaaninang niya ang mukha ni Marco.

Natigilan din ito sa mabilis na pagdampi ng mga labi nila. Siguro, hindi rin nito inaasahan ang nangyari. Kahit naman siya! Hindi niya inaasahan iyon.



"Adie.."


"Ano?!" Inis na sabi niya rito.


"Look at me."



"Lumayo ka muna!"



"Malayo naman ako ah." Halata sa boses nito na ine-enjoy nito ang pagkailang na nararamdaman niya.



"Sure ka? Promise? Lilingon na ako ah.. lumayo ka!" Banta niya rito.



"Look at me, Adie."


Mabilis na lumingon siya rito pero nanlaki nanaman ang mata niya ng bumungad sakanya ang nakangising mukha ni Marco. Gahibla nalang ang pagitan ng mga mukha nila. Ang mga tungki ng ilong nila ay nagkakadikit na.


Ilalayo na sana ni Adie ang kanyang mukha ng pigilan ito ni Marco.


"Ano ba.." mahinang asik niya rito.


Tinitigan lang siya ni Marco. Ni hindi ito nagsasalita. Nanatili lamang itong nakatitig sakanya.

Naaasiwa tuloy siya.


A Love to Report [Fin]Where stories live. Discover now